Narito pa ang isang kuwento patungkol sa isang prutas o masasabing napaka sarap na prutas. Sinasabi rin ang prutas na ito ay wala kang itatapon mula sa dahon, bunga, katawan at lahat na ata ng parte ng prutas na ito. Ito’y napaka tanyag sa mga lugar na kapatagan o kabundukan man. Walang pinipiling lugar o panahon basta maitanim ito. Marami rin itong uri at laki ayon sa mga lugar at pinanggalingan. Mabisa rin itong pampalakas ng katawan. Ang sinasabi kong prutas ay ang “BUKO” o bunga ng niyog.
Ayon sa kuwento, noong unang panahon ay may isang pamilya na kabilang sa tribo ng mga Achote. Mayroon silang isang magandang anak na dahil sa ganda ay naging paborito ng lahat. Isang araw, ang magandang babaeng ito ay lubhang nauhaw at humiling na makainom ng katas mula sa isang espeyal na prutas. Bawa’t isa sa kanilang tribo ay sumubok na makita ang prutas na sinasabi ng dalaga, pero lahat sila’y nabigo sa paghahanap. Kinalaunan, nagkasakit ang babae at lumala ang sakit ng babae na siya nitong ikinamatay.
Ibinaon ng nagluluksang ama ang anak sa isang bulubunduking malapit sa kanilang lugar. Nilagyan niya ng batong palatandaan ang pinaglibingan at pinuno rin iyon ng mga bulaklak na dala ng mga tao.
Isang araw, napansin ng taong bayan na may kakaibang halaman na tumubo sa puntod ng babae. Inakala ng lahat na may kakaibang kapangyarihan ang puno kaya tinayuan nila ito ng bakod para magsilbing proteksyon nito mula sa paligid. Lumipas ang mga taon mula ng lumitaw ang halaman, ito ay tumaas hanggang sa umabot sa dalawampung talampakan; at may mga lumitaw na bungkos o grupo ng kakaibang mga prutas. Isa sa mga prutas na iyon ay bumagsak sa lupa at nabiyak. Tinawag ng pinuno ng tribo ang ama ng babae upang ipatikim dito ang nahulog na prutas. Tumanggi ang ama, pero hinikayat nito ang asawang babae na siya nang tumikim ng prutas.
Matamis pala iyon ang nasambit ng babae, kaya mula noon tinawag na ang bunga nito na “buko” at ito na rin ang naging pangalan at tawag dito hanggang ngayon. Mula sa punong ito maraming bagay ang nagawa at idinudulot sa tao.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento