Quality Coffee

Quality Coffee
Healthy Food

Miyerkules, Hunyo 11, 2008

Trabahista nasa LTO na!

Nabasa natin noong nakaraan na sa haba ng paghihintay at paghahanap ay sa wakas nakakita rin ng pagkakakitaan ang ating bida. Ano kaya ang kanyang kapalaran sa bagong daigdig niya sa LTO. Kilala at sikat ang LTO sapagkat lagi itong laman ng pahayagan hindi sa anumang krimen kundi sa dami ng mga katiwaliang nagaganap sa loob at labas ng sangay na ito ng gobyerno. Subalit tatandaan ninyo na ang ating bida ay hindi naman derektang ugnay ang trabaho sa LTO kundi sila’y kontratista lamang upang gumawa ng mga lesenya sa pagmamaneho ng sasakyan.

Sa unang araw naging kabado pa rin ako sapagkat unang una simula yun ng trabaho na hindi naman linya ng aking pinag-aralan na accounting, sapagkat ang trabaho ko doon ay taga-kolekta ng mga silupin na merong laman na mga dokomento ng baway drayber na nag-aplay ng lesensya. Itoy ginagawa ko matapos nilang ipasok lahat ng mga inpormasyon sa computer terminal. Ako rin siempre ang nagbibigay sa kanila ng kanilang mga gagawain. Yan ang una kong pinag-aralang gawin ng masinop at maayos, sa kabila ng medyo marumi kasi maalikabok ang mga silupin, wala naman akong magagawa kundi magtiis. Subalit sa tiyaga at maayos na pakikisama sa mga kasama sa departamento naging malapit sila sa akin. Isa sa kanila na naging malapit sa akin si Rey, medyo nauna sa akin sa LTO isang encoder din. Naging buddy body kami sa trabaho ika nga.

Kahit ang aming pinaka besor ay malapit sa akin at sa oras ng pahinga sa tanghali, tinuturuan niya akong mag-pasok ng mga impormasyon sa computer, at kung paano ito pinaproses. Unti-unti natoto ako ng mga trabaho doon. Kasama doon tinuturuan ako ni Rey ng ibat ibang alam niya sa computer. At kapag may oras pa nagpapaturo din ako ng ibang mga program o software tungkol sa computer. Sa awa naman ng Diyos sa loob ng 6 na buwan na pamamalagi ko doon ay isa ako sa naging regular, marami nga ang nagulat kasi yung iba taon na doon hindi pa ma-regular. Iyan din ang ikinatutuwa ko sapagkat kung akoy mamalaging “contractual” na minsan ay nararanasan mahinto ang trabaho kasi nauubusan ng mga gagawin sa loob. Kaya noong naging regular na ako hindi ko na yun dinaranas at ang araw ng Sabado ay naging kalahati lang ang pasok ko, isang prebelihiyo para sa mga regular employees.

Makalipas ang isang taon, nagpursegi ako sa aking trabaho at naging assistant shift leader ako, medyo tumaas ang sweldo. At nag sanay din ako sa loob ng data center bilang operator ng mga hardrive at console. Doon ako nahasa ng kaunti sa computer at ilang mga basic tungkol sa computer. Matapos ko ang pagsasanay sa loob hindi na ako bumalik sa pagiging re-butcher kundi naging record controller na ako sa encoding department, timekeeper. Minsan si Amy isa sa mga kasama ko doon ay nagbiro na may ipakikilala daw siya sa akin na kaibigan niya, dalaga na taga Laguna at kasama niya sa tirahan, at nagtatrabaho sa Makati. Sa narinig ko nagkaroon ako ng interest na kilalanin ko ang sinasabi niya, hiningi ko ang telepono niya sa Makati para makipagkilala, ibinigay naman agad ni Amy. Minsan isang tanghali matapos ang tanghalian sabi ko kay Amy tawagan niya tapos ipakilala ako at ibigay sa akin ang telepono. Ganon nga ang ginawa niya, nag-usap ang dalawa, maya maya ibinigay na niya sa akin ang linya.

Siempre nagpakilala ang sandugo, nagkakuwentuhan ng ilang sandali at ang huli kong nasabi sa kanya ay kung pwedeng tumawag ulit sa kinabukasan sa ganong oras ulit, sumang-ayon naman siya. Kinabukasan sabi ko kay Amy na ako na lang ang tatawag kung kakausapin ako. Tinawagan ko at sa laking gulat ng marami doon kasi kina-usap ako, si Larylyn ang pangalan pala niya. Kuwentuhan ng buhay, buhay biro biruan ng kaunti hanggang naging lagian na akong tumatawag sa kanya. Hindi ko na pinatagal pa nag sabi na ako kung pwedeng sunduin siya at sabayan sa pag-uwi na tamang tama naman na taga-Santa Mesa siya at ako naman ay sa Sampaloc lang. Pero bago ang pagyaya ko sa kanya nagkaroon kami ng deal ni Amy, sabi ni Amy na hindi ko raw mapapasagot si Larylyn, siempre kumasa ako sa deal niya sabi ko sige, pero wag na wag kang papapel, ibig sabihin wag si Amy magkukuwento ng tungkol sa deal namin, shoot sabi nya.

Kinabukasan tumawag ako, nakahanda na akong sumundo sa Makati, kung paano pumunta roon at anong sasakyan, sapagkat pumayag naman si Larylyn. Hindi na ako nag-overtime noon kasi baka ako maantala ang dating sa Makati, sakay ako ng bus punta sa Makati, baba ako sa sinabing lugar at hinanap ang pinapasukang kompaya niya. Madali ko namang natagpuan yun, pagtanong ko sa security yun pala naka timbre na ako at ang ibang mga kasama niya sa trabaho ay alam na rin, kaya namumula ako at ang daming kantiyawan. Medyo nahihiya ako kasi unang tagpo namin, tanong kung anong oras siya lalabas, kalahating oras na lang daw, ibig sabihin napabilis pa ako. Naghintay na lang ako sa labas sa may security. Siya’y isang accounting clerk doon.

Sabi ko saan tayo pupunta ngayon noong kami ay naglalakad na? Sabi niya diba sabi mo sasabay ka lang naman pauwi sa akin, hindi naman date ang ating usapan, medyo napahiya ako, totoo naman yun ang usapan namin. Kaya deretso kami sa sakayan ng bus, na may biyaheng Quiapo. Sa loob ng bus medyo nakapag-sap kami ng maayos, si Larylyn ay medyo payat, hanggang balikat ang buhok, di naman gaanong maputi, kayumanggi ang kulay niya. Dumating kami sa tinitirhan niya, pero hindi pala doon nakatira si Amy kundi kapitbahay lang, nasabi ko na okay ito, walang peligro sa usapan namin. Paminsan minsan lang sila nagkikita. Pinapasok niya ako sa bahay at pina-upo, tapos naghanda siya ng pagkain at doon ako pinilit kumain, kasi raw alam niya na hindi pa ako nakain, tama naman siya. Kaya hindi na ako nagkuwari pa kundi kumain kaming sabay. Sa mga ganong kilos mula pa nong una naming pagkikita naramdaman ko at nakita na may umusbong na interest siya sa akin.

Naging lagian at nakasanayan na naming ang ganoong usapan na tuwing Biernes ay susundo ako sa kanya,tapos Linggo ng hapon naroon ako sa kanila. Kaya sa loob ng wala pang isang buwan napasagot ko siya. Nagulat din si Rey sapagkat napakabilis daw ng pangyayari, sabi ko naman – ako pa… Sa LTO marami ang mga dumating na bagong mukha doon kasama si Bong, Lorena, Diane, Nelson, Mylene at marami pang iba at lahat sila ay sa encoding department napunta
.