Sa mga nakaraan kong kwento nabanggit ko walang masyadong pagbabago ang Bancuro subalit nitong mga nakaraang mga araw nakita ko ang aking pagkakamali sapagkat marami na ang nabago sa lugar, sa mga taong naninirahan doon. Nasabi ko ito kasi kagagaling lang namin doon upang magbakasyon ng ilang araw. Marami akong nasagap na balita ukol doon na masasabing may magandang balita at meron din namang pangit. Unahin natin ang magandang balita, na noong huli naming bakasyon doon hindi namin naranasan ang mamasyal sa resort and restaurant. Siempre kasama ang boong pamilya, naging masaya kaming lahat sa paliligo sa kabila ng may kataasan ng kaunti ang presyo ng pagpasok doon. Siguro ay sapagkat iyon pa lamang ang resort na makikita at mapupuntahan sa lugar. Dati rati sa dagat kami nagpupunta kung paliligo lang ang pakay pero dito sinubukan namin ang sabi nilang maganda raw ang resort.
Isang bagay ang masasabi ko ay yun din ang obserbasyon ng aking mga kasama, kulang daw ang serbisyo ng mga tauhan at namamahala doon. Sa isang banda maganda naman ang lugar may kakaibang anyo ito kumpara sa ibang resort na aking napuntahan, makikita mo roon ang kakaibang mga muwebles na yari sa kahoy, ang mga cottages na meron ding mga kakaibang desenyo mula sa paglalagay ng ilaw at mga mesa na ginagamit. Ang kanilang swimming pool ay medyo mababaw pero akma para sa mga bata at mga matatanda na natatakot sa malalalim na swimming pool. Pero positibo akong darating ang araw na makikila at magiging palasak ang lugar na isa sa mga magandang puntahan upang magpalipas ng init ng panahon.
Tulad ng sabi ko meron pang isang bagay na hindi maganda akong nasagap doon na hindi ko akalain na magaganap. Kung noong unang mga kwento lahat ay may papuri patungkol sa lugar pero hindi pala ganon ang nangyari sa mga nakaraang mga araw. Ang mga kabataan sa ngayon doon ay masyado ng nasusunod ang kanilang layaw, nawawala na sa kanila ang takot at pagsunod sa kaugalian at kinagisnan moral ng lugar. Nagiging madali silang madala ng makabagong takbo ng buhay. Nagiging mapusok na sila sa pagsuway sa ayaw mangyari ng kani kanilang magulang. Hindi ko naman lahat isinisisi sa mga kabataan lahat yun, naroon din ang pagsasabi ko sa mga magulang ang kanilang pagkukulang at dapat sanay kanilang responsibilidad sa kanilang mga anak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento