Quality Coffee

Quality Coffee
Healthy Food

Sabado, Mayo 24, 2008

Barkada ni Sandugo!!

Natapos ang klase siempre uwi muna ako sa Bancuro para naman magbakasyon doon. Pero hindi pala bakasyon kasi ito rin yung nakasanayan na tuwing bakasyon sa klase kailangang umuwi sa Bancuro para tumulong sa tatay sa bukid. Ganon nga ang nangyari pero siempre sikat ako lagi kapag uuwi doon kasi nag-aaral ako sa Maynila, minsan tawag nga sa akin taga-Maynila na kasi nawawala na yung punto ng pananalita ko. Natapos ang bakasyong at pagtulong sa bukid, kailangang bumalik ulit sa Maynila para mag-aral, dala ang lahat ng kailangan sa loob ng 10 buwan kasama ang perang allowance sa pamasahe at iba pa, pero kung sa pagkain sapat lang yun para doon. Enroll na naman.

Pero heto ang naiiba kasi sa dami naming barkada isang klase na agad kami biruin mo 15 kaming barkada ibig sabihin 15 na lang ang kailangan para mabuo ang klase, at alam nyo ba walang ayaw sumama sa amin ewan ko kung bakit. Kapag kami ay nag-e-enroll marami ang nagtatanong kung anong seksyon kami at yung iba tahasang ipinakikita ang pag-iwas o paglipat. Pero yung iba wala silang pagpipilian kailangang makasama kami. Kung sa isang produkto monopolyo namin ang isang klase. Parang walang hirap na sa akin ang ikatlong taon dito sa UE siguro marami na akong mahihingan ng tulong kung sa mga assignment lang walang problema, pero sabi nga kailangang kumayod din ng kaunti.

Sa mga barkada ko wala akong matipuhan yung sasabihing liligawan, ewan ko ganon siguro ako kapag napalapit na sa akin itinuturing ko na siyang hindi iba sa akin, parang kapatid baga. Meron akong nasagap na balita rin mula sa mga kasama ko na isa sa mga kaklase namin ay may kras sa akin, hoy hindi sa boong pagkatao ko ang balita sa ngiti ko raw siya kras na kras kasi raw matamis at bigay na bigay. Tsing sa tainga ko yun, pero di ko ipinahalata, di ko tinanong kung sino yung babae basta ako mismo ang nag-obserba kung sino. Makalipas ang isang lingo meron na akong hinala kung sino yun, ano ang batayan ko, laging nakatingin sa akin at laging ngumingiti sa akin. Matapos noon itinanong ko kay Ronald kung sino yun para malaman ko kung tugma sa aking obserbasyon at yun nga tama ako, yun ay si Josie, di gaanong maputi, tan ang kulay niya maliit lang. Di ko naman sinamantala yun para ligawan siya hinayaan ko na lang, kasi meron akong kras na iba pero may syota siya, kaya di ko na lang pinansin yun.

Dumating yung pagtatapos ng ikatlong taon namin sa UE napagkasunduan namin na magpunta sa Baguio for 10 days vacation. Doon pa lang sa pag-uusap namin sinabi ko na, na hindi ako sasama sa maraming dahilan, una na yung pera. Si Edison at Ronald tahasang sinabi na hindi pwede na hindi ako kasama, yun yung kanilang mariing sinabi at nagpahabol pa si Hermie at Arthur ng ganon din. Sumagot uli si Edison at Ronald hindi raw sila papayagan sa kanila kung hindi ako kasama, bakit kaya? Sino ba ako? Kasi ako ang kilala sa kanila kasi malimit ako kina Edison at Ronald at ako lang ang makapagpapa-alam para sa kanila. Eh paano nga walang pera, paano yun. Sabi nila patak-patak sila para sa aking pamasahe at iba pa, at sabi ni Edison bigyan daw niya ako ng sapatos. Kaya walang naging problema, pagdating ko sa bahay nagpa-alam ako kay Ate Mhel at Ate Inda at ganon din ang tanong nila sa akin. Meron ba daw akong pamasahe punta roon sa Baguio sabi ko sagot na ng mga kasama ko ang pamasahe ko. Kung ganon pala walang problema, mag-ingat lang daw ako.

Siempre di naman pwede na wala kahit kaunti akong dalang pera, bago dumating yun naka-ipon ako ng kaunting pera. Lahat ay naka plano na at meron nang matitirhan doon sapagkat isa sa mga barkada ay mayroon palang bahay bakasyunan doon sa may Bukawkan Road. Dumating ang araw na yaon mula sa UE sa Marikina na kami nagtuloy kasi doon kami magmumula sa bahay nina Edison. Bale lahat kami ay lalaki kasi ayaw sumama ng mga babae naming barkada kasi raw di sila papayagan. Doon na nga kami natulog kina Edison at kina-usap ako ng tatay ni Edison tungkol doon. Nagka-kuwentuhan kami, kaya noong paalis na kami sabi ng tatay ni Edison kay Edison na siya na daw ang bahala sa aking pamasahe, oh diba astig. Madaling araw pa umalis na kami at inihatid pa kami sa terminal ng bus.


Sa Baguio wala kaming ginawa kundi pasyal dito, pasyal doon, sa pagkain isa lang ang puntahan namin ang Restaurant sa may Camp John Haye pero sa ngayon wala na siya, kasi mura lang doon ang pagkain. Sa gabi minsan sinubukan naming pumasok sa Pizza Hut live band at napaka-ganda. Yun nga lang walang sinuman sa amin ang magtangkang maligo ng umaga kasi napaka-lamig meron nga sa amin dalawang araw bago maligo. Minsan sa pamamasyal namin nakakilala kami ng mga babae isang grupo rin, sabi nila estudyante daw sila, pero di naman kami agad naniwala. Nakipag-kaibigan sila sa amin, pakilala namin kami ay ibat-ibang unibersity galing hindi sinabi na galing sa UE. Natipuhan ng dalawa sa babae sina Ronald at yung kapagtid ni Edison, maganda rin naman yung mga babae. Kaya naging masaya ang mga sunod na araw namin sa Baguio, yun nga lang nadagdagan ang gastos kasi laging kasama yung mga babae. Sina Ronald na ang bahala doon sa kanila, kami ayos lang. Natapos ang aming 10 days bakasyon sa Baguio, pero sabi ng mga kasama ko sa next year daw punta ulit kami doon pero isasama na daw ang mga barkadang babae.


At alam nyo ba, akoy nakapag-uwi pa ng pasalubong para sa bahay... Yan yung bagay na hindi ko rin malilimutan kasi naroon yung mga kaibigan ko na tumutulong, dahil lang sa magandang pakisama na nakita nila sa akin...