Huwag po kayong magagalit muli sa akin doon sa mga nakabasa na nito sa FB, hayaan po naman ninyong malaman o mabasa ng iba para hindi sila maging biktima.

AKALA KO AKO LANG!...UN PALA MERON PANG IBA NA NABIBIKTIMA NG GANITONG SISTEMA...PAANO NA KUNG UN LANG ANG NATITIRA MONG PERA AT MALAYO PA ANG PUPUNTAHAN MO...kawawa ka naman....maglalakad ka...(based on my own experience sa isang aircon bus....)
Last september 6, 2007, 4pm, ako ay sumakay ng bus sa cubao papuntang Robinsons Galleria. Dahil wala akong barya, P100 ang binigay ko sa kundoktor. Binigyan nya ako ng ticket worth P10 at kinuha ung P100 na binayad ko sabay sabi na sandali lang wala akong baryang panukli. So, pagdating sa may P. Tuazon (near araneta center)...pinaalala ko uli ung sukli ko sa konduktor...tinanong nya ako, "san ka nga uli baba'?." sumagot ako na..."sa may robinsons galleria lang!"......."malayo ka pa naman eh...sandali lang"...sabi ng kundoktor.
So, pagdating ng VV Soliven... lumipat ako ng upuan (3rows before the driver , at the right side of the bus). Pagdating ng SEC (near ortigas ave.) kinukuha ko na ung sukli ko...hindi kumibo ang kundoktor...(luminga-linga
Nang patawid na ng ortigas ave. (stoplight)...tumayo ako at nilapitan ko ung konduktor na naka upo sa tabi nung driver...hiningi ko ung sukli ko...
eto ang sabi nya sa'kin..."PATINGIN NGA NG TICKET MO?.,... sabay inabot ko...
sabi ng kundoktor..."Eh WALA NAMAN AKONG SINULAT (note) SA LIKOD NG TICKET MO ..TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!.... TARANTADO KA PALA EH... medyo mag init ang ulo ko sa sinabi nya... kaya sumagot ako... na ..TARANTADO KA RIN!!!...KANINA KO PA SINASABI NA ...UNG SUKLI KO SA P100 NA BINIGAY KO...
dun na kami nagkasagutan....at may dumikit sa akin na lalaki at sinabihan ako na ...."PRE,,WALA KA NAMAN INAABOT NA 'SAN DAANG PISO eH...TAPOS HIHINGI KA NG SUKLI!!!..
tumayo ako malapit sa pinto..malapit sa driver...at sinabi ko ung ginawa nung kundoktor nya....
eto ang sabi nung driver.... 'ABA..PARE...HINDI KO ALAM YAN...BAKA NAMAN WALA KA TALAGANG BINIBIGAY NA P100 DUN SA KUNDOKTOR KO...(sa pagkakataong ito...tatlo na ang nakikipagtalo sa akin... ung kondukto,.,,ung driver at ung isang lalaki na nakaupo sa may likuran ng driver...
Sabi ko sa sarili ko...agrabyado ako pag nakagulo...kaya sinabihan ko ung driver na...baba na ako. ..sabi ko..."BUKSAN MO YUNG PINTO...BABABA NA AKO..LALAMPAS AKO. HINDI AKO MAKIKIPAG BASAGAN NG MUKHA SA INYO SA HALAGANG P90 PESOS (sukli)...SA INYO NA LANG UNG SUKLI KO...(sa pagkakataong ito, ...ung bus ay nakahinto sa may tawiran sa harap ng POEA...pero hindi nya binubuksan ung pinto...hanggan sa umarangkada na uli ung bus..)
Sa may tapat ako ng DOLMAR BLDG (fronting POVEDA near Ortigas MRT Station) ako ibinaba...na kung saan eh..wala ng mga traffic aide na mapagsusumbongan ng kalokohan hila...
So...after one month...nakalimutan ko na ung nangyari....
Last October 30, 2007 (Tuesday) around 6:15pm...pauwi na ako galing ortigas going to makati (guadalupe tulay)... May isang babae na kasakay ko sa bus....na nagrereklamo sa kundoktor at driver....na hindi rin binibigay ung sukli. Sya daw ay galing sa may Timog ....sya ay bababa sa Boni....
Naalala ko ung nangyari sa'kin ....nang biglang may "LALAKI" na tumayo sa may kabilang upuan at sinabihan ung 'BABAE" na ...
"MISS...MISS...SINGKWENTA PESOS LANG UNG BINIGAY MO SA KUNDOKTOR...KITANG KITANG KO"....
Sa galit nung babae...akmang baba na sa may tapat ng 'Jollibee Boni"...nang biglang isinara nung driver ung pinto....at tsaka pinatakbo na matulin ung bus...hanggan sa makarating sa may tapat ng "PUGON"...(bilihan ng tinapay malapit na sa tulay)....Dun ko na pag tanto ung nang yari sa'kin...parehong-pareho ng ginawa dun sa babae...
Bago ako...bumaba sa may Guadalupe tulay (Loyola)...tiningnan ko ung driver,,,ung kundoktor at ung "LALAKI" na kumatig dun sa kundoktor....Magkaka-kilala pala sila....at nagtatawanan pa...
Akala ko ako lang ang nakapansin sa nangyari...
pag sakay ko ng jeep papuntang DELPAN....may "MAMA" na bumati sa akin...sabi nya..."PARE, KALA KO KANINA...TUTULUNGAN MO UNG BABAE...un hindi sinuklian?... "KASI NAKITA KO UNG MGA KA-KONTSABA NUNG DRIVER AT NUNG KONDUKTOR....UNG ISA...HINDI NAGSALITA PERO LUMAPIT SA MAY LIKOD MO....KAYA AKO...LUMIPAT DIN AKO ...KASI TWO YEARS AGO...NAKA EXPERIENCE AKO NANG GANYAN SA MAY BALINTAWAK... SINAKSAK UNG ISANG PASAHERO...KAWAWA NAMAN...GANYAN ANG MODUS OPERANDI NILA SA BUS....KAYA NGA PAG SUMASAKAY AKO NG BUS...PALAGI AKONG MAY DALANG BARYANG PANG BAYAD...
so samakatuwid...hindi lang pala holdaper at snatcher ang titingan mo sa bus....kawawa naman tayo...parehang kung mamuhay....paano na tayo...????
Sa inyong lahat...lagi po sana tayong mag iingat....Paki pasa na lang po...baka makatulong kahit konti.
Martes, Enero 31 2012
MODUS OPERANDI SA BUS
Martes, Enero 10 2012
Nobela Sa Loob Ng Jeep
Narito po yung bahagi ng kwentu patungkol sa mga pangyayari sa loob ng jeep sa Pilipinas, may mga nakakatawa at may nakaka-inis. Ang kwentong ito ay hango sa ipinadala sa akin sa FB at hayaan nyo na ilimbag ko ulit para naman doon sa mga hindi nakakabasa nito.
Bahagi na ng mayamang kultura ng mga Pilipino ang jeep. Sa katunayan, hindi ka isang tunay na Pilipino kung ni minsan ay hindi ka nakasakay sa isang jeep! Kaya kung magpahanggang ngayon e hindi ka pa nakakatuntong sa loob ng isang jeep ay pinapayuhan kitang subukan mo na pagkabasa na pagkabasa mo ng artikulong ito. Hindi mo pagsisisihan. Bilang isang estudyante, at bilang malayo ang bahay namin sa pinag-aaralan kong unibersidad, ay kinakailangan ko talagang mag-jeep araw-araw sa pagpasok at sa pag-uwi. Apat na jeep pa nga ang nasasakyan ko kada araw dahil dalawang byahe ang layo ng bahay namin sa eskwelahan. Magkaganun pa man, masasabi kong ang pagsakay sa jeep ang isa sa mga pinakamasaya, pinakakwela, at pinakanakakaasar kong ginagawa tuwing pumapasok. Bakit? Narito ang mga dahilan.
Tagpo # 1 Umaandar ang jeep. Halos walang sasakyan sa kalsada at mabilis ang takbo ng jeep. May paparang ale sa dulo na katapat ko. Ale: Manong, para! Driver: (dedma lang) Ale: (mas malakas) Manong, para na po! Driver: (dedma na naman. Bingi lang siguro) Ale: (malakas, at nagagalit na) MANONG, PARA NA NGA!!! Driver: (dedma pa rin. pagsabog na lang siguro ng bulkan ang makapagpapagising sa driver na ito) Ale: (nanginginig sa galit, labas na ang mga ugat sa ulo, magiging kamukha na niya ang The Hulk) PARA NA SABE! PARA NA! PARA NA! Driver: (matatauhan at mabilis na ipepreno ang jeep dahilan upang magkasubsuban ang mga pasahero) Ale: (maluha-luhang bumaba ng jeep dahil napakalayo na ng bahay nila at kailangan mo pang sumakay ulit ng isa pang jeep dahil super layo talaga. bago tuluyang bumaba ay magbibigay pa ng sentimyento) !@#$%Z^& DRAYBER ‘YAN! BINGI! Noong narinig ko iyon ay sumambulat ako sa kakatawa. Syempre, naawa rin naman ako dun sa ale na lumagpas ng pagkalayo-layo. Makikita mo talaga sa kanya ang matinding galit at naroon sa mukha niya ang ekspresyong nagsasabing, “babangon ako’t dudurugin kita!” Nagtataka naman ako kung wala ni isa mang pasahero sa loob ang naisipang ipara ang ale. At para naman sa drayber, hindi makasasama ang pagko-cotton buds araw-araw.
Tagpo # 2 Kaskaserong drayber na puro kabastusan ang kinukwento sa katabing kumpare. 3/4 ng jeep ay puno. Pumara ang isang grupo ng mga kabataan sa gilid ng kalsada. Kinatawan ng mga kabataan: Ay, hindi po pala kami kasya. Drayber: E !@#$%^& pala, papara kayo tas hindi naman pala kayo sasakay! Kinatawan ng mga kabataan: E BULOL KA PALA E! HINDI NGA KAMI KASYA E! Natameme ang drayber at kumaripas na lang ng takbo dahil sa pagkapahiya. Buti nga sa kanya!
Tagpo # 3 Pasahero 1: Makiki-abot ng bayad! Pasahero 2: (nasa unahan, sa likod ng drayber. naka-shades at kuntodo make-up na parang sinampal-sampal na siya nina Jean Garcia at Princess Punzalan. dedma lang, text nang text) Pasahero 1: Bayad nga! Makiki-abot na nga! (nangangawit na) Pasahero 2: (itinago ang cellphone, dedma pa rin) Pasahero 1: Miss, makiki-abot na nga. Pasahero 3: (katapat ni Pasahero 2 at siyang nag-abot ng bayad) Pasahero 1: (nagtaray kay Pasahero 2) Aba, kung ayaw mong nag-aabot ng bayad, huwag kang umuupo sa unahan! Tama naman si Pasahero 1! Iyon lang ang nakakaasar sa ibang mga tao sa jeep, ayaw na ayaw mag-aabot ng bayad. Kala mong mga hari at reyna na hindi pwedeng hingan ng pabor. Hello??? Nasa loob kaya sila ng jeep na isang pampublikong sasakyan. Syempre, natural lang ang abutan ng bayad.
Tagpo # 4 Dadaan ang jeep sa isang kanto. Mula sa kaliwa ay bigla-biglang lilitaw ang isang van. Buti na lamang nakapagpreno agad ang drayber kundi ay baka maya-maya ay ibinabalita na kami sa TV Patrol. Magbababa ng bintana ng van at hihingi ng sorry ang drayber nito. Drayber ng Jeep: !@#$%^& AATEND KA NG MGA SEMINAR HA! MUNTIK NA KAMING MAMATAY! Kahit isang seryosong bagay ang pinagdaanan namin ay hindi ko pa rin napigilan ang matawa dahil sa sinabi ng drayber na “umatend ng seminar”. As in matatawa ka talaga. Pero bukod pa sa mga iyan, nakakaasar din iyong mga taong ayaw umusog. ‘Yong tipo bang kuyukot mo na lang ang nakakaupo e sila, ayaw pa ring umusog. Aba, aba, teka, arkilado nila ang jeep? Doble ang binayad nila? For sure, sa mga sumakay ng jeep, naranasan niyo na rin ‘yan.
Tagpo # 5 Magkasintahan sumakay ng jeep. Magkaholding-hands. Nang umupo ay sumandal si girl sa dibdib ni boy. Hinahalikan naman siya ni boy sa pisngi habang pinadadaan ang kamay niya sa buhok ni girl. Tawa pa sila nang tawa habang lalo pa nilang ine-exaggerate ang pagpi-PDA nila.Wala sila keyr kahit pinagtitinginan sila ng mga nakasakay. Drayber: (nasilip sa salamin ang ginagawa ng dalawa, conservative ata) HOY, SA HOTEL KAYO MAGLAMPUNGAN! Ito rin ang ilan sa mga nakakaasar at nakakatuwa sa loob ng jeep. ‘Yong mga magsyotang hindi na lang “affection” ang pina-public display nila dahil konti na lang, magiging porn na. Kung sa teleserye natin mapapanood ang mga ganyan, baka kiligin pa tayo, hindi ba? PERO SA LOOB NG JEEP NA SINASAKYAN NG MAHIGIT SA DALAWAMPUNG KATAO??? Aba, mahiya naman!
Isa rin sa mga masasayang tagpo sa loob ng jeep ay iyong kasama mo ang mga kaibigan mo at magkakasabay kayong papasok. Syempre, nariyan ang walang katapusang kwentuhan, harutan, kantiyawan at tawanan. Nariyan pang maghahanap pa kami ng mga gwapo (para sa mga babae at bading kong kaibigan) at magaganda (para naman sa’kin. he he he) na kasabay namin. Kapag may nakita kami, susunod ang mga harutan at sundutan sa bewang kasabay ng pagkanta ng Jeepney Lovestory ni Yeng Constantino. Wala kaming pakialam kahit marami kaming kasabay, ang mahalaga’y nagkakasayahan kami. Kaya naman sa mga nainis sa’min dahil sa pag-iingay namin, patawad po. Minsan din, ang jeep ang magiging daan upang magtagpo kayo ng crush mo.
Naalala ko no’n nang makasabay ko ang crush kong TLE major, halos dumausdos ako sa upuan ko dahil sa kilig. Feeling ko tuloy, bumalik ako sa pagkahayskul. Katapat ko siya no’n at nag-aalinlangan pa nga akong tingnan siya dahil baka lumingon siya sa’kin at magtama ang aming mga mata (katulad sa mga pelikula at teleserye) at HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN kapag nangyari iyon. Baka tuluyan na kong mahulog sa upuan at gumulong-gulong palabas ng jeep.
Tunay ngang napakasaya, at kung minsan naman ay nakakaasar, sumakay ng jeep. Naranasan mo na bang nakabukas ang mga bintana ng jeep at mabilis ang takbo nito na hinahangin ang buhok mo na feeling mo tuloy, nasa America’s Next Top Model ka? O kaya naman, naranasan mo na ba ‘yong napakalakas ng ulan sa labas at nasa dulo ka, pinagmamasdan mo sa pintuan ng jeep ang nakaka-emong patak ng ulan. Hay. Kung hindi mo pa nararanasan ang mga iyan, lalo na yung mga nabanggit sa itaas, ay kinakaawaan kita. Pero hindi pa naman huli ang lahat. Sumakay ka ng jeep! Napakarami d’yan sa labas. Mag-abot ka ng bayad at umusog ka kapag may sasakay ha. At higit sa lahat, pumara kapag bababa na. Mahirap ang lumagpas sa pupuntahan.
Sabado, Oktubre 29 2011
Bagong Yugto ng Buhay
Mahigit isang taon nang hindi ako nakakagawa ng blog na ayon sa mga pangyayari sa buhay buhay sa paligid at sa pansariling buhay. Siguro sa dahilang naging abala ako sa mga alalahanin kung paano mapupunan ang isang bahagi ng aking buhay na masasabi kong mahalaga. Ito ay ang pag-aaral ng aking dalawang anak. Na sa awa ng Diyos nakapag simula at natapos na ang unang yugto ng kanyang pag-aaral. Naroon din na yung bunso ay patuloy rin sa pag-aaral sa medyo magandang paaralan.
Ano nga ba ang mga pinagdaanan bago ang kaganapang ito. Sa awa at tulong ng Diyos nabigyan ng kakaibang kaisipan ang aking panganay naroong siya ay naging valedectorian sa high school. Masasabi kong hindi naman kakikitaan ng mga palatandaan ng pagiging matalino - subalit naroon sa kanya ang pagiging masipag, matiyaga at desiplina sa sarili at siempre naroon din ang mahalagang dalangin sa araw araw ng kanilang buhay.
Noong una nalagay sa isip ko na noong matapos ang high school nakakasigurado na akong makakapasok siya sa UP Diliman na isang scholar subalit hindi nangyari ang ganon. Nakapasa siya sa UP at kinuha ang nararapat na kursong ECE. Noong simula medyo nakita ko na ang magiging problema sapagkat kung ang kinikita ko sa buwanan ang tatanungin hindi ito sapat sa isang college na araw araw ay namamasahe. Idagdag pa rito ang pagkain at iba pang gastusin.
Subalit nabigyan ako ng pagkakataon at ng medyo magandang resulta sa aking pagtitiyaga at hilig sa pag-gawa ng mga e-books. Noong una sabi ko paano kaya ako kikita rito samantalang wala naman akong kakayahan at kaalaman tungkol sa internet marketing. Naroon pa ang nakapalibot na iba't ibang parunggit na nag-aaksaya lang daw ako ng panahon. Subalit naroon pa rin ang aking positibong kaisipan na balang araw kikita rin ako kahit papaano sa aking mga ginagawa. Pinag-aralan ko ang mga bagay na naka-lakip sa aking ginagawa hanggang natutunan ko unti-unti ito.
Sa ngayon masasabi kong malaki na ang naitulong ng aking mga ginawa noon at ito ay nakatulong na ng malaki sa pag-aaral ng aking dalawang anak. Bakit kamo. Noong unang enrollment sa college nakapag-ambag ang mga ginawa ko ng Php:10,000 na sa awa ng Diyos maganda ang naging result sapagkat matataas ang grado ng anak ko. Sa ikalawang pagkakataon makatutulong din ulit ito sapagkat nakapagpadala na ako ng Php17,000 na kung makikita ay lumaki ng kaunti kumpara sa dati.
Sa aking kaisipan at patuloy na ginagawa kaugnay dito, patuloy kong pasisikapang mapaganda pa ang aking mga ebooks na makikita sa https://www.tripleclicks.com/ECA/ECAMyStore.php?id=2916 kaya kayo inaanyayahan ko kayong bumisita dito.
Sa mga susunod na paglalarawan ko ay ang tungkol naman sa iba't ibang naging balakid sa aking mga ginagawa..
Lunes, Hunyo 28 2010
Sulat ng Isang Ama
Kumusta na.. sigurado ako na medyo magugulat kayo at baka nga iisipin pa ninyo na "ano naman ito galing kay papa ang haba". Wala lang medyo miss ko lang kayong dalawa hindi na nga ako nasanay samantalang marami ng taon ang lumipas na malayo ako sa inyo, siguro ganon lang talaga ako para naman maibahagi ko yung mga ilang bagay bagay sa karanasan ko na pwedeng kapulutan ng aral ninyo. Sa totoo lang natutuwa ako kasama ang mama ninyo kasi mababait, masunurin, hindi sakit ng ulo di tulad ng ibang anak, masisipag mag-aral, matatalino, pogi at maganda siempre. Lagi ko nga kayong ipinagmamalaki kahit kanino na maka-usap ko na mapag-uuasapan ang mga anak. Parang kailan lang pareho na kayo ngayong binata at dalaga na, pero wag naman kayong makukulitan sa amin ni mama ninyo sa paulit-ulit at walang hanggang pagsasabi ng mag-aral ng mabuti, gawing priority ang pag-aaral kasi yun lang ang aming maibibigay sa inyo. Nakikita naman ninyo yung pagsisikap namin ni mama para lang makapag-aral kayo.Tulad ngayon binata at dalaga na kayo batid namin ni mama na may mga bagay na kayong mararanasan, ito man ay tagumpay o kabiguan. Pero ang sinisigurado namin sa inyo nasa likod ninyo lagi kami umaalalay, dumadalangin sa Diyos, mag-aadvice at tumutulong. Kahit anong bagay, ito man ay personal na damdamin or panlabas na pangyayari - maaasahan ninyo kami na laging nakikinig at hindi kami magiging hadlang subalit hayaan naman ninyo na maging kabahagi kami ni mama at pakinggan naman sana ninyo yung side namin malay mo tama pala kami ng payo. Kung nabasa ninyo sa bible sinasabi roon na "mga anak igalang at sundin ang mga utos at payo ng magulang para humaba ang inyong buhay".
Alam din namin na mararanasan o nararanasan ninyo yung sinasabing puppy love, crash, love and true love. Pero hindi kami ni mama ang magiging hadlang sa ganong sitwasyon ang sa amin lang payo, paalala na unahin ang pag-aaral. Kasi yan din yung pangaral na tinanggap ko sa Inay at Tatay noong nag-aaral pa ako, ipinakita nila sa akin yung mga bagay na ikasasama kung hindi magiging tama at padalos dalos na pasya dahil lang sa kapusukan at kung ano yung nararamdaman. Unang una kong nakita noon sa inay at tatay noong nag-aaral ako yung kanilang pag-hihirap at tiyaga para lang matugunan yung aking pag-aaral, kaya yun ang naging sandigan ko para magsikap na matapos sa pag-aaral. At naging panuntunan ko na hindi magiging hadlang yung damdamin ko kung iibig din lang ako, kailangang matapos muna ako bago ang lahat. Pero mali ako kasi sa murang edad nakaramdam na rin ako ng pag-hanga sa babae yun yung puppy love (elementary yun) tuksuhan, hanggang doon lang yun kasi nga lagi kong naaalala yung pangako ko sa sarili ko na kailangang matapos ako sa pag-aaral. Sa high school 1st & 2nd year sinubukan kong manligaw busted ako masakit mabigo kaya doon ako natuto na kailangan pala wag buhos yung damdamin sa ganong bagay naapektuhan ang pag-aaral ko pero naalala ko ulit yung sinabi ko sa sarili ko na pag-aaral muna.
Tapos unang girlfriend ko noong 3rd year ako nasabi ko sa sarili na kakaiba yung nararamdaman ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito - gusto ko lagi ko siyang nakikita, lagi kaming magkasama, nag-uusap, at natanong ko sa sarili ko ito na ba yung true love? Pero hindi pala noong matapos yung high school nagkahiwa hiwalay na kami ng papasukang school, mga unang 3 buwan naroon yung communication sa sulat hindi pwedeng dumalaw kasi nasa Maynila ako siya ay nasa Batangas. Hanggang parang kusang nawawala na lang siguro malayo tapos ibang environment at karanasan ang aking kinakaharap. yung sa college bago na lang ulit yun.....
Kaya ngayon ang masasabi at payo ko lang sa inyong dalawa nakakaramdam o nararanasan ninyo yung tinatawag na puppy love, crush, love or sa tingin ninyo ay true love - huwag na huwag kayong padadala sa inyong damdamin, hinay hinay lang magkamali kayo ng pasya bagsak lahat ang pangarap ninyo. Kaya nga sa panahon ngayon marami ang nasisira ang pag-aaral dahil sa maling pasya nagpapadala sa tuksuhan, kahiyahaan, napasubo - hindi iniisip yung mga pangako at priority sa buhay. Wag kayong magmamadali lalo na sa pag-ibig minsan sinungaling ang puso akala mo yun na yung totoo pero hindi pala. At sa pakikipag-relasyon - dapat maging maunawain, matalino sa pagpapasya, dapat alam ng babae at lalaki kung ano ang limitasyon, ano yung bawal, ano yung dapat unahin at nagkaka-isa ng gusto para tumagal yung pagsasama ng dalawa. Hindi pwede yung subrang higpit na parang hinahawakan ng lalaki sa leeg si babae at masyado namang selosa ni babae - sabi nga give and take. Wag masyadong showy na kahit nasa loob ng school kahit na ipinagbabawal eh naroon yung lampungan, igalang dapat ang lugar.
Hindi kami ni mama nagagalit o hadlang sa ganon, magagalit lang kami kung napabayaan na ninyo yung pag-aaral na dati matataas yung grades ng dahil lang doon bumaba. Magagalit kami kung yun ang naging priority ninyo, na yun ang makikita naming naging sanhi ng pagbaba ng inyong mga grades. Pero tandaan ninyo "you cannot serve two masters, one you love and other you hate" - Ibig kung sabihin kapag sinabi nyo na kaya nyong pagsabayin yung pag-aaral at pag-ibig medyo mali yung pasya ninyo kasi hindi nyo sila mapagsasabay isa sa kanila ang mag-sasuffer. Pwede nyong pagsabayin yun pero mas priority yung pag-aaral, sabi nga kailangang maging inspiration lang yung pag-ibig kung percentage naman kailangang 10% lang yung pag-ibig and the balance 100% sa pag-aaral. Mataas ang expectation namin sa inyong dalawa na makakatapos kayong dalawa sa inyong respective school and year with honors kasi alam namin na kaya ninyo yun kung pagtutuunan lang ninyo ng priority at pansin.
Salamat sa inyong magtitiyaga sa pag-aaral yan din naman ang nagiging kalakasan ko dito kahit malayo ako kasi kapag nalalaman ko na nagsisikap kayo at matataas ang mga grades ninyo praud ako bilang ama. Kaya kung tiisin ang anumang hirap, bigat ng trabaho at lungkot makita ko lang na yung ginagawa ko ay may magandang resulta. Pasensya na kayo kung minsan nag bibiro ako ng hindi maganda or minsan hindi ninyo ma carry.
Sana kahit mahaba ito at boring basahin at bigyan ninyo ng kaunting pansin at sana may mapulot kayong mahalagang aral.
Kaya ngayon ang masasabi at payo ko lang sa inyong dalawa nakakaramdam o nararanasan ninyo yung tinatawag na puppy love, crush, love or sa tingin ninyo ay true love - huwag na huwag kayong padadala sa inyong damdamin, hinay hinay lang magkamali kayo ng pasya bagsak lahat ang pangarap ninyo. Kaya nga sa panahon ngayon marami ang nasisira ang pag-aaral dahil sa maling pasya nagpapadala sa tuksuhan, kahiyahaan, napasubo - hindi iniisip yung mga pangako at priority sa buhay. Wag kayong magmamadali lalo na sa pag-ibig minsan sinungaling ang puso akala mo yun na yung totoo pero hindi pala. At sa pakikipag-relasyon - dapat maging maunawain, matalino sa pagpapasya, dapat alam ng babae at lalaki kung ano ang limitasyon, ano yung bawal, ano yung dapat unahin at nagkaka-isa ng gusto para tumagal yung pagsasama ng dalawa. Hindi pwede yung subrang higpit na parang hinahawakan ng lalaki sa leeg si babae at masyado namang selosa ni babae - sabi nga give and take. Wag masyadong showy na kahit nasa loob ng school kahit na ipinagbabawal eh naroon yung lampungan, igalang dapat ang lugar.
Hindi kami ni mama nagagalit o hadlang sa ganon, magagalit lang kami kung napabayaan na ninyo yung pag-aaral na dati matataas yung grades ng dahil lang doon bumaba. Magagalit kami kung yun ang naging priority ninyo, na yun ang makikita naming naging sanhi ng pagbaba ng inyong mga grades. Pero tandaan ninyo "you cannot serve two masters, one you love and other you hate" - Ibig kung sabihin kapag sinabi nyo na kaya nyong pagsabayin yung pag-aaral at pag-ibig medyo mali yung pasya ninyo kasi hindi nyo sila mapagsasabay isa sa kanila ang mag-sasuffer. Pwede nyong pagsabayin yun pero mas priority yung pag-aaral, sabi nga kailangang maging inspiration lang yung pag-ibig kung percentage naman kailangang 10% lang yung pag-ibig and the balance 100% sa pag-aaral. Mataas ang expectation namin sa inyong dalawa na makakatapos kayong dalawa sa inyong respective school and year with honors kasi alam namin na kaya ninyo yun kung pagtutuunan lang ninyo ng priority at pansin.
Salamat sa inyong magtitiyaga sa pag-aaral yan din naman ang nagiging kalakasan ko dito kahit malayo ako kasi kapag nalalaman ko na nagsisikap kayo at matataas ang mga grades ninyo praud ako bilang ama. Kaya kung tiisin ang anumang hirap, bigat ng trabaho at lungkot makita ko lang na yung ginagawa ko ay may magandang resulta. Pasensya na kayo kung minsan nag bibiro ako ng hindi maganda or minsan hindi ninyo ma carry.
Sana kahit mahaba ito at boring basahin at bigyan ninyo ng kaunting pansin at sana may mapulot kayong mahalagang aral.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)







