Maiba naman tayo ng putahe para medyo ganahan ang ibang mambabasa, kung lagging ganon na lang ang putahe baka maumay naman sila diba. Ang mga sumusunod na paalala ay maaari nating magamit sa araw-araw nating paggawa, pwede rin itong gamitin sa ating mga asawa, kaibigan, kamanggagawa at sa lahat ng mga taong nakapaligid sa atin. Di ba masasabing magandang pamatayan ang "ugaling langit, ugaling kaaya-aya - ang pikon talo". Para sa akin yan ang dapat maging pamantayan ng isang tao patungkol sa mga nakapaligid sa kaniya.. Heto ang mga pamantayan na dapat tatandaan lagi.
I. Ang naunang magalit ang may karapatang magalit. Pag naunahan ka na ng galit niya, tumahimik ka na lang muna. Huwag sasalubungin ang anumang galit ng kaharap, tiyak magliliyab ang inyong pagitan na maaaring makasama sa inyo. Pero sabi naman ng iba huwag naman lubugan ng araw ang galit mo. Kailangang yung galit mo ay mailabas ng tama upang hindi mapuno sa dibdib mo.
II. Walang taong nag-aaway mag-isa. Pag hindi kayo sumagot o pumatol, titigil din daw ang taong nakikipag- away sa inyo. Kapag sumagot kayo o pumatol mahahalintulad kayo sa isang babaeng bungangera. Hindi naman daw nakamamatay na hindi sumagot o pumatol bagkus nakakapagligtas at nakaka-iwas pa sa tiyak na gulo. Tama naman tingnan natin sa paligid, sa balita karamihan sa kaguluhan ang sanhi napikon, pumatol sa taong galit.
III. Ang taong galit, 'bingi.' Tama yan pansinin ninyo ang inyong sarili pagnagagalit, wala raw pinakikinggan, kaya kung magagawa ninyong umiwas na lang gawin na lang ito at iwasang gumanti ng ano pa man. Hindi ka niya iintindihin dahil wala siyang naririnig kundi ang sarili nya. Mahahalintulad ang isang taong galit sa puwet ng kawali sabihan mo ng sabihan yan hindi kikilos pero subukan mong hawakan tiyak magkaka-uling ka.
IV. Ang taong galit, 'abnoy.' Sa makabagong mundo maraming kang makikitang taong abnoy, kaya payo ko lang huwag kayong agad magagalit para huwag kang matawag na abnoy. Alam nyo ba at dapat ninyong mapagtanto ang taong inyong kinagagalitan ay maitutulad sa isang mina o ginto, bakit kamo sapagkat kailangan mo sila para ka maging "mature". Hangga't andyan sila at kinaiinisan mo, ibig sabihin, "immature ka pa". Tiyak akong hindi aalisin ng Diyos ang mga taong ganyan sa paligid mo hangga't hindi mo nababago ang iyong ugali para sa kanila. Kapag nagawa mong alisin ito sa puso mo papunta ka na sa pagiging "mature"...
V. Panghuli ay ang pinaka mabuting parte na masasabi mo sa iyong sarili - ng dahil sa taong ito naging "mature" ako at dahil sa ambag niya sa maturity mo, mapapasalamatan mo pa siya sa bandang huli. Kaya payo ko lang ulit bantayan natin ang ating mga nararamdaman, huwag maging high-blood, nakamamatay yan, huwag maging abnoy sa mga nakapaligid buti kong nakakain yan at walang paaralan ng mga abnoy.
V. Panghuli ay ang pinaka mabuting parte na masasabi mo sa iyong sarili - ng dahil sa taong ito naging "mature" ako at dahil sa ambag niya sa maturity mo, mapapasalamatan mo pa siya sa bandang huli. Kaya payo ko lang ulit bantayan natin ang ating mga nararamdaman, huwag maging high-blood, nakamamatay yan, huwag maging abnoy sa mga nakapaligid buti kong nakakain yan at walang paaralan ng mga abnoy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento