Quality Coffee

Quality Coffee
Healthy Food

Martes, Abril 22, 2008

Buhay Eskwela (Ikatlong Bahagi)

Isa pang bahagi ng buhay eskwela na natatak na rin sa aking kaisipan ay ang ikatlong baitang kung saan isang karanasan na sabi ng iba hindi maiiwasan. Bakit ko malilimutan eh talaga namang nakakahiya ang nangyari. Bago pa mag-ikapito ng umaga naroon na kami ni Kuya Tony sa eskwelahan, maayos kaming nakarating, kasi naman maganda ang umaga, nag-almusal, naligo ayon sa araw-araw na kasanayan ng isang eskwela. Ang panahon naman ay napaka ganda ng sikat ng araw hindi masakit sa balat ang tama nito sa balat. Natapos ang umagang laging ginagawa bago pumasok sa silid-aralan, ganap na 10:30AM doon nagsimula ang bagay na yaon. Naramdaman ko na biglang sumakit ang aking tiyan, talaga namang di ko matiis ang sakit, kinalabit ko si Kuya Tony para ipa-alam ang aking nararamdaman, sabi niya tiisin ko raw muna, pero di ko na matiis, kinalabit ko ulit siya, sabi niya punta raw ako sa CR.

Ganon nga ang ginawa ko, nagpa-alam ako sa guro na pupunta sa palikuran. Pagdating ko sa palikuran hindi ko alam kung paano ako uupo kasi ang pinaka inidoro punong-puno at ang kulay puting inidoro dati ito'y kulay itim sa dumi na sa palagay ko'y buwan ng di nalilinis, at ang amoy talaga namang hindi mo matatagalan. Ikut ako kung paano ang gagawin, pero wala talaga, balik ako sa silid-aralan, nang patungo na ako doon may naramdaman ako parang basa-basang tumulo sa aking salawal, sa isip ko lumabas na ata ng walang abiso. Hindi na ako pumasok kasi may na amoy na akong masama, sa bintana pilit kong kinawayan si Kuya Tony para lumabas at puntahan ako, agad namang lumabas sabi samahan akong umuwi na kasi inabutan na ako sa salawal, medyo nagulat na mukhang nakakunot ang noon na pumasok yun pala nagpa-alam na at sinabi ang nangyari sa akin.

Noong naglalakad na kami ayaw sumabay ni Kuya Tony sa akin paano kasi masama ang amoy, kapag mayroon kaming masasalubong takbo ako sa sagingan para mag-tago. Sabi ko kay kuya Tony dito na lang ako sa sagingan dadaan kasi nga kulay dilaw na ang aking suot na salawal dahil sa ebak. Ewan ko naman kung bakit di ko siya mapigilan sa paglabas. Ang masama nito sa pagliko namin ng kanto kailangang lumabas ako ng sagingan kasi pa-krus ang daan, kaya ang ginawa ko takbong pagabang para hindi makita ng mga taong dumaraan. Nakarating kami sa bahay na si Kuya Tony ay matatawang magagalit dahil sa nangyari. Hindi ako naka-pasok sa sunod na araw kasi nga natuloy na pala ako sa pagtatae. At ang napansin sa akin ang mga mata ko ay nagkukulay dilaw daw na ibig sabihin ay lumuluwa ang apdo ko, kaya pina-inom ako ng gamot at lagi na akong merong kendi na lemon mabisa daw yun sa ganong sakit. Nakakatawa at nakakahiya ito, kasi nabansagan ako sa eskwelan ng nagtae sa salawal...

Karanasan ay maaaring magbulid sa isang tao patungo sa ikabubuti o ikasasama depende sa mga bagay na kanyang mga naranasan. May mga karanasan na nagiging aral sa isang tao, maaari din naman na ito ang nagiging balakid sa isang tao. Saan at kailan nga ba nag-sisimula ang karanasan ng isang tao? Sa kaniyang kamusmusan o depende yan sa tao kung paano niya tinatanggap ang mga nangyayari sa kanyang paligid. Marahil naiisip natin nagsimula ang lahat ng karanasan ko noong ako ay eskwela pa lang, doon ko naranasan ang kalukuhan, mga laro, at mga kabulastugan. Kung ganon ang eskwelahan pala ay may dalawang itinuturo, kaalamang pang-kaisipan at kaalaman para sa mabuti at masama. Sa ganang akin eskwelahan ay nagdulot sa akin ng maraming bagay magkasama na ang mabuti at masama. Sa paggawa ng kabulastugan di natin masasabi na ang dahilan nito'y ang kapaligiran, tanungin natin ang sarili natin kung tinatanggap ba natin ang bawat nakikita natin, kung ganon nabibilang ka nga doon.