Quality Coffee

Quality Coffee
Healthy Food

Martes, Hulyo 29, 2008

DAWDAW!!

Siguro likas na sa tao yung paggawa ng masama o paggawa ng kalukuhan. Sa Bancuro meron ding taong ganon, yun bang imbes na tumulong sa kapwa ay kabaliktaran naman ang ginagawa. Ano ang kaugnayan nito sa ating pag-uusapan? Sapagkat yung tinatawag sa Bancuro na “dawdaw” ay hindi lang sa tao nagdudulot ng kasamaan kundi pati sa imahe ng lugar, bakit ko nasabi ito sapagkat nagiging tatak ito na kinatatakutan ng ibang tao na puntahan.

Ano nga ba ang “dawdaw”? Ang salitang ito ay hindi matatagpuan sa anumang diksyonaryo ibig sabihin ito’y katha lamang doon sa Bancuro. Ito ay isang uri ng bagay o lason na inilalagay sa pagkain, inumin at iba pang kapamaraanan ng gumagawa. Ano ito? Marami ang nagsasabi na ito raw ay bagahi ng nagamit na “gasa” ng ilaw na di-bomba. Ang iba naman ito raw ay itlog ng manok na nilaga ng napaka tagal na oras upang maging lason. Pero kahit ako ay hindi alam ang talagang sangkap nito.

Paano ito isinasagawa ng mga luko-luko at walanghiya? Maraming kapamaraan silang ginagawa. Tulad na lang ng nangyari sa Inay ko, siya’y nakitulong sa isang handaan doon sa Bancuro, Ibaba, wala siyang kamalay malay na yung ibinigay sa kanyang pagkain ay meron na palang dawdaw o lason. Hindi niya ito namalayan hanggang makarating siya sa bahay namin, nakaramdam siya ng hindi maganda sa kanyang tiyan, pero naghinala na agad ang tatay na nadawdaw ang Inay. Kaya kinabukasan kumuha ang tatay ng dahon upang masigurado ang kanyang hinala at tama mabagsik na dawdaw ang nakadali sa Inay. Kaya dali daling nagpunta siya sa manggagamot ng dawdaw na matatagpuan din lang doon sa Bancuro. Ayon sa mga sabi-sabi ito rin daw mga manggagamot ng dawdaw ang siyang gumagawa ng dawdaw.

Meron naman sa inuman ito nakukuha, lalo na kapag ang iniinom ay tuba ng niyog. Mapapansin daw ang mandadawdaw kapag siya ang nagpalibot ng baso sa pag-inom, kapag humawak ang taong yun sa labi ng baso tapos isinalok sa timba ng tuba asahan mo na may titirahin siya. Noon karaniwan kilala ang gumagawa nito. Minsan naman sa pulutan ito inilalagay. Kapag ang kainuman ay kumuha ng pulutan na kamay ang gamit hindi kutsara at nagbalik ng kapirasong pulutan, asahan daw may dawdaw yun. Kaya doon sa mga matatakaw ng pulutan dilikado. Minsan naman kukuha ng pulutan pero parang sumawsaw lang meron din yun. Karaniwang nasa dulo ng kuko ang lason na idadawdaw.

Bakit nila ito ginagawa? Ang iba kaya ito ginagawa upang magkapera, kasi kapag na dawdaw tiyak na magpapagamot may bayad kahit kaunti ang pagamot noon. Yung iba kaya ginagawa para lang magwalanghiya. Yung iba kaya naman ginagawa galit doon sa tao, matakaw uminom, mamulutan at matandang alitan na.

Paano naman ito nalalaman na na-dawdaw ka? Doon sa Bancuro merong nakukuhang dahon ng halaman sa gubat o niyugan na pinapahid lang ito sa kamay, kapag ang kulay berdeng katas nito ay hindi nawala kahit ka maghugas, magsabon ng kamay – tiyak na meron kang dawdaw, yan ang kapangyarihan ng dahon na yun. Nararamdaman din ito sa katawan kasi minsan sa loob ng 24 na oras maaaring mamatay ang nadawdaw kung mabagsik ang nakadali sa kanya. Meron naman linggo, buwan bago malaman kasi sabi nila pakiramdam daw laging busog, tapos namamayat.

Paano naman ito ginagamot? Heto ang medyo mahirap paniwalaan kasi ang paggamot daw nito ay isasagawa tuwing umaga bago sumikat ang araw at sa dapit hapon kapag lubog na ang araw, kapag lapas hindi na gagamot yung manggagamot. Ang tanong anong relasyon noong umaga at araw doon sa nainom na lason? Ewan ko, pero yun lagi ang naririnig ko at nakita ko noong ang Inay ay nadawdaw. Ano naman ang iginagamot? Sabi nila langis daw, ewan ko kung ano yun, minsan tanungin natin ang manggagamot doon. Pero ang alam ko patay na lahat ang mga marunong manggamot ng dawdaw doon sa Bancuro, ewan ko lang kung merong nagmana ng ganon.

8 komento:

wilso santos ayon kay ...

interested ako sa post mo about sa dawdaw, yun cousin ko kasi na dawdaw sabi nila pinapahanap kami ng dahon na tinatawag na tayum pero wala kaming makita baka may ideya ka kung saan makakakita, medyo malubha na sya at hindi na makalakad, sabi naman ng mga doktor wala syang sakit.if may ideya ka pls contact us 0922-874-6506 pakihanap si wilson santos salamat

Unknown ayon kay ...

May alam na po ba kayong gamot sa Dawdaw? Nadawdaw po lase yung kuya ko at paliramdam niya daw lahi siyang busog.

Unknown ayon kay ...

Ano po ang pangalan ng dahon na ginagamit para malaman kung nadawdaw ang tao po?

Unknown ayon kay ...

Tayum

Unknown ayon kay ...

ano ang sintomas ng dawdaw

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Ang dawdaw ay isang asin na dinasalan ng latin Ng mga sanay dito

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Ang dawdaw ay isang asin na dinasalan ng latin Ng mga sanay na albularyo at may Alam sa mahika at may kakayahan itong pumatay Ng walang sintomas na nalason

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

Hanggang kelan tumtgal Ang Isang tao pag ngkaruon Ng dawdw