Noong nakaraan kong kwento naisalarawan ko yung aming naging karanasan sa huling pagbisita namin sa Bancuro, doon nakuwento ko yung maganda at maging ang ilang pangit na karanasan. Meron din akong nasabi na may mga pangyayari doon na hindi ko naibigan kaya natanong ko kung sino ang may pagkukulang. Sa bago kong kwentong ito sisikapin kong maisalarawan ang mga bagay na gusto kong sabihin at ipa-abot sa mga kina-uukulan baka kung sakali mamulat sila sa mga naging pangit na pangyayari doon.
Lagi kong nasasabi sa mga kwento ko at panulat na ang Bancuro ay masasabing isang ulirang lugar hindi lang sa katahimikan kunti pati sa mga taong naninirahan doon. Oo nasabi ko ito sapagkat alam at kilala ko ang bawat nakatira doon, balangkas ko ang kanilang buhay ang simpleng pamumuhay. Subalit maling mali ako sapagkat may pangyayari doon na yumurak sa kalinisan at kagandahang asal ng mga naninirahan doon. Oo nga na hindi masasabi ng isang tao na siya'y malinis mula ulo ang hanggang paa pero masasabi ko naman na hindi gaanong putik ang bumalot sa aking katawan na naging batik ng pangkalahatan.
Natatandaan ko pa ang kasabihan na "kung dudumi ka sa malayo para hindi maamoy". Pero baligtad ang nangyari mismong sa loob ng bakuran dumumi kaya naamoy ng lahat ng kapitbahay. Ano ang aking ibig sabihin? Mga kabataan na hinubog ng mga magulang upang mapag-aral, mabihisan at mabigyan ng magandang kinabukasan. Ang anak daw ay isang biyaya ng Diyos sa atin kaya dapat nating ikagalak at pagyamain, alagaan. Pero kung ang isang anak ay hindi maganda ang nagawa at ginagawa sa pamilya - maituturing pa bang biyaya ito mula sa langit lalo na kung kahihiyan ang dinadala niya.
Sa sunod kung kwento ibabahagi ko sa inyo ang pakikipagsapalaran ng tatlong katauhan na masasabi kong simple ang aking pagkakilala sa kanila pero bakit nangyari sa kanila iyon..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento