Quality Coffee

Quality Coffee
Healthy Food

Linggo, Mayo 3, 2009

Motorsiklo

Hi there!!! narito muli ako upang ihatid sa inyo ang pagpapatuloy ng kwento ko tungkol sa mga karanasan sa Bancuro. Ipagpaumanhin ninyo kong sa ngayon ay hindi ko muna ipagpatuloy ang kwento tungkol sa sinasabi ko sa inyo sa nakaraan kong kwento. Pero hayaan ninyong ibahagi ko ang aking karanasan doon, masasabi kong malaking bagay iyon sapagkat napag-alaman ko na marunong pala akong magpatakbo ng motorbike. Ni sa isip ko hindi ko akalaing madali lang pala yung gamitin, pero sa totoo niyan nasubukan ko na iyon pero paikot lang sa aming harap bahay.

Nangyari yaon sapagkat merong motorbike ang aking bayaw. Ang balak ko talaga magpaturo sa isa sa aking pinsan pero sa himig ng kanyang tinig ay ayaw niya akong turuan bagkus ang sabi kong marunong daw akong mag bisekleta marunong na din akong mag-motor. Wala akong magagawa kundi subukan, pero sa totoo lang kinakabahan ako. Una pina-andar ko ang motor isinaisip ang kaliwa at kanang manebela kung nasaan ang pinaka-kontrol ng motor at ang preno. Pinihit ng kaunti ang kanang manibela medyo umatungal ang motor pero nanatiling nakahinto. Sunod na sinubukan ay ang tadyakan o clutch para magpalit ng bilis, noong una nahirapan akong kunin ang primera mabigat ang newtral.

Matapos makabisado lakas loob akong patakbuhin ang motor sapagkat ang mga bata ay naka-abang sa akin kung ano ang sunod kong gagawin, para bagang naghihintay sa kung anong mangyayari. Sunod silang lahat sa akin ng pumunta ako sa mismong kalsada. Una papuntang Walog ang tinungo ko tapos deretso sa Kanto pero kaagabay ko ang aking anak na sakay sa besekleta. Nang bumalik ako narinig ko ang boses ng asawa ko na gustong umangkas sa akin, walang pag-aalinlangan na sumakay hindi iniisip na bago pa lang ako at hindi pa sanay. Pinatakbo ko ang motor patungo sa Kanto, nang nasa kanto na pabalik hindi ko na-kontrol kaya kinapos sa pagliko pabalik narinig ko ang sigaw ng asawa ko.
Sabi ko wag mag-alala akong bahala, kaya yun nakabalik kami sa bahay. Sabi ng mga bata marunong na daw ako.... marunong na pero hindi pa sanay na sanay...

Walang komento: