Lahat ng tao kahit saang sulok ng mundo gusto ang pagbabago. Anong pagbabago ba ang gusto lagi ng tao? Pagbabago sa kalalagayan sa buhay, kinalalagyan, kanaroroonan, gusto sa buhay, kapaligiran at maraming pang pagbabago ang hindi na halos mabilang sa daliri ng kamay at paa. Kapag may nabago naman sa buhay ayon sa gusto asahan mong sa ilang panahon panibagong pagbabago ang ipinaghihimutok, ganyan na ata ang tao walang kasiyahan sa buhay. Pero matanong ko kayo - natanong na ba ninyo sa sarili ninyo ang ganito: Ano kaya ang kalalagayan o mangyayari sa akin makalipas ang 5-10 taon?
Sa isang lugar tulad ng Bancuro ano ang makikita o masasabi nating mababago sa kapaligiran, sa mga tao at sa kalalagayan ng lugar. Sasabihin na madali lang yung 5-10 taon hindi mo aakalain na tapos na yun sa ilang panahon. Ang natitiyak ko sa inyo ang Bancuro ay di tulad na ng dati may mga henerasyon na magbabalik na sa kanilang pinagmulan, meron namang hihina ng mga henerasyon at may mga bagong henerasyon na tutubo o lalabas. Dito sa mga bagong henerasyon matatanong - kapakinabangan kaya ito ng lugar o magiging sakit ito ng lugar?
Magpapasalin salin o may darating at may aalis sa lugar subalit ang lugar ay mananatiling nakabukas sa anumang pangyayari sa kapaligiran ito man ay maganda o pangit. Mga kwento ng iba't ibang tao, lugar o pangyayari sa lugar ang magaganap. Mayroon sisikat, may masasaktan, may tatawa at may-iiyak. Ito ay tulad ng araw na hindi mapipigilan sa pagsikat sa umaga at paglubog sa gabi. Makasaysayan na ang lugar bago pa man tayo dumating, may mga kwento ng nangyari na tanging ala-ala na lang ang natitira. Mga taong napamahal na sa kanila ang lugar sapagkat doon sila ipinanganak, namuhay at namatay. Mga taong hungkag sa pananalapi subalit kakikitaan mo ng tiyaga, sipag at pagmamahal sa lugar, mga taong dugo at pawis ang ibinuwis upang manatili lamang sa katahimikan ng lugar.
Maaalala ang malaking pagbabago mula sa ilawang gamit na aandap-andap, mga kalye na baku- bako, mga bahay na gawa sa pawid at kugon, mga bata na makalumang laruan ang gamit, mga tahanang walang awitan, panoorin, nga kalsadang walang sasakyan. Mula doon nadagdagan ng mga telebisyon, karaoke, kamera, radyo, trisikel, jeep, cell phone ang mga bahay ay naging yari sa bato at semento naroon ang ibat ibang colay ng ilawan na pinaandar ng elektrisidad. Makabagong kagamitan ang makikita sa bahay, damit, sapatos at iba pa. Pagbabagong kasama ang mga tao tungo ba ito sa pabuti o pasama?
Pero isa lang ang tiyak ako kahit anong malaki, maraming pagbabago sa paligid, ang Bancuro ay mananatiling isang lugar na tatanggap ng kahit anong pagbabago, ito man ay paganda o pasama. Lugar na masasabing tahimik, sagana at kasiya siya... Kita tayo after 10 years...... yahooooooo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento