Quality Coffee

Quality Coffee
Healthy Food

Linggo, Disyembre 13, 2009

Walang Kamatayang Pamahiin: Ikatlong Yugto

Kung paniniwala ang pag-uusapan ang mga pinoy na ata ang madaling mapaniwala o madaling pag-iwanan ng mga paniniwala. Tayo rin ang magaling magpasalin salin ng mga ibat ibang mga kaugalian, paniniwala at pamahiin mula noon hanggang sa matabunan ng lupa ang mga buhay ay aasahan na madadala ito ng mga pinoy.

Ito kaya ang isang dahilan kung kaya hindi umunlad ang ating bansa, sapagkat lagi tayong nakagapos sa mga nakaraang paniniwala. Nalulukuban tayo ng ibang maling paniniwala na kung pag-aaralan natin ay walang batayan na makabubuti sa atin. Sa aking nakikita mas marami pa nga ang nagugulo ang buhay dahil sa pag-sunod sa maling paniniwalang ito – kayo ano ang inyong paniniwala tungkol dito. Wakasan natin ito sa ilang pang natitirang pamahiin na kinalap ko sa ibat ibang kaugalian ng mga pinoy.

F. Babaing Buntis
Ang babaeng buntis ay hindi dapat kumain ng kambal na saging. Magiging kambal din daw ang kanyang mga anak. Bawal daw mag-istambay ang buntis sa pinto dahil mahihirapan daw siyang manganak. Kapag may aalis daw ng bahay habang kayo’y kumakain, ikutin o pihitin ninyo ang mga plato ninyo para layuan ng disgrasya ang taong aalis o lalabas ng bahay. Kapag nalalag ang kutsara, mayroong darating na bisitang babae o kung tinidor naman ay lalaki. Huwag maglalagay ng pera sa ibabaw ng mesa kung kumakain, malas daw.

G. Mga Dagdag na pamahiin
Bawal manahi sa gabi dahil manlalabo raw ang mata. Hindi daw dapat na magbenta ng karayum sa gabi dahil kakalawangin. Nariyan din na bawal maligo ang babae kapag mayroong siyang dalaw dahil mababaliw siya. Bawal daw humiga na nasa tapat ng pinto ang ulo baka bangungutin. Tumalon sa pagtuntong ng ika-12 ng hatinggabi sa bagong taon para tumangkad. Gawin daw unan ang libro para tumalino ang isang bata.

Ilan lamang ito sa mga pamahiin na hanggang sa ngayon ay sinusunod pa rin ng mga pinoy. Matatanda man o bata. Sadyang napakarami pa ng mga pamahiin ng mga pinoy na minana pa natin sa ating mga ninuno. Tandaan na nagsisilbi lamang na gabay ang mga pamahiin sa buhay. Ito ay hindi dapat na ituring na batas na dapat sundin. Ibig sabihin depende na ito sa isang tao kung paniniwalaan at susundin natin ang isang pamahiin. Kung sa tingin natin ay wala namang mawaawala kung paniniwalaan natin ito, sundin natin. Subalit kung sa tingin natin ay makakasama ito huwag ng pahirapan ang sarili na paniwalaan o sundin ang isang pamahiin.

Linggo, Oktubre 11, 2009

Walang Kamatayang Pamahiin: Ikalawang Yugto

Tulad ng ilang nabanggit natin sa nakaraang yugto mababakas natin ang mga paniniwala ng ating mga magulang na ang mga bagay na ito ay hindi kalabisan o nakakasama sa atin, sabi nga wala namang mawawala kong susundin. Kaya ipagpatuloy natin ang ating nasimulan dito sa ikalawang yugto ang mga pamahiin noon hanggang ngayon.

C. Pasuwerte o Minamalas
Bawal magwalis sa gabi dahil parang inilalabas daw ang suwerte. Mas lalu na kapag may namatay sa isa sa mga kamag-anak, ang pamilya ay hindi pinapayagang magwalis. Ito daw ay sa dahilang ang kaluluwa ng namatay ay nandoon pa sa lupa at nasa paligid lamang. Hindi raw siya puwedeng mawalis o maitaboy. Huwag daw uuwi agad kapag galing sa burol o sa lamay kasi susundan ka daw ng namatay.

D. Katatakutan at Iba pa
Kapag naliligaw sa isang lugar, lalu na sa mga liblib na lugar sa probinsya, kailangan baligtarin lang daw ang damit para hindi tuluyang mailigaw ng mga di nakikitang elemento gaya raw ng tikbalang at makarating ng maayos sa patutunguhan. Kapag naglalakad sa damuhan o maraming puno, makabubuting magpasing-tabi o bigkasin ang mga katagang gaya ng pasintabi po o tabi-tabi po para hindi mamaligno o manuno. Huwag magtuturo kung saan saan sa gabi, lalu na sa probinsya, dahil baka ka mamaligno

E. Babae at Lalaki
Ang isang dalaga ay hindi dapat kumakanta sa harap ng kalan o habang nagluluto. Siya ay makakapag-asawa ng matanda. Para din sa mga dalaga o binata huwag daw magligpit ng pinakainan kung merong pang kumakain dahil hindi siya magkakapag-asawa. Kung masugatan ka ng Beyernes Santo, hindi na ito gagaling. Huwag matutulog ng basa ang buhok baka mabulag. Ang paggugupit ng kuko kung Biyernes o sa gabi ay hindi pinahihitulutan dahil mag-aaway kayo ng isa sa magulang mo. Malas daw ang makasalubong ng itim na pusa sa paglalakad. Magkakaroon ng masamang pangyayari.

Marami akong nakikilala na ganito ang nangyari sa kanilang buhay merong nagtagumpay at meron namang nagulo ang buhay. Kaya sa sunod na kabanata natin wawakasan natin ang ilang pang mga pamahiin na makikita, ginagawa at pinaniniwalaan ng nakakaraming mga magulang natin.

Linggo, Oktubre 4, 2009

Walang Kamatayang Pamahiin: Unang Yugto

Totoong ang pamahiin ay likas na sa pinoy at naging bahagi na ng ating buhay at kultura. Tanggapin man natin o hindi, ang mga noypi ay may malaking paniniwala sa iba’t ibang uri ng pamahiin. Marami sa atin ang ibinabatay na ang ating araw-araw na pamumuhay at pananaw sa mga pamahiin. Ang pamahiin ay ang paniniwala na ang isang bagay o pangyayari na makakaapekto sa isa pang pangyayari, totoo man ito o hindi o kahit walan man silang relasyon sa isa’t isa.

Malaki ang nagagawang impluwensya ng mga pamahiin sa usaping kultura, buhay, kabiguan, tagumpay, kalungkutan at kaligayahan ng mga noypi. Ibig sabihin, nakakaapekto ito sa pamumuhay ng bawat noypi. Ang pamahiin ay nakakaapekto sa mga okasyon at mahahalagang pangyayari sa buhay ng mga pinoy tulad ng kasal, binyag at maging sa kamatayan. Nakakatuwa lamang na ang mga pamahiin ay mahigpit na sinusunod pa rin ng mga pinoy kahit magiging malaki ang epekto nito sa mga taong sangkot.

Sabi nga ng mga matatanda walang masama na sumunod sa mga pamahiin. Mas mabuti na raw na mag-ingat kaysa sa magsisi sa banding huli. Subalit para sa marami, lalu na sa mga kabataan ngayon, napaka-impraktikal na dahilan ang paniwalaan ang karamihan sa mga ito. Ayon sa kanila, hindi na dapat pang paniwalaaan ang karamihan sa mga ito lalu na at moderno na ang buhay ngayon. Isa pa’y wala naman daw basehan ang mga ito sa ilalim ng siyensya. Narito ang ilan lamang sa mga pamahiin at karamihan sa atin ay nakagisnan na.

A. Pag-aasawa, Kasalan at Iba pa..
Bawal isuot ang damit pangkasal. Ang babaeng ikakasal ay sinasabihan na hindi niya dapat isukat ang kaniyang kasuotang pangkasal sa paniniwalang posibleng hindi matutuloy ang kanyang kasal. Kapag bagong kasal, kailangang unahan daw ng lalaki ang babae sa pagpasok pag-uwi sa bahay para hindi siya maging “ander disaya” o maging sunod-sunuran sa gusto ng asawa. Bawal ang sukob. Ibig sabihin, hindi pwedeng magpakasal ang magkapatid sa parehong taon. Kailangang palipasin muna ang taon at magparaya ang isa sa magkapatid na ikakasal para maiwasan ang malagim na pangyayari sa kanilang buhay mag-asawa. Ipinagbabawal din sa mag-asawa ang palipat-lipat ng upuan sa hapag-kainan dahil sa pangamba na magkakahiwalay sila at ang isa sa kanila ay magpapalit ng asawa.

B. Binyagan ng Bata at iba pa..
Sa binyagan naman kung sa isang simbahan ay maraming bibinyagan dapat daw ay itakbo mo ang iyong anak at unahan ang lahat ng mga bata sa paglabas sa simbahan. Ito daw ay sa dahilang para hindi madaig ng ibang bata ang iyong anak. Madaig ibig sabihin ay mas-hindi siya magiging masasakitin sa lahat ng batang naroroon, mas magiging matalino siya at marami pang ibang dahilan. Kaya naman gagawin ng nanay o tatay ang pagtakbo nang mabilis kahit halos madisgrasya siya sa kaniyang gagawin maging ang kanyang anak. Kapag nabati ang bata, lalu na ang sanggol, kailangan magsabi ng “pwera usog” para hindi magkasakit o mabalisa ang bata. Kapag ang isang tao ay nanaginip ng nabubunot ang ngipin o kapag may nabasag na baso o kung ano man na babasagin, mayroong kamag-anak na mamamatay.

Kayo na ang humusga.... he he he

Linggo, Agosto 9, 2009

Kaugaliang Masama – Ikalawang yugto

Kakulangan sa pagpapagana ng utak. Ang pag-iisip ay isang mabuting paraan upang sanayin ang ating utak. Ang kakulangan sa pag-iisip at kasanayan sa pagpapagana ng utak ay maaring maging sanhi ng pagliit ng utak. Isa pa may kasabihan tayo na “An idle mind is the devil’s workshop.” Kaya dapat nating hasain ang ating isip sa pagbabasa at pagiging produktibo nito.
Madalang na pagsasalita. Ang tinatawag na intellectual conversation ay isang paraan upang mapanatili ang efficiency ng ating mga utak. Ito din ay nakakatulong upang mapagana at masanay ito sa pag-iisip.

Dagdag impormasyong pangkalusugan, ang pagkain ng mga pritong pagkain kahit na ginamitan pa ng magandang cooking oil gaya ng olive oil, ay hindi rin pala dapat kasanayan. Hindi rin daw advisable ang pagkain ng prito kapag pagod. Pwede lang daw magkakain ng prito kung talagang malusog at maayos ang pangangatawan. Dapat daw ubusin ang pritong pagkain at hindi na dapat itira at initin upang kainin muli. Ito nga marahil ang sikreto ng isang kilala naming babae na sa kabila ng kaniyang edad na 90 ay malakas pa. Hindi raw kumakain ng pritong pagkain o anupaman na ginamitan ng mantika. Puro nilagang gulay, itlog, karne, isda at may sabaw na putahe subalit hindi masarsa.

Samantala, narito naman ang schedule ng natural na proseso ng pag-alis ng mga masamang elemento sa ating katawan na inaantala ng sobrang pagpupuyat at wala sa oras na pagkain:

9pm - 11pm. Ito ang oras ng pag-alis ng hindi kinakailangang toxic chemicals sa ating katawan o ang tinatawag na detoxification process. Dapat ang mga oras na ito ay ginugugol na lang natin sa pagre-relax at pakikinig ng music.

11pm – 1am. Ito ang oras ng detoxification ng liver na dapat nangyayari sa isang mahimbing na pagtulog.

1am – 3am. Ito naman ang oras ng detoxification ng gall na tulad ng sa liver, dapat sa isang mahimbing na pagtulog nangyayari.

3am – 5am. Sa mga oras na ito nade-detoxify ang ating mga lungs. Kaya iyong mga inuubo, ito ang kadalasang oras ng inaatake sila ng matinding pag-ubo. Dahil ang detoxification process ay umaabot na sa respiratory tract. Hindi na dapat uminom ng cough medicine sa mga oras na ito upang hindi maantala ang toxin removal process.

5am – 7am. Oras naman ito ng detoxification ng colon. Kaya sa mga oras na ito dapat tayo ay dumudumi.

7am – 9am. Ito ang oras na ina-absorb ng small intestine natin ang mga nutrients na ating kinakain. Kaya dapat dito sa mga oras na ito tayo kakain ng agahan. Para sa mga maysakit, ang ideal time ng almusal ay mga 6:30 ng umaga o bago mag 7am. Sa mga gustong mag-stay fit 7:30 ang ideal na oras ng almusal. Ang late breakfast sa 9 o 10am ay makakabuti pa rin kaysa lubusang walang almusal.

Magagawa nating maging malusog at maayos ang ating pangangatawan at buhay nang hindi kinakailangang gumastos ng malaki. Ang kailangan lang ay magkakaroon tayo ng disiplina sa sarili at magkaroon ng healthy lifestyle at good eating habits. Gaya ng laging sinasabi ng isang doctor “you don’t need to be expensive to be healthy. Go by the basics”. At ano ang basic na ito? Paggising nang umaga, page-ehersisyo, pagkain sa oras, pagkain ng leafy green at yellow na gulay at prutas, pag-inom ng sapat na dami ng tubig araw-araw, sapat na pahinga at maagang pagtulog. Kung hindi raw natin susundin ito, uubusin lang daw natin ang ating pera sa kanilang mga doctor. Dahil ang totoo daw, wala naman tayong sakit. Wala lang daw tayong disiplina sa sarili at katawan.

Lunes, Hulyo 27, 2009

Kaugaliang Masama – Unang yugto

Bakit ang mga tao noong sinaunang panahon, kabilang na yung mga naninirahan sa probinsya, ay mahahaba ang buhay samantalang ngayon, masuwerte na kung abutin ng edad na 70? Tinataya ayon sa pag-aaral ay nasa pagitan ng 40 hanggang 60 years old lalo na iyong mga namumuhay sa siyudad. Marami ang pinaniniwalaang dahilan ng pag-ikli ng buhay natin. Isa rito ay ang stressful na pamumuhay. Pangalawa, polluted na kapaligiran. Pangatlo, mga kinakain natin na mga instant foods na puno ng mga preservatives at artificial flavorings na hindi maganda ang dulot sa ating kalusugan. Pang-apat at pinaniniwalaan ng mga eksperto na isang pangunahing dahilan ng pagkasira ng ating kalusugan ay ang kawalan ng disiplina sa sarili at ang pagkakaroon ng unhealthy lifestyle at poor eating habit at diet.

Narito ang ilan sa mga halimbawa ng ating kawalang disiplina sa ating sarili na akala natin ay okay lang, subalit ang hindi natin alam ay malaki pala ang epekto sa ating kalusugan:

Pagliban ng Almusal. Ang hindi pagkain ng almusal daw ay nakapagpapababa ng blood sugar level na nagiging sanhi ng pakulang ng kalusugan sa utak tungo sa paghina nito.

Sobrang Pagkain. Nagiging sanhi ito ng paninigas ng brain arteries na nakapagpapahina din ng mental power

Paninigarilyo. Hindi lang ang lungs ang apektado ng paninigarilyo. May masamang epekto din pala ito sa ating utak. Nakakapagdulot daw ito ng brain shrinkage na maaring maging sanhi ng pagiging makakalimutin.

Pagkain ng matatamis at maasukal na pagkain. Ang subrang pagkain ng matatamis at maasukal na pagkain ay nakakasagabal sa maayos na pag-absorb ng protina at sustansya sa utak na maaring maging sanhi ng malnutrition at makapagpabagal ng brain development.
Air Pollution. Ang ating utak ay bahagi ng katawan na siyang pinakamalaking user ng oxygen. Ang paglanghap daw ng polluted air ay nakapagdudulot ng pagbaba ng brain efficiency.
Ang Pagpupuyat. Nakakapahinga ang ating utak kapag tayo ay natutulog. Kaya ang palaging pagpupuyat ay nakakapagpabilis ng pagkamatay ng mga brain cells dahil napapagod nang husto ito. Nakakaapekto din ang puyat sa kalusugan ng ating lungs at liver.
Patulog ng nakatakip ang mukha. Akala natin ang pagtulog nang nakatakip ang mukha at nakatalukbong ay okay lang. Subali’t masama pala ito sa ating utak dahil nakakapagdagdag ito ng carbon dioxide dito at nakakabawas naman ng oxygen na kailangan nito.
Pag-iisip ng utak habang maysakit. Kapag may-sakit ang kailangan ay tamang pahinga. Kung sa kabila ng karamdaman ay pipilitin nating magtrabaho o mag-aral, napupuwersa rin ang ating utak sa pg-iisip na dapat sana ay namamahinga. Dahil dito hindi rin gagana ang ating utak nang maayos at babagal ang paggaling sa karamdaman.

Lunes, Hulyo 13, 2009

Wala sa lugar! Ikalawang Yugto

Narito ang pagpapatuloy ng mga totoong sanhi ng kaguluhan, sabi ko nga mula sa loob ng pamilya palabas ng kumonidad at ng bansa. Mga dalahin ng pamilya na pinipilit na ipapasan sa gobyerno at ibang tao.. Mag-isip naman tayo para makatulong hindi para makagulo.

5. Mga Taong Tamad – tanong ko nga sa aking sarili “ang mga Pilipino ba ay tamad? Tayo ba yung kumikilos lamang kung may nagbabantay, may nakakakita , tayo ba yung naghihintay na lang bumagsak yung bunga ng bayabas sa ating bibig. Bakit ito nagiging dahilan ng kaguluhan? Tulad na lang sa atin sino ang mga karaniwang pinagmumulan ng gulo diba yung mga taong walang ginagawa, tambay ika nga. Naalala ko sabi ng lolo ko “huwag daw pakainin ang tamad”.

6. Hindi nagpapasokop sa mga kina-uukulan – Kung sino pa yung mga walang ginagawa sila pa yung mga pasaway sa lipunan. Sila yung mga taong lumalabag sa batas ng walang kadahilanang mabigat. Sinisisi ang gobyerno sa kanilang kinasasadlakan. Sila yung mga taong tingin sa sarili ay hari sa labas ng kanilang tahanan mga taong pikon at wala sa katuwiran.

7. Hindi Pagsunod – masasabi nating dito nagsisimula ang gulo sa pamilya ang hindi pag-sunod ng mga anak sa mga sinasabi ng magulang. Ito yung dapat isinaalang-alang ng isang anak na ang magulang ay walang iniisip kundi ang ikabubuti ng kanyang anak. Subalit nagiging lapastangan ang ibang mga anak wala silang pag-respeto at paggalang sa kanilang mga magulang, sila yaong mga sanhi ng sakit ng ulo ng mga magulang, nagiging pasaway ang karamihan sa mga anak. Karaniwang nasasadlak sa hindi magandang karanasan.

8. Mga Taong Iwas Pusoy – ito ang mga taong gagawin lahat para maka-iwas sa anumang gulo na kanyang pinasukan. Mga taong ang iniisip lamang yung pansariling ikabubuti wala siyang paki-alam kong masagasaan, masaktan ang sinumang tao. Para sa kanya ang lahat ay bali-wala sa kanya, hindi makatutulong lahat ay walang pakinabang.

Sa totoo lang maraming nagiging sanhi ng kaguluhan pero sa tingin ko ilan ito sa mga pangunahing sanhi pero tingnan natin sa mga susunod na araw kung may pagkakataon tayong ihayag ito sa lahat.

Miyerkules, Hulyo 1, 2009

Natatanging Kwento...

Masaya ang kuwentuhan namin ni Mang Satur. Nakilala ko siya kamakailan sa isang pagtitipon ng mga senior citizen. Bagamat bakas na sa mukha niya ang katandaan, matipuno pa rin siya at maliksi pang kumilos. Masiste siyang kausap bagamat hindi maitatago na marami nang pagsubok at paghamon ng buhay na kanyang pinagdaanan.
Kasama ni Mang Satur si Aling Lucia, ang kanyang butihing asawa. Meron na raw 30 taon silang kasal subalit kung pagdudugtung-dugtu-ngin ang panahon ng kanilang pagsasama, ito ay aabot lamang ng limang taon. Si Mang Satur kasi ay isang seaman. Hindi niya nakitang lumaki ang mga anak. Isa ito sa pinakamala-king niyang sakripisyo mapanuto lamang ang kanyang mag-anak. Bagong bayani ika nga. Retirado na siya ngayon.

Sa aming pagbibidahan ay nabiro ko siya tuloy na dapat ay sa Libingan ng mga Bayani siya kailangang mahihimlay kung saka-sakali. Ngunit medyo nagbago ang timpla ng mukha ng seaman sa biro kong ito. Hindi daw siya bayani at mas lalong hindi rin daw siya bago. Kaplastikan lamang daw ito ng gobyerno.

Ayon sa dating marino, ang mga katulad niyang overseas Filipino workers o OFW ay bayani lamang sa mata ng gobyerno habang sila ay nakakapag-remit pa ng dolares sa bansa. Iba na raw ang istorya pag balik nila sa Pinas. Marami daw sa kanilang mga OFW ang minamalas sa ibang bansa. Kasama na ang nababalitaan nating mga pinagmamalupitan ng mga among dayuhan na pinagkakaitan ng tulong ng mga embahada natin lalo na sa Gitnang Silangan. Nariyan din umano ang mga nasisiraan ng bait na pagdating dito ay ni wala man lang tulong na nakakamit mula sa pamahalaan.

Dapat daw sana ay maglaan ang gobyerno ng pondo upang suportahan ang mga tulad nito kahit panandalian upang makabangon nang kaunti. Mabuti na lang at nakapagpundar ang mag-asawa at hindi nila kailangang umasa sa limos ng ninuman, lalo na sa pamahalaan. Dahil sa masinop sa buhay ang mag-asawang Satur at Lucia, nakapag-ipon ang dalawa ng pambili ng bahay sa isang tinatawag na middle class subdivision sa Manila. Noong mga kapanahunang ipinatatayo nila ang pinag-iponang bahay, halos di raw siya makapagkatulog dahil wala raw kasing kasiguruhan ang pagiging seaman. Puwede kang pauwiin kahit anong oras kapag nagbago halimbawa ang may-ari o nalugi ang kompanyang pinagli-lingkuran.

Hindi lang hirap sa trabaho umano ang naranasan ni Mang Satur bilang OFW. Bukod sa matinding lungkot dahil sa pagkakawalay sa pamilya, ang pinakamasakit umano sa mag-asawang Mang Satur at Aling Lucia ay naging mistula silang naging palabigasan ng bayan di lang ng mga kaanak kundi pati kapitbahay na rin. Ang masama pa umano ay kapag hindi pa raw napagbigyan ang mga nangu-ngutang ay samaan pa ng loob. Ang mag-asawa ay biniyayaan ng dalawang anak, isang babae at lalaki na parehong professional na ngayon. Ang babae ay isa nang optometrist at ang lalaki naman ay isang establisadong doktor. Meron na rin daw silang apong babae na sentro ngayon ng kanilang buhay.

Ano naman ang maipapayo ni Mang Satur sa mga OFW na nagsisimula pa lamang magtrabaho. Huwag lustayin ang pinaghirapang kita, planuhin ang buhay at tumawag lagi sa Diyos. Amen.

Sabado, Hunyo 27, 2009

Wala Sa Lugar... Unang Yugto

Sabi nga maliit o malaking sanhi ng gulo ito’y nakaka-apekto sa lahat, may luma tayong kasabihan na angkop dito – “ang sakit ng kalingkingan ay ramdam ng boong katawan". Tulad na lang ng mga nangyayari sa paligid natin sa mga kapwa natin Pilipino, makikita natin ang mga ganitong sanhi ng kaguluhan. Heto sa ibaba ang unang apat na kadahilanan ng kaguluhan…

1. Mga Matandang Nagbabata-bataan – ayon sa ginintuang katutuhanan “noong ako ay bata nag-iisip, kumikilos, nagsasalita akong isang bata, ng ako ay lumaki at nagkaisip nawala na yung mga isip bata kundi ako’y nag-iisip, kumikilos bilang isang matanda. Subalit kabaligtaran ata ang nangyayari sa ngayon kung alin pa yung mga matatanda ang siyang kakikitaan mo ng kilos at isip bata. Lalo na sa mga kababayan nating nagtatrabaho dito sa kaharian marami ang tumatanda ng paurong ika nga kaya karaniwan gulo ang kinasasandlakan

2. Mga Nanay na nakikipag-kompetensya pa sa manugang na babae – heto pa yung isang bagay na nagiging sanhi ng kaguluhan sa mag-asawa, pamilya at sa komonidad natin. Ang mga beyanan ay hindi gaanong nakakasundo ang manugang bagkos naroon yung sinisiraan, panagdaramutan at minsan nag-aaway. Lalo na kapag hindi gusto ng beyanan ang naging manugang, eh sino nga ba ang pipili ng magiging asawa ng kanyang anak ang nanay o yung anak? Ano ang nagiging dahilan? Di ba pera. Meron nga maliit na bagay lang hindi pa mapagkasunduan. Ito yung nakagugulo kapag naki-alam na ang mga nanay sa pamilyadong anak.

3. Ikatlong Partido sa Mag-asawa – ang pag-aasawa ay marangal sa lahat at ang pagsasamahan ng mag-asawa ay wala dapat dungis. Sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga mapakiapid at mga mangangalunya. Dapat alam ng mag-asawa ang ganitong panuntunan sapagkat kung hindi kaguluhang pampamilya ang idudulot. Masakit matawag na kulasisi o may kulasisi pero bakit karaniwang nagaganap ito? Tulad na lang ditto sa kaharian “bato-bato sa langit ang tamaan ay bukol”, kaya tayo naririto ay upang mabigyan o mabago man lang ang katatayuan ng pamilyang iniwan, pero nawala ang ganong kaisipan ng makakilala ng iba.

4. Magulang na Nakiki-alam sa Pangarap ng mga Anak – bakit ba nagkakaroon ng mga anak na nagrerebelde, nagiging adik, walang dereksyon ang buhay? Diba minsan kapag ang gusto ng anak na maging ay nahahadlangan ng mga magulang. Diba ang magandang gawin lang ng magulang ay supurtahan ang anak sa kanyang napiling kuning pag-aaral hindi yaon pilitin ang bata sa hindi nila gustong pag-aralan.

Mga sempleng dahilan na nagiging sanhi ng kaguluhan una sa pamilya palabas sa komonidad at sa bansa. Tayo’y mga tinatawag na bagong bayani masasabi mo bang isang bayani kong may dungis ang iyong pagiging may-asawa?

Lunes, Hunyo 22, 2009

Jueteng Hanap-buhay?

Siguro masasabi kong sa halos lahat ng dako ng Pilipinas ay kilala, tanyag at namamayagpag ang sugal na jueteng. Napaka-popular at makapangyarihan ito kaya nananatiling buhay bilang isa pang uri ng sugal. Sabihin man ng gobyerno na sinisikap nilang tanglain ang sugal na ito wala silang magawa sapagkat mismong galing sa kanilang sangay ang mga nagpapatakbo nito. Kahit kasuluksulukan ng Pilipinas, bata, matanda, babae may ngipin at wala hindi ito pinalalampas. Sa baryang hawak pwede maging Ninoy ito sa kinabukasan.

Bakit nga ba hindi mamatay-matay ang jueteng? Bakit ito ay patuloy na kinagigiliwan at tinatangkilik ng mga Pinoy?

Una, ito ay sugal para sa mga kalalakihan, matatanda, mahihirap, mayayaman – sugal para sa lahat. Sila ang mga taong nagpapanatili ng operasyon ng jueteng. Sa madaling salita, sinusuportahan ito ng masa. Ang pinakamalaking bilang ng populasyon ng ating bansa ay mula sa masa. Kung ikukumpara sa lotto, napakababa ng taya sa jueteng, mula 50 sentimo-pataas. Madali ring tumaya rito. Hindi na kailangang pumunta ng bayan at pumila para makataya.

Sa jueteng sila na mismo ang pumupunta sa mananaya o sila yung nagbabahay-bahay upang kunin ang mga taya ng mga tao. Hindi na rin kailangan pa ang dokumento para mapatunayan na sila ang nanalo.

Ikalawa, naging bahagi na ng buhay ng mga Pinoy ang jueteng. Halos ang kabuhayan ng masa ay nakadepende sa jueteng tulad ng mga kobrador at kabo. Dito sila kumukuha ng ipambubuhay sa kanilang pamilya. Ilan lamang na mga kubrador at kabo na ito’y isang dagdag kita lamang.

Ikatlo, protektado ito ng mga may kapangyarihan tulad ng mga pinuno ng barangay, bayan, pulis, pulitiko at ng mga mamamayang negosyante. Nabibigyan ng suhol ang mga ito upang hindi magambala ang operasyon ng jueteng. Sa palagay naman ng marami, likas na nga raw sa ating mga Pinoy ang pagkahilig sa ano mang uri ng sugal. Idinedepende nila ang kanilang buhay at pamilya sa pagsusugal at nagbabakasakali na manalo para sa pamilya. Minsan isusubo na lang pero ipinagsasapalaran pa na dumami ito.

May mga paraan ng paglalaro nito: Ang jueteng as isang uri ng numbers game o laro na pinatatakbo ng mga numero na kung saan tatlumpo’t-pitong (37) numero ay isinasama o inihahalo sa isa pang pangkat ng tatlumpo’t pito ring numero upang makabuo ng isang kombinasyon ng dalawang numero gaya ng halimba ng 7 x 21.

Pangunahing tauhan:
Kobrador – siya ang nagpapataya at kumukulekta ng kabuuang taya sa isang araw sa pamamagitan ng paglilibot sa mga bahay-bahay. Ang isang kobrador ay maaaring isang tindera, labandera, tambay, lasingero o sinuman ay pwedeng maging kubrador, ang kailangan lang ay may makulekta siya – at tiyak meron na siyang porsyento sa bawat pataya niya. Sila yung may dala-dalang tinuping papel na akala mo ay kondoktor ng bus at balpen.

Kabo – siya ang kinikilalang administrador ng jueteng. Sa kaniya dinadala ng mga kobrador ang kanilang koleksyon at ang mga kopya ng mga listahan ng mga numerong tinayaan. Sila rin ang nagbibigay ng mga porsyento sa mga kobrador at sila yung mga nakaharap sa tao. Sa kanila rin nalalaman ang tumama sa araw na yaon.

Rebisador – sila yung nag rerebisa ng mga numero, taya at iba pa. Sila ang mga hawak ng kaha, watcher at iba pa. Sila ang karaniwang makikita sa mga bulahan ng jueteng.

Sa kabila na malaking tulong ito sa mga taong walang makuhang trabaho o pagkakakitaan lalo na sa mga baryo pero hindi ito masasabi o mabibilang na magandang trabaho o ehemplo para sa mga kabataan.

Lunes, Hunyo 15, 2009

Iwasan Pagkatapos Kumain!

Sabi nga wala daw bingi kapag pagkain ang tumatawag o kaya naman gagawa ng paraan ang sinuman para malamnan ang kumakalam na sikmura. Meron ngang nagsabi sa Ingles “we live to eat” o di kaya ay “we eat to live” dib a. Subalit kasi sino ang tanungin mo na talaga namang masarap kumain diba lalo na kung paborito mo ang kakainin. Kasabay sa pagkagiliw na ito ay ang napaka halagang kaalaman tungkol sa ilang bagay na dapat ay mabatid at iwasang gawin pagkatapos kumain. Siguro marami ang hindi naniniwala pero ito ang sasabihin ko sa inyo – subukan ninyo wala namang malaking mawawala sa inyo kong susubukan.

A. Iwasang Manigarilyo! - isa itong malalim na kaugalian ng maraming tao at mahirap na sigurong alisin nila ito, maalis man pero malaking sakripisyo. Pero heto naman ang sasabihin ko sa inyo, ayon sa pag-aaral and isang stick ng sinisigarilyo pagkatapos kumain ay katumbas na ng sampong sticks pa! Wow, bunga nito mas-mataas ang posibilidad ng isang maninigarilyo na magkaroon ng kanser. Kaya naman iwasan ang paninigarilyo pagkatapos kumain.

B. Iwasang Kumain ng Prutas! – Maging sa maraming natatanging okasyon ng pagtitipon, nakagisnan na ang maraming tao na kumain ng prutas pagkatapos kumain, sabi nga pamutat. Ang agarang pagkain ng prutas pagkatapos ng isang meal ay siyang dahilan ng pagkakaroon ng hangin sa tiyan. Kaya ang napakagandang pagkakataon para lantakan o tikman ang prutas ay isang oras bago kumain o di kaya at mula isang oras o hanggang dalawang oras pagkatapos ng almusal, pananghalian o hapunan.

K. Iwasang Uminom ng Tsaa! – ayon sa pag-aaral may mataas na sangkap na asido ang mga dahon ng tsaa. Ang kemikal na ito ay nakapagpapatigas sa protina sa anumang kinakain ng isang tao. Kung kaya, nagiging mas-mahirap ang proseso ng pagtunaw sa tiyan kapag ito ay ininom agad pagkatapos ng pagkain. Kasabihan na para daw bumaba agad ang kinain, mali daw po yun.

D. Iwasang Luwagan ang Sinturon! – labi nating tatandaan na masarap talagang kumain lalo na sa mga pagtitipon, piyestahan at anumang pagdiriwang, pero naaalala na lang na natin ito pagkatapos lantakan ang napagkaraming pagkain na agad luwagan ang sinturon. Mali sapagkat binibigyan natin ang pagkakataong magpilipilipit ang mga bituka natin sa biglaan pagluluwag ng sinturon. Dapat raw nab ago tayo kumain medyo maluga na ito.

E. Iwasang Maligo! – nangyayari ito karaniwan o nakasanayan na tuwing nasa dagat, swimming pool, pero nangyayari din ito kahit nasa loob ng bahay. Masama pala ito! Ang paliligo pagkatapos kumain at nakapagpapataas ng pagdaloy ng dugo sa mga kamay, hita at paa at sa buong katawan na dahilan upang ang daloy ng dugo naman sa tiyan ay bumaba. Ang ganitong nakasanayan ay makapagpapahina sa sistema ng pagtunaw sa tiyan.

G. Iwasang Maglakad! – nakapagpapatagtag daw sa kinain ang sunod na paglalakad pagkatapos kumain. Dagdag pa riyan ang paniniwalang ang isandaang hakbang pagkatapos kumain ay makapagpapalawig sa buhay ng isang tao. Mali sapagkat ang paglalakad pagkatapos kumain at magdudulot sa digestive system ng katawan upang hindi nito ma-absorb o makuha ang nutrisyon mula sa mga pagkaing isinubo sa bibig at nakapasok sa tiyan.

H. Iwasang Matulog! – Sabi nga kapag busog masarap matulog. Pero agad na pagtulog pagkatapos kumain ay nakapagdudulot sa hindi maayos na pagkatunaw ng mga kinain. Kapag ito ay nangyari, magkakaroon ng impeksyon at gastric problem ang bituka ng isang tao.

Kaya ito ang masasabi ko hindi porke nakagawian na ay tama. Sa pagkabatid ng ilang mahahalagang bagay ay ang pagkatuto sa kamalian na dapat sundin agad ng karapat-dapat at angkop na pagtutuwid. Sana po maging aral sa inyo ang ilang kaalamang ito lalo na sa mga bagay na ating nakasanayan na.

Sabado, Mayo 30, 2009

Sino ang Pikon...?

Maiba naman tayo ng putahe para medyo ganahan ang ibang mambabasa, kung lagging ganon na lang ang putahe baka maumay naman sila diba. Ang mga sumusunod na paalala ay maaari nating magamit sa araw-araw nating paggawa, pwede rin itong gamitin sa ating mga asawa, kaibigan, kamanggagawa at sa lahat ng mga taong nakapaligid sa atin. Di ba masasabing magandang pamatayan ang "ugaling langit, ugaling kaaya-aya - ang pikon talo". Para sa akin yan ang dapat maging pamantayan ng isang tao patungkol sa mga nakapaligid sa kaniya.. Heto ang mga pamantayan na dapat tatandaan lagi.

I. Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna. Huwag sasalubungin ang anumang galit ng kaharap, tiyak magliliyab ang inyong pagitan na maaaring makasama sa inyo. Pero sabi naman ng iba huwag naman lubugan ng araw ang galit mo. Kailangang yung galit mo ay mailabas ng tama upang hindi mapuno sa dibdib mo.


II. Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo. Kapag sumagot kayo o pumatol mahahalintulad kayo sa isang babaeng bungangera. Hindi naman daw nakamamatay na hindi sumagot o pumatol bagkus nakakapagligtas at nakaka-iwas pa sa tiyak na gulo. Tama naman tingnan natin sa paligid, sa balita karamihan sa kaguluhan ang sanhi napikon, pumatol sa taong galit.


III. Ang taong galit, 'bingi.' Tama yan pansinin ninyo ang inyong sarili pagnagagalit, wala raw pinakikinggan, kaya kung magagawa ninyong umiwas na lang gawin na lang ito at iwasang gumanti ng ano pa man. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili nya. Mahahalintulad ang isang taong galit sa puwet ng kawali sabihan mo ng sabihan yan hindi kikilos pero subukan mong hawakan tiyak magkaka-uling ka.


IV. Ang taong galit, 'abnoy.' Sa makabagong mundo maraming kang makikitang taong abnoy, kaya payo ko lang huwag kayong agad magagalit para huwag kang matawag na abnoy. Alam nyo ba at dapat ninyong mapagtanto ang taong inyong kinagagalitan ay maitutulad sa isang mina o ginto, bakit kamo sapagkat kailangan mo sila para ka maging "mature". Hangga't andyan sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, "immature ka pa". Tiyak akong hindi aalisin ng Diyos ang mga taong ganyan sa paligid mo hangga't hindi mo nababago ang iyong ugali para sa kanila. Kapag nagawa mong alisin ito sa puso mo papunta ka na sa pagiging "mature"...

V. Panghuli ay ang pinaka mabuting parte na masasabi mo sa iyong sarili - ng dahil sa taong ito naging "mature" ako at dahil sa ambag niya sa maturity mo, mapapasalamatan mo pa siya sa bandang huli. Kaya payo ko lang ulit bantayan natin ang ating mga nararamdaman, huwag maging high-blood, nakamamatay yan, huwag maging abnoy sa mga nakapaligid buti kong nakakain yan at walang paaralan ng mga abnoy.

Linggo, Mayo 3, 2009

Motorsiklo

Hi there!!! narito muli ako upang ihatid sa inyo ang pagpapatuloy ng kwento ko tungkol sa mga karanasan sa Bancuro. Ipagpaumanhin ninyo kong sa ngayon ay hindi ko muna ipagpatuloy ang kwento tungkol sa sinasabi ko sa inyo sa nakaraan kong kwento. Pero hayaan ninyong ibahagi ko ang aking karanasan doon, masasabi kong malaking bagay iyon sapagkat napag-alaman ko na marunong pala akong magpatakbo ng motorbike. Ni sa isip ko hindi ko akalaing madali lang pala yung gamitin, pero sa totoo niyan nasubukan ko na iyon pero paikot lang sa aming harap bahay.

Nangyari yaon sapagkat merong motorbike ang aking bayaw. Ang balak ko talaga magpaturo sa isa sa aking pinsan pero sa himig ng kanyang tinig ay ayaw niya akong turuan bagkus ang sabi kong marunong daw akong mag bisekleta marunong na din akong mag-motor. Wala akong magagawa kundi subukan, pero sa totoo lang kinakabahan ako. Una pina-andar ko ang motor isinaisip ang kaliwa at kanang manebela kung nasaan ang pinaka-kontrol ng motor at ang preno. Pinihit ng kaunti ang kanang manibela medyo umatungal ang motor pero nanatiling nakahinto. Sunod na sinubukan ay ang tadyakan o clutch para magpalit ng bilis, noong una nahirapan akong kunin ang primera mabigat ang newtral.

Matapos makabisado lakas loob akong patakbuhin ang motor sapagkat ang mga bata ay naka-abang sa akin kung ano ang sunod kong gagawin, para bagang naghihintay sa kung anong mangyayari. Sunod silang lahat sa akin ng pumunta ako sa mismong kalsada. Una papuntang Walog ang tinungo ko tapos deretso sa Kanto pero kaagabay ko ang aking anak na sakay sa besekleta. Nang bumalik ako narinig ko ang boses ng asawa ko na gustong umangkas sa akin, walang pag-aalinlangan na sumakay hindi iniisip na bago pa lang ako at hindi pa sanay. Pinatakbo ko ang motor patungo sa Kanto, nang nasa kanto na pabalik hindi ko na-kontrol kaya kinapos sa pagliko pabalik narinig ko ang sigaw ng asawa ko.
Sabi ko wag mag-alala akong bahala, kaya yun nakabalik kami sa bahay. Sabi ng mga bata marunong na daw ako.... marunong na pero hindi pa sanay na sanay...

Sabado, Mayo 2, 2009

Putik ng Pinagmulan

Noong nakaraan kong kwento naisalarawan ko yung aming naging karanasan sa huling pagbisita namin sa Bancuro, doon nakuwento ko yung maganda at maging ang ilang pangit na karanasan. Meron din akong nasabi na may mga pangyayari doon na hindi ko naibigan kaya natanong ko kung sino ang may pagkukulang. Sa bago kong kwentong ito sisikapin kong maisalarawan ang mga bagay na gusto kong sabihin at ipa-abot sa mga kina-uukulan baka kung sakali mamulat sila sa mga naging pangit na pangyayari doon.

Lagi kong nasasabi sa mga kwento ko at panulat na ang Bancuro ay masasabing isang ulirang lugar hindi lang sa katahimikan kunti pati sa mga taong naninirahan doon. Oo nasabi ko ito sapagkat alam at kilala ko ang bawat nakatira doon, balangkas ko ang kanilang buhay ang simpleng pamumuhay. Subalit maling mali ako sapagkat may pangyayari doon na yumurak sa kalinisan at kagandahang asal ng mga naninirahan doon. Oo nga na hindi masasabi ng isang tao na siya'y malinis mula ulo ang hanggang paa pero masasabi ko naman na hindi gaanong putik ang bumalot sa aking katawan na naging batik ng pangkalahatan.

Natatandaan ko pa ang kasabihan na "kung dudumi ka sa malayo para hindi maamoy". Pero baligtad ang nangyari mismong sa loob ng bakuran dumumi kaya naamoy ng lahat ng kapitbahay. Ano ang aking ibig sabihin? Mga kabataan na hinubog ng mga magulang upang mapag-aral, mabihisan at mabigyan ng magandang kinabukasan. Ang anak daw ay isang biyaya ng Diyos sa atin kaya dapat nating ikagalak at pagyamain, alagaan. Pero kung ang isang anak ay hindi maganda ang nagawa at ginagawa sa pamilya - maituturing pa bang biyaya ito mula sa langit lalo na kung kahihiyan ang dinadala niya.

Sa sunod kung kwento ibabahagi ko sa inyo ang pakikipagsapalaran ng tatlong katauhan na masasabi kong simple ang aking pagkakilala sa kanila pero bakit nangyari sa kanila iyon..

Miyerkules, Abril 8, 2009

Pagkukulang Nila

Sa mga nakaraan kong kwento nabanggit ko walang masyadong pagbabago ang Bancuro subalit nitong mga nakaraang mga araw nakita ko ang aking pagkakamali sapagkat marami na ang nabago sa lugar, sa mga taong naninirahan doon. Nasabi ko ito kasi kagagaling lang namin doon upang magbakasyon ng ilang araw. Marami akong nasagap na balita ukol doon na masasabing may magandang balita at meron din namang pangit. Unahin natin ang magandang balita, na noong huli naming bakasyon doon hindi namin naranasan ang mamasyal sa resort and restaurant. Siempre kasama ang boong pamilya, naging masaya kaming lahat sa paliligo sa kabila ng may kataasan ng kaunti ang presyo ng pagpasok doon. Siguro ay sapagkat iyon pa lamang ang resort na makikita at mapupuntahan sa lugar. Dati rati sa dagat kami nagpupunta kung paliligo lang ang pakay pero dito sinubukan namin ang sabi nilang maganda raw ang resort.

Isang bagay ang masasabi ko ay yun din ang obserbasyon ng aking mga kasama, kulang daw ang serbisyo ng mga tauhan at namamahala doon. Sa isang banda maganda naman ang lugar may kakaibang anyo ito kumpara sa ibang resort na aking napuntahan, makikita mo roon ang kakaibang mga muwebles na yari sa kahoy, ang mga cottages na meron ding mga kakaibang desenyo mula sa paglalagay ng ilaw at mga mesa na ginagamit. Ang kanilang swimming pool ay medyo mababaw pero akma para sa mga bata at mga matatanda na natatakot sa malalalim na swimming pool. Pero positibo akong darating ang araw na makikila at magiging palasak ang lugar na isa sa mga magandang puntahan upang magpalipas ng init ng panahon.

Tulad ng sabi ko meron pang isang bagay na hindi maganda akong nasagap doon na hindi ko akalain na magaganap. Kung noong unang mga kwento lahat ay may papuri patungkol sa lugar pero hindi pala ganon ang nangyari sa mga nakaraang mga araw. Ang mga kabataan sa ngayon doon ay masyado ng nasusunod ang kanilang layaw, nawawala na sa kanila ang takot at pagsunod sa kaugalian at kinagisnan moral ng lugar. Nagiging madali silang madala ng makabagong takbo ng buhay. Nagiging mapusok na sila sa pagsuway sa ayaw mangyari ng kani kanilang magulang. Hindi ko naman lahat isinisisi sa mga kabataan lahat yun, naroon din ang pagsasabi ko sa mga magulang ang kanilang pagkukulang at dapat sanay kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak.

Sila’y nadadala ng kanilang mga kaabalahan sa maraming bagay nakakalimutan nilang subaybayan ang mapanganib na takbo ng buhay ng kanilang mga anak. Meron naman na mga anak na hindi nakikinig sa payo ng kanilang mga magulang. Ang masakit at nakakalungkot doon ay may mga kabataan doon na lalululong sa masamang bisyo tulad ng sugal at droga. Ang mga kababaihan naman ay nadadala sa kanilang kapusukan nagdudulot sa kanila ng maagang pag-aasawa o di kaya naman ay nagiging dalagang ina. Matatanong mo sino nga ba ang may pagkukulang sa kanila ang mga magulang o ang mga kabataan?

Miyerkules, Pebrero 25, 2009

Bakit Sila Nagbabalik?

Bakit ang tao ay nagbabalik sa isang lugar? Sigurado ko meron silang malaking dahilan kung bakit nila iyon ginawa. Kahit na sinabi na nila na hinding hindi na sila babalik pa doon sa lugar na kanilang pinagmulan. Minsan sa buhay ng tao sabi nga mapaglaro ang tadhana o nasa may katawan na rin kaya sila hindi nagiging matagumpay sa kanilang kinakaharap na landas ng buhay. Maraming pinsan ako na ganon ang nangyari sa kanilang buhay, naroon na itakwil ang lugar ng Bancuro at sasabihing hindi hindi na sila babalik pa sa lugar na iyon na punong puno ng kabiguan at paghihirap.

Sa mga ganitong pasya luminasan sila sa lugar na magbibigay sa kanila ng kinabukasan at buhay. Subalit nanatili pa rin sa kanila ang kanilang pasya na mangibang bayan o lugar upang takbuhan ang itinuturing nila lugar na nagpahirap sa kanila. Merong ilang lumisan sa Bancuro ang nagtagumpay naman sa ibang lugar, nagkapamilya, nagkaroon ng kabuhayan, sila yung mga taong hindi nagbitiw na hindi na sila babalik pa sa Bancuro. Ang sa kanila ang paglisan nila ay upang subukang mapa-unlad lang ang buhay, maiba ang buhay at sa banding huli dalahin nila ang mga iyon sa kanilang sinilangang lugar.

Pero may mga taong nagsalita talaga ng patapos na hindi na sila muling tatapak sa lupang kanilang pinag-mulan. Subalit nagkamali sila, sapagkat makaraan lang ang ilang panahon dinala ulit sila sa lugar na iyon na kanilang kinamumuhian. Doon nila itinuloy ang buhay na laan sa kanila, di pan sila nagtagumpay pero pinagsisihan naman nila ang kanilang nasabi patungkol sa lugar. Masasabi ko wag mong hamakin ang isang lugar lalo na yung lugar na kung saan ka nagmula at isinilang bagkus isaalang alang ang mga bagay na nagawa sa iyo ng lugar.

Sa tingin ng iba mahirap, malungkot manirahan sa ganitong lugar pero may mga taong ganito ang hanap, ayaw yung mga ingay ng sasakyan, liwanag na walang katapusan at gulo ng paligid. Mas nais nila ang lugar na kuliglig, ibon at simoy na amihan ang iyong maririnig at masasamyo sa umaga at hapon ng buhay. Sabi nga – mahirap sa mga taong tamad, batugan ang lugar nag anon.

Linggo, Pebrero 8, 2009

Mga Sikat...

Ano nga ba ang sunod na kwento mula pa sa Bancuro? Totoo nga ata ang sinabi minsan sa akin ng pinsan kong nasa Zamboanga noong huli kaming nagka-usap sa internet. Subalit hindi ako naniniwala na wala ng iba pang kwento na mula doon sapagkat ang lugar na yaon ay punong puno ng kwento na kapupulutan ng aral o magiging gabay sa buhay. Eh ano nga yun? Isipin na nga ninyo ang pagsusulat ko palang ito ay malapit ng abutin ng isang taon. Natatandaan ko yun noong nakaraang taon ng simulan ko nga ito sa layuning ilahad ang anumang kwento sa aking pinagmulang lugar.

Sa ating titulo ibabatay ang kwento ko sa inyo ngayon. Mga sikat na ang ibig sabihin na may mga taong naging sikat mula sa lugar na yaon. Meron nga ba? Sa tingin at nalalaman ko maraming mga taong taga roon ang nakilala na rin naman sa labas ng lugar. May mga taong nakilala sa kani kanilang larangan, nakarating na sa ibang bansa, yumaman mula sa ibang lugar na ginamit sa pinagmulang lugar.

Meron din namang mga taong umalis sa lugar subalit nagbalik sila na bigo sa kanilang mga layong mapabuti ang kalagayan. Ito nga ata ang takbo ng buhay sa mundong ito, sabi nga swertehan lang daw ang pag yaman... pero marami ang sabi hindi raw totoo yung swerte lang ang pagyaman sapagkat ito raw ay pinaglalaan ng tiyaga, determinasyon at gulang. Sa mga taong nagsasabi na swerte lang ang pagyaman masasabi nating siguro kompleto na siya sa ganong buhay o di kaya naman naging tamad siya. Hindi naman masasabi na walang utak o kaya naman hindi ginagamit ang utak. Maraming maaaring naging dahilan na siya lamang ang nakaka-alam.

Totoo ang sinasabi ko ganon ang nangyari sa ibang mga taga roon, nagsapalaran sila sa ibang lugar na akala gaganda ang kanilang buhay. Nang umalis sa lugar dala ang pangarap na gaganda ang buhay nila. Subalit sa ilang panahon sila'y bumalik na bigo - ano ang mga dahilan? Tulad ng sabi ko maraming dahilan, maraming sinisisi - kasama ba rito yung sinisi yung sarili dahil naging tamad, naging pabaya, naging hindi maganda ang kapalaran? Tanging ang may katawan lang ang makakapag sabi nito sapagkat sabi nga ng iba tayo raw ang gumagawa ng ating kapalaran. Pero sa iba sabi naman ang buhay daw ay parang gulong minsan nasa ilalalim minsan nasa ibabaw.

Maraming nagtagumpay mula sa Bancuro naroon yung bumalik sila sa lugar upang ipadama sa mga kalugar kung gaano kasarap ang tagumpay. Siguro walang naging isang artista mula doon para maging sikat pero sa kanilang tinamong tagumpay mula sa ibang lugar masasabi na nilang isa itong tagumpay. Meron nakarating nga sa ibang bansa pero bumalik din ng bigo - yan ang buhay lahat halos hanap ang kakarampot na tagumpay.

Subalit sa bawat dumating sa buhay ng tao tagumpay o kabiguan man nananatiling naghihintay ang lugar ng pinagmulan ng bukas para sa lahat....

Lunes, Enero 12, 2009

Bancuro after 5-10 years

Lahat ng tao kahit saang sulok ng mundo gusto ang pagbabago. Anong pagbabago ba ang gusto lagi ng tao? Pagbabago sa kalalagayan sa buhay, kinalalagyan, kanaroroonan, gusto sa buhay, kapaligiran at maraming pang pagbabago ang hindi na halos mabilang sa daliri ng kamay at paa. Kapag may nabago naman sa buhay ayon sa gusto asahan mong sa ilang panahon panibagong pagbabago ang ipinaghihimutok, ganyan na ata ang tao walang kasiyahan sa buhay. Pero matanong ko kayo - natanong na ba ninyo sa sarili ninyo ang ganito: Ano kaya ang kalalagayan o mangyayari sa akin makalipas ang 5-10 taon?

Sa isang lugar tulad ng Bancuro ano ang makikita o masasabi nating mababago sa kapaligiran, sa mga tao at sa kalalagayan ng lugar. Sasabihin na madali lang yung 5-10 taon hindi mo aakalain na tapos na yun sa ilang panahon. Ang natitiyak ko sa inyo ang Bancuro ay di tulad na ng dati may mga henerasyon na magbabalik na sa kanilang pinagmulan, meron namang hihina ng mga henerasyon at may mga bagong henerasyon na tutubo o lalabas. Dito sa mga bagong henerasyon matatanong - kapakinabangan kaya ito ng lugar o magiging sakit ito ng lugar?


Magpapasalin salin o may darating at may aalis sa lugar subalit ang lugar ay mananatiling nakabukas sa anumang pangyayari sa kapaligiran ito man ay maganda o pangit. Mga kwento ng iba't ibang tao, lugar o pangyayari sa lugar ang magaganap. Mayroon sisikat, may masasaktan, may tatawa at may-iiyak. Ito ay tulad ng araw na hindi mapipigilan sa pagsikat sa umaga at paglubog sa gabi. Makasaysayan na ang lugar bago pa man tayo dumating, may mga kwento ng nangyari na tanging ala-ala na lang ang natitira. Mga taong napamahal na sa kanila ang lugar sapagkat doon sila ipinanganak, namuhay at namatay. Mga taong hungkag sa pananalapi subalit kakikitaan mo ng tiyaga, sipag at pagmamahal sa lugar, mga taong dugo at pawis ang ibinuwis upang manatili lamang sa katahimikan ng lugar.


Maaalala ang malaking pagbabago mula sa ilawang gamit na aandap-andap, mga kalye na baku- bako, mga bahay na gawa sa pawid at kugon, mga bata na makalumang laruan ang gamit, mga tahanang walang awitan, panoorin, nga kalsadang walang sasakyan. Mula doon nadagdagan ng mga telebisyon, karaoke, kamera, radyo, trisikel, jeep, cell phone ang mga bahay ay naging yari sa bato at semento naroon ang ibat ibang colay ng ilawan na pinaandar ng elektrisidad. Makabagong kagamitan ang makikita sa bahay, damit, sapatos at iba pa. Pagbabagong kasama ang mga tao tungo ba ito sa pabuti o pasama?


Pero isa lang ang tiyak ako kahit anong malaki, maraming pagbabago sa paligid, ang Bancuro ay mananatiling isang lugar na tatanggap ng kahit anong pagbabago, ito man ay paganda o pasama. Lugar na masasabing tahimik, sagana at kasiya siya... Kita tayo after 10 years...... yahooooooo.

Sabado, Enero 3, 2009

Mga Ala-ala ng Nakaraan…

Sa buhay ng tao may mga bagay na laging umuukikil sa ating kaisipan, naroon yung mga bagay na maganda pero mas nakakasakit ng ulo eh yung mga bagay na masama o nakakalungkot at mga problema na siyang kukurta sa ating isipan. Kahit sino nakakaranas niyan, hindi pwedeng sabihin ninuman na wala silang nararanasang mga bagay na maganda o masama sa kanilang buhay. Ano nga ba ang isang malaking kaisipan na laging gugulo sa ating mga isipan kahit na sabihin mo na ikaw ay nasa isang lugar na masasabing tahimik at simple lang na buhay. Di ba “PROBLEMA”

Siempre naman problema ang siyang kaagapay ng isang tao mayaman, mahirap, pangit, maganda o mabuti man, tiyak na merong problema kahit papaano ika nga. Sabi nga kapag ang tao ay walang daw problema delikado daw yun baka nasisiraan na ng isip o di kaya baka hindi siya tao. Totoo yun kahit anong tamis mong ngumiti tiyak ako na meron ka ring problema sa kabila nito..

Alam nyo ba na minsan ang Bancuro ay binalot din ng matinding problema hindi lang yung mga pampamilyang problema kundi pangkalahatang suliranin. Ito yung nagkaroon ng napaka laking krimen na naganap at hindi lang isa kundi ilang beses din ito nangyari sa ibat ibang parte ng lugar. Naging batik ito sa imahe ng Bancuro, pero kailangang harapin ito at malampasan sapagkat ang bawat isa ay sangkot sa problema.

Unang krimen na aking natatandaan ay ang napabalitang patayan sa bandang sityo Butas kung saan dalawang katao ang pinatay ng kapwa kainuman, kapitbahay at kapinsan pa. Ano ang dahilan? Wala lang inuman na hindi nagka-intindihan na nagtapos sa malagim na kamatayan. Ang sabi nagkaroon ng usapang barakuhan, hayun dedo. Dito parang lumalabas na ang buhay ng tao ay parang buhay ng manok na pwedeng kitlin o kunin kahit anong oras. Nawawala yung kataasan at halaga ng buhay ng tao.

Natatandaan ninyo na kwento ko yung nangyari ding krimen sa sityo Pook naman na pinatay sa pamamagitan ng palo ng dos 4 dos na kahoy sa ulo, magkumpare sila, inuman din ang dahilan na hindi nagkaintindihan at bago pa yun matagal na rin nangyari kwento ko rin ang buhay ni Elino na nag-amok na nakapatay ng dalawang katao. Problema din ang nagbunsod sa kanila upang pumatay at magsisi sa bandang huli. Talaga ata na nasa huli lagi ang pagsisisi.

Isa pang krimen ay ang balitang pang-aabuso ng isang medyo matanda na sa isang menor de edad na may kulang ang pag-iisip. Ito medyo para sa akin mabigat na nagawa kasi wala sa katinuan ang inabuso, malaking pagsasamantala ito. Isipin ninyo ang lalaking ito ay may mga anak na babae rin, pero nagawa niya iyon. Nasaan ang kaniyang konsenya ika nga. At ito ang masakit noon – ang mga magulang ng bata ay kamag-anak ng asawa ng lalaki, ibig sabihin merong dugong nag-uugnay sa kanila.

Iyan yung ilang mga pangyayaring problema na ang naging ugat ng kasalanan at krimen. Subalit meron din namang mga magagandang pangyayari naganap, nagaganap at magaganap doon, naniniwala ako. Darating ang panahon sa laki na ng pinagbago ng lugar. Pero masakit alalahanin ang mga bagay na ganon tanging mga ala-ala na lang ang natitira sa ating kaisipan. Minsan naroon lagi yung katanungan sa kaisipan na bakit nila ito nagagawa.