Maraming nabubuong katanungan ang nagpasalin salin sa bibig ng ating mga ninuno. Merong nadaragdagan depende kung paano at sino ang nagkukuwento ng mga bagay na ito. Naging palasak na ito sa ating kaugalian ang iba ay kasama sa mga aklat na ginagamit sa paaralan. Meron din namang ginawan na ng kuwento na akma sa panlasa ng mga manonood sa pinilakang tabing.
Sabi nga, sa bawat pagkagat may kuwentong kaakibat. Iyan ang magandang malaman sa mga kuwento sa likod ng mga prutas na sa kabila ng lasa, kulay ay talaga naming kinagigiliwang kainin. Tulad na lang ng kuwento ng prutas na “Lanzones: Nakakalason dati…
Ayon sa mga matatanda sa ating bansa ang lanzones ay dating nakakalason kung kakainin hanggang may isang himala na nangyari. Noong unang panahon, ayon sa kuwento, mayroong isang babae at kaniyang anak na naghahanap ng matutulugan isang gabi, sapagkat galing sila sa isang malayong lugar. Mapait na sila’y hindi pinapasok sa bawat bahay na kanilang pinuntahan hanggang sa ang huling bahay na kanilang nilapitan ay naging mabuti o mabait sa pagpapatuloy sa kanila. Doon sila natulog ng magdamag na yaon.
Kinabukasan, bago umalis, napansin ng babae na parang may mga isinumpa na punong kahoy sa likurang bahagi ng bahay ng nagpatuloy sa kanila. Nagkalat lang sa lupa ang mga bunga ng mga ito, kaya tinanong ng babae ang may-ari kung bakit ganoon. Nang mabatid ng babae na ang mga prutas ng bunga ay nakakalason, kumuha ito ng isang piraso sa mga iyon. Sa pagitan ng hinlalaki at hintuturong mga daliri, pinisil ng babae ang prutas, binalatan at kinain.
Nakita ng nangpatuloy ang ginagawa ng mag-ina at natakot sila sa mangyayari, naroon sa kanilang mukha ang gulat at takot, hinihintay ang sunod na magaganap sa mag-ina. Subalit wala silang nakitang naganap sa mag-ina na ang akala nila sa prutas ay isang lason yun pala ay hindi. Kinalaunan, napag-alamang ang bisitang babae at paslit ay ang minamahal pala na Madonna at bata, na nagsukli ng kabutihan sa mainit na pagpapatuloy sa kanila ng may-ari ng bahay at ng puno ng lanzones.
Mula noon isa na sa kinagigiliwang prutas ang lanzones at lumaganap ito sa boong kapuluan.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento