Ano nga ba ang sunod na kwento mula pa sa Bancuro? Totoo nga ata ang sinabi minsan sa akin ng pinsan kong nasa Zamboanga noong huli kaming nagka-usap sa internet. Subalit hindi ako naniniwala na wala ng iba pang kwento na mula doon sapagkat ang lugar na yaon ay punong puno ng kwento na kapupulutan ng aral o magiging gabay sa buhay. Eh ano nga yun? Isipin na nga ninyo ang pagsusulat ko palang ito ay malapit ng abutin ng isang taon. Natatandaan ko yun noong nakaraang taon ng simulan ko nga ito sa layuning ilahad ang anumang kwento sa aking pinagmulang lugar.
Sa ating titulo ibabatay ang kwento ko sa inyo ngayon. Mga sikat na ang ibig sabihin na may mga taong naging sikat mula sa lugar na yaon. Meron nga ba? Sa tingin at nalalaman ko maraming mga taong taga roon ang nakilala na rin naman sa labas ng lugar. May mga taong nakilala sa kani kanilang larangan, nakarating na sa ibang bansa, yumaman mula sa ibang lugar na ginamit sa pinagmulang lugar.
Meron din namang mga taong umalis sa lugar subalit nagbalik sila na bigo sa kanilang mga layong mapabuti ang kalagayan. Ito nga ata ang takbo ng buhay sa mundong ito, sabi nga swertehan lang daw ang pag yaman... pero marami ang sabi hindi raw totoo yung swerte lang ang pagyaman sapagkat ito raw ay pinaglalaan ng tiyaga, determinasyon at gulang. Sa mga taong nagsasabi na swerte lang ang pagyaman masasabi nating siguro kompleto na siya sa ganong buhay o di kaya naman naging tamad siya. Hindi naman masasabi na walang utak o kaya naman hindi ginagamit ang utak. Maraming maaaring naging dahilan na siya lamang ang nakaka-alam.
Totoo ang sinasabi ko ganon ang nangyari sa ibang mga taga roon, nagsapalaran sila sa ibang lugar na akala gaganda ang kanilang buhay. Nang umalis sa lugar dala ang pangarap na gaganda ang buhay nila. Subalit sa ilang panahon sila'y bumalik na bigo - ano ang mga dahilan? Tulad ng sabi ko maraming dahilan, maraming sinisisi - kasama ba rito yung sinisi yung sarili dahil naging tamad, naging pabaya, naging hindi maganda ang kapalaran? Tanging ang may katawan lang ang makakapag sabi nito sapagkat sabi nga ng iba tayo raw ang gumagawa ng ating kapalaran. Pero sa iba sabi naman ang buhay daw ay parang gulong minsan nasa ilalalim minsan nasa ibabaw.
Maraming nagtagumpay mula sa Bancuro naroon yung bumalik sila sa lugar upang ipadama sa mga kalugar kung gaano kasarap ang tagumpay. Siguro walang naging isang artista mula doon para maging sikat pero sa kanilang tinamong tagumpay mula sa ibang lugar masasabi na nilang isa itong tagumpay. Meron nakarating nga sa ibang bansa pero bumalik din ng bigo - yan ang buhay lahat halos hanap ang kakarampot na tagumpay.
Subalit sa bawat dumating sa buhay ng tao tagumpay o kabiguan man nananatiling naghihintay ang lugar ng pinagmulan ng bukas para sa lahat....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento