Ang tao maraming uri, ugali, nakasanayan, kakulitan, katahimikan, kasayahan, at paniniwala. Idagdag pa rito na minsan ang tao ay may aking kakulitan, pasaway at katigasan ng ulo. Sa Bancuro hindi rin nalalayo sa ibang lugar na marami ang makukulit at pasaway, pero sa bago kong kwento ngayon ito’y naganap sa taong kilala ko sa pagiging tahimik lang, sa kuwentuhan, sa inuman. Ibig kong sabihin hindi siya makulit, maingay o magaslaw subalit naganap sa kanya ang sitwasyon nayun isang gabi ng katahimikan.
Sa mga nakaraan kong kwento nabanggit ko ang tungkol sa mangangarit na doon nahapyawan ko na ang dahilan sa paghinto niya sa pangangarit ay ang edad at ang karanasan niya ng gabing iyon. Sa kabila na siya ay kinuha na ng Diyos naroon pa rin ang ala ala nito sa mga taga-Bancuro at ang gabi na masasabi na nakabago ng buong Bancuro at ng buhay ng mangangarit kasama ang pamilya niya. Dito ilalahad ko yung nalalaman kong kwento bago ang gabing iyon sa buhay ng mangangarit.
Ang Bancuro ay likas na mapagkaibigan sa mga karatig na barangay, kilala ang Bancuro sa basketball, softball, sabong at iba pang mga laro. Iilang balita sa paligid na sinasabi na pagsisimulan ng gulo ang mga taga-Bancuro, minsan nga sila pa yung argabiyado. Isa sa mga barangay na malapit sa Bancuro ay ang Sta Cruz (Lagarian), sapagkat ang mga taga-Bancuro ay dumadayo sa Lagarian ng paliligo, pangisngisda, pagtitinda. Ganon din naman ang mga taga Lagarian, sila’y nagtitinda ng isda, dumadayo sa panunuba, pistahan at iba pa. Sa ganong kalakaran naging malapit sa isa’t isa ang dalawang barangay, idagdag pa dito ang ilan sa kanila ay kinukuhang mga ninong at ninang ng kanilang mga anak, kaya ang tawagan ay kumpare at kumare.
Sa ganyang nakasanayan naging bukas ang loob ng isa’t isa sa buhay at sa paligid. Subalit may mga pangyayari na hindi natin inaasahan na sa kabila ng ganong pagtitinginan mababahiran ito ng dugo na mahirap ng mabura sa isip at ugali ng tao. Hindi ko na matandaan kung tag-ani, tag-ulan o tag-lamig ang gabing yaon. Isa sa mga barkada, kumpare ng mangangarit ang pumunta sa Bancuro upang makipag kuwentuhan kasama ang inuman doon. Maayos naman ang kanilang inuman ayon sa mga kuwento. Matapos ang inuman sa isang bahay, pumunta na sila sa bahay ng mangangarit upang maghapunan. Lingid sa kaalaman ninuman sa paglalakad nila nagkaroon na pala ng hindi magandang pagtatalo ang dalawa, pero hindi gaanong mabigat.
Matapos sa bahay ng mangangarit nag pasya ng umuwi ang kumpare papunta sa Lagarian. Inihatid pa ng mangangarit ang kumpare hanggang sa malapit sa labasan ng Pook. Subalit habang sila’y naglalakad naroon na naman yung kanilang naiwang pagtatalo at mas malala pa. Hindi mo maririnig sa kanila ang lakas ng tinig sa pagtatalo parang alam nilang baka marami ang makarinig. Patuloy silang naglalakad ng biglang kumalas ang kumpare at mag bunot ng balisong at akmang sasaksakin ang mangangarit. Kahit naka-inom mabilis na naka-iwas ang mangangarit kasabay ang tanong “bakit pare, huminahon ka, ako ito kumpare mo”. Sa kabila noon parang walang naririnig si kumpare patuloy ang daluhong sa mangangarit.
Mula doon naisip ng mangangarit na dilikado na ito, kaya hagilap siya ng kahit anong pwedeng ipanlaban hindi niya naisip na meron siyang dalang pangarit. Kaya hagilap siya ng pamalo at doon nakuha niya yung kahoy mula sa bakod, isang dos four dos ang laki. Sa pagdaluhong ni kumpare, naghintay na lang ang mangangarit upang salagin ang ulos ng kalaban. Nang sa tingin ng mangangarit na hindi na mapipigilan ang kumpare, ipinasya na niyang lumaban ng sabayan, patay kung patay ika nga.
Sa pag atake pa lang ng kumpare isang malakas na palo ang sumalubong sa ulo ng kumpare dahil lasing bagsak ang kumpare, mula doon wala kang maririnig kundi ang impit na ungol ng kumpare sa bawat palo sa kanya ng mangangarit. Walang humpay ang palong ginawa ng mangangarit ibinuhos ang lakas, galit at ang kanyang sibasib ay nahinto ng ang kanyang pamalo ay nabali sa dalawa at ito ay parang sinadyang lumiit sa kapapalo. Ang ulo ng kumpare ay hindi na makilala dahil lumiit, ang laman nito ay nagkalat sa paligid at ang utak ay ganon din – patay si kumpare.
Kinabukasan hindi agad kumalat ang balita, kundi takot ang kanilang naramdaman, sapagkat noon lang nangyari ang ganon sa lugar ng Bancuro. Ganon ka brutal na pagpatay. Hinuli ng mga pulis bayan ang mangangarit, ang patay ay dinala sa Lagarian, subalit ang dugong nagkalat sa bakod sa kalsada ay hindi agad maalis, ganon din ang ala ala ng gabing ang mangangarit ay sumibasib na parang tuko.
Dahil na rin sa kawalan ng panggastos sa magkabilang panig ini-urong na lang ang kaso at pinagbayad na lang ang mangangarit ng 12T pesos. Bumalik sa normal ang buhay ng mangangarit subalit yung dating init ng pagkakaibigan ng dalawang barangay ay medyo nagkaroon ng batik tahimik pero parang laging merong banta. Matagal bago naging normal ang kalagayan ng dalawang barangay na tanging panahon na lang ang makakapag-sabi. Sa ngayon balik normal ang paligid sa magkabilang barangay, nabalik na rin yung dating pagkakaibigan ng dalawa.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento