
Tulad ng nasabi ko sa itaas sa Mindoro may tinatawag na mag-asawang ilog, bakit ito mag-asawa? Ang mag-asawa lang ba ay maaaring itawag sa tao, hayop, ibon at iba pa, halimbawa mag-asawang dagat at mag-

Balik na tayo sa ating pinag-uusapan ang "patay na ilog". Masasabing malaking ilog ang naka-ugnay sa barangay Bancuro, ang dulo nito ay naka-ugnay sa Naujan Lake hanggang sa bukana ng dagat sa Barangay Lumang Bayan. Ang ilog na ito ay daraan sa barangay Bancuro, una sa sityo Butas, tapos sityo Ibaba patungo sa barangay
Antipolo. Mula sa katawan ng malaking ilog sa sityo Butas nag-simula ang tinatawag na Patay na Ilog. Mula rito bumabay-bay ito sa kalsada, daraan sa kanto ng papasok sa sityo Pook at kalahati nito ay naka-ugnay sa sityo Ibaba. Kung titingnan mo sa itaas pababa makikita mo ang isang pulo o isang katawan ng lupa sa gitna ng tubig. Naka-ugnay sa katawan ng malaking ilog ang magkabilang dulo ng ilog na patay. Bakit ito tinawag na patay na ilog? Ayon sa mga matatanda sa baryo kaya raw tinawag na ilog na patay ito kasi hindi uma-agos, ang tubig niya nakahinto lang doon, subalit bumababa at tumataas ang tubig nito kapag ang malaking ilog ay tumataas at bumababa ang tubig.
Maraming nakikinabang sa Ilog na Patay sapagkat ito ay mayaman sa mga isdang tabang tulad ng dalag, hito, tilapia, kitang, banak, hipon, buwan buwan, also at iba pa. Ang karaniwang nakikinabang dito ay mga taong nakatira sa bay-bay ilog, kaya lang naroon din naman ang ugaling Pilipino na hindi sila mapag-mahal sa kalikasan, naaabuso ang lugar tulad ng ginagawang padaluyan ng dumi ng baboy na alaga, padaluyan ng dumi ng tao, o minsan doon na mismo sa baybay nakatalungko, meron din gumagamit ng mga lason upang mahuli ang isda at iba pang pamamaraan. Sinasabi na ang ilog na patay ay laging kabahagi sa taunang pagkuha sa buhay ng tao, ibig sabihin meron laging nagbubuwis ng buhay dito, nalulunod, aksidente at iba pa. May nagsasabi na ang lugar na ito ng ilog ay laging dinadalaw ng buwaya o merong naninirahan sa dawagan ng ilog nito, minsan daw meron pang serena. Pero wala pa namang ebidensyang makapagpapatunay na totoo ito.

Hindi lang isda ang kayamanan sa ilog na ito, nariyan din ang water lilly, talahib, tambo, kawayan, punong kahoy na karaniwang nagagamit sa bahay. Sa ngayon isang parte nito ay kaugnay sa Benilda Resort yung tinatawag na floating room or cabin and restaurant. Pinagkukunan din ito ng tubig para sa taniman ng palay, at halaman sa gitna ng pulo nito. May ilang pamilya na naninirahan sa gitna ng pulo. Kung titingnan mo siya masasabi mong walang pakinabang, subalit marami ang nakadepende sa ilog na yan. Nakakatakot siyang pagmasdan sapagkat may parte siyang madawag, matinik at maraming kawayan sa baybayin nito.
Sinasabing meron din daw ditong mga tikbalang, manlalabas, engkanto, maligno at meron din daw na tinatawag na white lady. Pero lahat ng ito ay ayon lang sa kuwento kuwento lang siguro sa dahilang madawag nga. Pero marami rin siyang ibat-ibang ibon tulad ng purak-purak, pipit, tariktik, maya, kilyawan, tikling, uwak at iba pang ibon. Naging bahagi din ng buhay ko ang ilog na patay kasi dito ako tinulian sa tabing ilog gamit ang labaha at lukaw kung tawagin, matapos magbabad sa paliligo bago tulian.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento