Quality Coffee

Quality Coffee
Healthy Food

Sabado, Agosto 2, 2008

Tawagin Sya’y Obispo.

Minsan sabi ng pinsan ko, ano pa raw ang aking kwento patungkol o nangyari sa Bancuro gayong nakuwento ko na daw lahat. Pero heto naman ang katunayan na hanggang sa ngayon meron pa rin namang kwento ako na galling sa Bancuro. Alam natin na ang isang “Obispo” ay alagad ng simbahan, walang pasubali yan. Pero dito sa bago kong entre ipakikilala ko siya sa inyo na talaga namang kakaiba ang kanyang kwento doon sa Bancuro. Siya ay kilalang kilala ng mga tagaroon sa Pook, Bancuro sa taguring Obispo. Paano siya naging Obispo, tunay bang Obispo nga siya? Sino siya?

Sa mga nakaraang kwento ko nabanggit ko na yung mga lawig o nakikipanganihan doon Bancuro na mga taga Batangas. Isa nga sa tuwina ay naroon sa Bancuro ay si Manong Garding sa dahilang kapinsanan din naman siya ng lahat doon. Sino ba si Manong Garding? Siya’y isang taong talaga namang tatawa ka kapag siya na ang nagsimula ng kwento, sapagkat marami siyang alam na mga kwentong totoo, at kabulastugan. Tuwing siya ay lalawig sa Bancuro tiyak ako na magiging masaya ang lahat doon, kakikitaan mo lahat ng ngiti, tuwa sa mga labi nila kapag naririnig ang kwento ni Manong Garding. Bakit siya tinawag na Obispo?

Hindi ako tiyak kung ito ay sa Pook, Bancuro nangyari o sa ibang lugar sa Bancuro. Ganito yun, minsan daw may dumating na pari sa isang maliit na tuklong o kapilya doon, na naroon itong si Manong Garding. Hindi ko alam kong ito ay naka-inom o lasing ng gawin ito. Kapag dumating ang pari sigurado yung kanang kamay niya ang siyang mag-aasikaso ng mga gamit na gagamitin sa pagmimisa. Kaya inilabas na lahat ang mga gamit na inilagay sa banding likuran ng kapilya o ng altar. Lingid sa kanila itong si Manong Garding ay may balak na nakawin ang gamit ng pari. At ganon nga ang nangyari ninakaw niya yung bateting ng pari, kaya walang nagamit ang pari sa kanyang pagmimisa doon, subalit alam ng pari na ninakaw yun. Kaya mula noon si Manong Garding ay tinawag na Obispo, kasi ninakaw nga niya yung bateting ng pari.

Pero likas na kakaiba talaga si Manong Garding sa lahat ng mga lumalawig sa Bancuro, bukod sa kanyang mga nakakatuwang mga kuwento, kabulastugan at iba pa. Naroon din yung napakagaling niyang magbansag sa isang tao, yun bang bibigyan ng ibang pangalan ang isang tao aywan ko kung paano niya yun ginagawa. Basta kapag nabigyan ng bansag, yun na ang magiging tawag sa kanya ng lahat. Narito ang kaniyang mga nabigyan ng basag doon sa Bancuro:

Alberto Amboy - Ampong o Balat Saging
Beinvenido Hernandez - Bentot
Leo Hernandez - Bayugo
Mamerto Ilao - Utot
Ernesto Ilao - Daga
Marlo Hernandez - Manot
Mario Hernandez - Tunog
Paulino Hernandez - Iwang
Vicente Hernandez - Burat
Eugenio Deguzman - Manghot
Anghel Evangelista - Tang-e
Domingo Hernandez - Japog
Ding Mojica - Kado

Yan yung ilang mga pangalan na binigyan niya ng bansag pero hindi ko alam kong siya lang lahat dito ang nagbansag. Marami pang mga pangalan ang kanyang binigyan ng bansag na itoy nananatili na bansag sa taong yun. Meron ngang kapag tinawag yung taong yun sa bansag niya nagagalit, napipikon, na kung tawagin sa Bancuro nangungulit. Sa ngayon madalang na siyang makapunta pa sa Bancuro kasi may edad na siya, nanatili na lang siya sa Batangas. Minsan napupunta siya doon kapag pinstahan at iba pang okasyon. Totoong mananatili na sa Bancuro ang kanyang ala-ala…..

1 komento:

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

top [url=http://www.c-online-casino.co.uk/]uk online casino[/url] check the latest [url=http://www.realcazinoz.com/]free casino games[/url] manumitted no consign bonus at the chief [url=http://www.baywatchcasino.com/]baywatch casino
[/url].