Maraming matatandang kaugalian ang ating bayan, ito’y namana natin sa ating mga ninuno na hanggang sa ngayong makabago na ilan doo’y patuloy pa ring isinasaga ng ilan, lalo na ang mga tao sa mga probinsya, baryo, barangay. Anong dulot nito sa buhay ng mga tao sa probinsya? Ilan sa mga naniniwala nito ay masasabing bahagi na ng kanilang buhay ang ganitong kaugalian ayon sa kanilang paniniwala. Ang Bancuro ay di naiiba sa ibang mga baryo na naniniwala a ganitong kaugalian. Dala dala nila ang kaugaliang ito hanggang sa kanilang katapusan ng buhay. Ang iba’y maisasalin sa kanilang mga anak. Sabi nga habang may naniniwala at sumusunod sa ganitong kaugalian hindi mahihinto ito.
Tulad na lang sa Bancuro ang kaugaliang ito ay nagpasalin salin na sa ibat ibang henerasyon subalit naroon pa rin ang patuloy na pagsasagawa nito. Ang padasal ito ay isang kaugalian at bahagi ng kanilang pananampalataya na ng mga taga Bancuro. Marami ang nagpapadasal ngunit iba iba ang pinatutungkulan ng padasal – tulad ng padasal ng pasasalamat, kamatayan, mahal na araw, babang luksa at iba pa. Karaniwang ang padasal ay pinagtutuunan din ng kaunting pera, para sa kaunting handaan kung ito ay pasasalamat, o babang luksa (sa ibang kahulugan pag-alala sa kamatayan). Maidagdag pa rito may padasal din na ginaganap sa araw ng mga patay tuwing papasok ang buwan ng Nobyembre 1 at 2.
Sino ang mga nangunguna sa ganitong padasal. Tulad ng Bancuro dati meron talagang nangunguna at laging kinukuhang nangunguna sa pagdarasal, ito ay tinatawag na “mamumuno”. Dati kinagisnan ko na laging matanda ang mamumuno, dahilan siguro sila yaong nakaka-alam ng mga dasal para sa ibat-ibang okasyon. Sabi nga sila yaong may tiyaga na gampanan ang ganitong mga gawaing pangkaluluwa. Isang bagay ang natatangi sa mamumuno, sila’y kakaiba sapagkat bukod sa kabisado ang dasal sila yaong mga kilala sa boong baryo. Naalala ko pa nga yung isang mamumuno ng padasal, habang naglilitanya ng dasal para sa dasalang yaon, naroon din naman yaong kaniyang pakikipag-usap sa katabi. Paano yun, sabi nga, ganito yun kapag nagdarasal ang mamumuno na siyang nangunguna at merong bahagi ang mga kasama na kung tawagin ay “taga-sagot” kapag yung parteng taga-sagot siya naman ang pakikipag-usap ng mamumuno sa katabi. Isa lang ang napansin ko pa sa mga ito, mabibilis magsalita.
Ito naman ay gustong gusto ng mga bata doon sa baryo sapagkat minsan ang nagpapadasal ay maraming inihahanda, tulad ng tutong, matamis na lugaw, pinindot, tinapay, puto, suman, at iba pa. Subalit kapag sa patay naman minsan nagkakatay ng baboy, manok at iba pa. Kaya sabi nga lebre na ang tanghalian or merienda kapag merong mga padasal. Karaniwan namang makikita sa mga padasal o sa mga nagdarasal ay mga babae lamang, ang mga lalaki naman ay darating lamang kapag kainan na, he he he yun ang totoo. Sa Bancuro noong akoy bata pa ang mga natatandaan kong mamumuno doon ay sina Nanay Angeng Mayumi tapos ng mamatay na siya si Tiya Huling na ang sumalo bilang mamumuno ngayon patay narin, tapos noon ngayon ata ay isa sa mga anak ng Tiya Huling si Ate Nemie
Tulad ng nasabi ko ito yung kaugaliang nagpapasalin salin sa ibat ibang herasyon ng tao sa Bancuro, kahit sabihin na makabago na ngayon, subalit nananatili parin ito. Bancuro ay isa sa mga ito sumusunod, naniniwala at nasisiyahan. Sabi nga nila wala namang mawawala kung ito ay susundin. Mas maganda pa nga raw kasi minsan nagagamit ang mga ganitong pagtitipon upang magkasama-sama ang boong pamilya. Kaya para sa mga taga-Bancuro mananatili ang mga kaugalian ito tulad ng mga padasal sa kanilang buhay tulad ng mga ibang lugar. Ito raw ang isang bagay na paglalapit nila sa Diyos.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento