Quality Coffee

Quality Coffee
Healthy Food

Lunes, Mayo 26, 2008

UE Final Days

Natapos ang masasayang araw namin sa Baguio at ito ay dala dala ng unang araw sa bagong taon at huling taon sa UE. Bagong karanasan ika nga, at siempre sikat na naman kami sa boong barkada lalo na sa mga babae. Siempre kanya kanyang kuwento at kantiyawan. Huling taon sa UE, isang pangyayaring mahirap kalimutan sa buhay ng Sandugo. Sa pag-aaral di naman masyadong mahusay, di naman bobo ika nga nasa gitna lang. Tulong tulong sa mga assignment, project, research at sa mga kalukuhan, lakaran iisang kaisipan. Subalit naron pa rin yung pagpupursige na matapos ang nasimulan, para sa sarili at para sa mga magulang na umaasa.

Ewan ko kung bakit sa huling taon pa nangyari ang isang bagay na madali naman harapin pero bakit hindi hinarap ng ating bida. Ano ito? Kung barasuhan ika nga di naman patatalo ang ating bida, kasi ang unang PE niya ay gymnastic at laking bukid diba?, ika nga bato-bato ang katawan. Ano nga eh? Minsan pagkagaling ko ng chapel isang umaga nakatungo akong naglalakad patungo sa 3rd floor ng Gastambede Building para pumunta sa salid aralan namin. Sa paglalakad ko, di ko napansin may kasalubong pala akong isang lalaki na medyo patpatin, mahaba ang buhok, may sigarilyo at mukhang bad boy. Pagtaas ng ulo ko yun pala nabangga ko na yung kasalubong kong lalaki, tumba siya agad kong nilapitan para humingi ng despensa, ngunit nagtaas ng tono ng pagsasalita, ang sabi kilala mo ba ako? Sagot ko, pasensya na di kita napansin. Hindi sabi niya, tandaan mo maliit lang ang UE para hindi tayo magkita muli at titiyakin ko sa iyo na tutumba ka. Oppssss medyo nag-iba ang paningin ko, kasi alam kong kaya ko siya sa anumang laban. Subalit ng mapansin niyang kakasa ako sa kanya, bigla na lang siyang tumalilis, pero may banta na hahanapin niya ako.

Ng maka-alis siya doon ko napag-isip na delikado pala yung nagawa ko, naging matapang ako na wala sa lugar, naisip ko, kung totohanin niya yung banta na itumba ako eh di patay ang sandugo. Namula ang tainga ko sa takot at nanuyo ang labi ko. Pumunta na ako sa room namin, pagdating ko na kuwento ko yung nangyari lahat-lahat. Meron nakantiyaw “lagot ka” “patay kang bata ka”. Pero sabi ni Ronald parang kilala ko yung taong sinasabi mo, marami ngang barkada yun dito at mga basagulero pa. Kaya sabi ni Arthur at Hermie na mas mabuti kapag nasa labas ka mag disguise ka muna, magsalamin ng di kulay, magpatubo ng begote, ibahin ang suklay sa buhok. Ganon din ang payo ng mga babae para daw maiwasan na lang yung gulo kung meron man. At kung maaari huwag daw akong maglalakad ng nag-iisa. Ganon ba.. medyo namutla ako, pero sabi ko nga kung barasuhan lang kaya ko yun pero yung may madamay pang iba wag nalang, iwas na lang ikaw nga. Ang bait ko ano?

Lumipas ang dalawang linggo wala namang nangyari siguro nga epektibo yung ginawa ko. Pero minsan nakita namin ni Ronald yung tao na yun kasama nga ang marami niyang grupo, bale 4th year na rin sila kaya lang economics ang kanilang major samantalang kami accounting. Sa mga pag-uusap usap namin mga barkada unti-unti ng nawawala ang isyong yun, ang karamihang pinag-uusapan namin noon ay mga balak namin pagkatapos ng huling taon na yun. Ang iba sabi mag-tatrabaho na agad tulad ni Evelyn sa kanilang business, pero kaming mga lalaking barkada nag-pasya kaming mag-review para sa board exam for CPA. Sabi nila sama sama daw kami na mag-review sa may Espana. Ako ang kanilang tinanong kung ano ang aking balak pagkatapos, sabi ko tuloy ako sa review kasi yun naman ang tama. Dumating ang buwan ng Marso nagkaroon kami ng Accounting Project isang Balance Sheet situation, kapag nakasubmit kami noon ayos na ang aming Accounting subject. Sabi ng propesor namin para medyo matipid sa gastos magsama-sama sa pito ang isang grupo, kaya sama sama kami sa grupo. Sabi ko sa bahay na lang natin gawin ang project na yan (ibig kong sabihin sa tinitirhan kong boarding house), nakalipat na kami noon sa may Puresa (sa mga susunod kong kwento, ilalahad ko ang tungkol dito). Sa gayong narinig nila, sumang-ayon lahat para daw makarating din sila sa tinitirhan ko, sa totoo naman malaki at mabait ang tinitirhan namin taga-Bicol.

Kaya pagdating ko sa bahay nagpa-alam ako kina Ate Nym at Ate Mhel na pupunta ang mga kaklase ko dito upang gumawa ng project, sumang-ayon naman sila at sabi magsabi daw ako sa may-ari, kasi sabi ko baka matagalan o magdamag kami roon. Sinabi ko naman sa may-ari ang aking gusto at pumayag naman siya. Naisip ko na itapat na lang sa birthday ko yung pag-punta nila para sabay na rin sa birthday ko, pero hindi nila alam na maghahanda ako ng kaunti. Tinulungan ako nina Ate Nym at Ate Mhel para doon at tumulong din yung may-ari ng bahay. Bale pagkatapos namin ng klase sa hapon diretso na kami sa bahay, hindi pa kasama ang mga babae kasi magpapa-alam pa sila sa kanila. Nagulat silang lahat ng makita na meron akong handa sa bahay. Maya-maya tumunog na ang telepono para maka-usap ako kasi yung mga babae hindi payagan, kaya ginamit nila akong sangkalan ika nga. Pagkalipas ng ilang oras nagdatingan na ang mga babae na kasama namin. Nagsimula na kaming gumawa ng dapat gawin. Wala namang naging problema sa pagkain sapagkat suportado ako. Natapos ang project mga 4am ng madaling araw handa na para i-sabmit sa kinabukasan.

Wala ng tulugan na nangyari kuwentuhan na lang lahat at doon nabuo ulit ang planong pagpunta muli sa Baguio na kasama ang mga barkadang babae. Sabi ko paano kayo sasama, papayagan ba kayo sa inyo na pumunta roon na kasama ay mga lalaki? Lahat sila ay napalingon sa akin ng sabihin ko yun, ang sabi nila – ikaw ulit ang gagawin namin na sangkalan kasi dahil sa iyo pinayagan kami na magpunta rito – diba… tawanan ang lahat. Maya-maya nariyan na ang mga sundo ng mga babae, tatay, kapatid, kuya… Kaming mga lalaki deretso na kami sa UE pagka-umaga na. Laking pasalamat ko kina Ate Mhel, Ate Nym at Elvie may ari ng bahay, kasi naging makasay-sayan yung kaarawan ko. Sa sunod balik tayo sa Baguio…..

Walang komento: