Ibang lebel na ito ika nga, bakit? Siempre natapos yung 6 na taong panimula sa “Buhay Eskwela”, pero meron bang pagbabago sa bagong haharaping lebel ng pag-aaral daw. Noon sabi ko sa sarili ko, pareho lang yun mula Lunes hanggang Biernes gising sa umaga, ligo, pasok, aral, laro, uwi, tulog tapos ang isang araw ganon ang kalakaran sa eskwela yun ang nasa isip. Ganon ba talaga ang mga pangyayari sa paaralan? Subalit sa mga ini-isip ko maaaring mangyari ang ilan lang kasi naroon yung mga pagbabago na hindi ko naisama sa mga ina-akala kong magaganap. Siempre naroon pa rin yung eksited ka sa unang pasukan, kasi bago ang yuniporme, naka-pantalon na, at may sapatos pa na bigay ng tiya galing ng Maynila noong nakaraang pasko. Naroon din ang pag-iisip sabay ngiti na sigurado malaki ang baong pera kasi ibang lebel na ito, binata na si Manoy. Kasama siempre ng bida ang mga ka-badi-badi ika nga, nariyan si Kuya Tony, Pogi ang mga lading lady ay sina Peth, Christy, Myrna, Divina, Cecilia. Kami ang sama-sama eskwela galing ng Bancuro na mag-aaral na sa bayan ng Naujan, 7 kilometer buhat sa Bancuro na tanging jeep at traysikel ang masasakyan. Sikat ka kung galing ka ng Bancuro kasi kilala ang mga tagaroon sa amin sa bayan lalo na yung mga pulitiko, kasi ginagamit ang sityo Pook kapag eleksyon kasi isang pisa lang doon.
Ang eskwelahan namin ay kung tawagin ay AGMA – Agustin Gutierrez Memorial Accademy, sikat sa buong Naujan sapagkat ito ay pribadong paaralan. Yan ang isa pa, iisipin mo nagtapos lang sa baryo tapos ngayon sa isang pribadong eskwelahan na, astig ang dating diba? Mataas ang matrikula diyan, ang maririnig mo sa maraming mga magulang, dapat diyan na lang sa Barangay High-School ng San Agustin, meron nga naman pang high school na malapit doon sa amin, kung tutuusin malalakad lang. Subalit yun ang guhit ng palad ng mga taga sityo Pook halos lahat sa bayan ng Naujan nag-aaral. Nakakahiya ba, kasi yung ibang mga pinsan ay doon nag-aaral, pasikatan ba. Pero ganon nga ba ang kaisipan ng mga magulang, merong nagsasabi na mababa raw ang turo doon sa San Agustin High School, kasi gobyerno. Pero bakit naman yung dalawang tiya ko sina Ate Nym at Ate Mhel doon nagtapos, sa awa ng Diyos nakarating din sa Maynila, nakapag-aral doon at naka-kuha ng trabaho. Ibig sabihin nasa eskwela yun kong ang pag-aaral niya ay gagawing “Iskool Bukol” lamang.
Siguro ganon talaga ako kahit ngayon naging mapagmasid, mapag-obserba ako sa mga bagong bagay at mapa-muna o karaniwan lang talaga yun sa tao. Panibagong pag-aadyas ika nga. Maaga kaming dumating sa AGMA kasi ganon pala kaaga ang jeep na sasakyan, biruin mo 4AM ginising na ako ng Inay para daw makapaligo na at makapag-handa mas eksited ang Inay kaysa sa akin. Hulaan nyo kong anong baon ko? – kanin na binalot sa dahon ng saging (yung dahon nila-ib sa apoy yun kaya mabango), kasama yung ulam na pritong isdang tulingan nakapalaman sa kain. Inihanda na ng Inay lahat yun, ako naman todo ligo, ayos at lagay pa nga ng pumada sa bagong gupit na ang tawag ay “gupit binata”. Kung sa sundalo nakahanda na giyera.

Umalis ang jeep sa Bancuro ng 6.00 AM, naging eksited lahat sa loob ng sasakyan, kuwentuhan, yung iba naka-ngiti lang at yung iba nag-iisip na parang gusto ng liparin ang AGMA sa inip. Wala pang 7AM naroon na kami sa pultahan ng AGMA, bago ka kasi makarating sa eskwelahan sa may pultahan makikita mo ang dalawang estraktura ng bahay yung ang bahay ng may-ari ng eskwelahan at sa ikalawa naman ay sa kapatid, mga 500 metro ang layo nito sa eskwelahan. Bago ka makarating doon daraan ka sa tulay na kahoy, kapag may tulay may ilog o kanal o anuman na tatawirin, subalit hindi naman ilog, kasi di uma-agos ang tubig, makapal na water lily ang naroron, pero makikita mo ang tubig. Nakarating kami roon na halos lahat ng mata namin ay imi-ikot sa paligid, karaniwang paaralan may plag pole, basketbol kort, halamanan, pasilyo at mga silid aralan. Natanong ko sa isip ko - Dito ba ako mag-aaral ng high school?
Nagdatingan ang ibang mga eskwela napuno ang paligid, wentuhan, tawanan, beso-beso at ang mga guro sa palagay ko dumating na rin. Kaya saktong 7:30 nagsimula ang paggawa ng hanay ayon sa mga lebel inalalayan kaming mga bago patungo sa hanay na dapat sa amin. Matapos ang plag seremoni, hinati-hati kaming mga bago sa 4 na seksyon at kami ay napunta sa pang-apat na grupo, tapos ang grupo namin ay hinati ulit sa tatlong bahagi, kaya napunta ako sa seksyon A, nagka-hiwa-hiwalay na kami mga taga Bancuro. Sina Kuya Tony, Pogi at iba pa ay napunta sa seksyon C. May nabago nga doon sa buhay eskwela bago pumasok sa silid aralan mag-dadamo muna kami, pero dito wala na pasok kaagad sa loob. Nagsalita ang guro na nasa unahan at sabi magpakilala ang lahat isa isang tatayo, ganon nga ang nangyari. Doon nagsimula na makilala ko sina John, Godo, Carlo at Lee kaya ng matapos na ang klase sa umaga sama sama kaming kumain ng mga baon namin. Dahil bago di namin alam kong saan kami kakain, punta kami ng kantina pero halos di makakilos sa daming eskwela, may sumigaw sa niyugan, doon pala ang pwesto nila sa pagkain. Hanap kami ng magandang pwesto sa niyugan, inilatag sa damuhan ang baon na balot ng dahon ng saging, hindi na naghugas ng kamay kasi malayo ang tubig, dahilan sa gutom siguro kaya di na alintana ang kaka-ibang amoy, natapos ang kainan na ramdam ko di ako nabusog kasi bilisan at kailangan tumayo para uminom ng tubig. Pag-kilos namin namataan namin na meron sa di kalayuan ng isang tumpok yun pala ang nangangamoy tae ng tao.. Ayos lang yun tapos na eh....he he he
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento