May mga dahilan kung bakit ang isang tao ay magreretiro na sa trabaho, nariyan yung may-edad na, naka-ipon na ng halaga, pinahihinto na ng pamilya, hindi na kayang magtrabaho, nagkasakit at marami pang iba. Sa lahat ba ng nagreretiro sa trabaho ay nakahanda sa kanilang haharapin? Iba masasabing oo pero yung iba napipilitan lang.
Isa sa mga dapat nating paghandaan ay ang pagreretiro. Sa ngayon ay may sapat na lakas ka pa na kumayod. Pero darating ang panahon na wala na tayong gagawin kundi ang maupo mula umaga hanggang sa hapon. Kung talagang seryoso tayo na mamahinga na lamang at mag-enjoy pagdating nang tamang panahon, dapat ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na natin ito. Narito ang mga panimulang gawain upang mapaghandaan ang paghinto sa pinagkakakitaan.
Suriin ang iyong pinansyal na kalagayan – kung alam mo kung nasaan ka ngayon, hindi mahirap na bigyang direksyon ang iyong patutunguhan. Kung ikaw ay lubog sa utang ngayon, malamang ay hindi ka rin pakuya-kuyakoy pagdating ng iyong paghinto. Makakatulong ang paggawa ng iyong pansariling talaan ng iyong kinikita at ng mga nagamit na pera, kailangang malaman mo ito kasama yung kabuuang hawak na pera at nagamit. Kung iyong susuriing mabuti 70%-90% ang katapat na halaga sa iyong kinikita ang napupunta sa mga gastusin. Ibig sabihin yung natitirang 10% ay kailangang itabi mo o palaguin sa isang negosyo na nakalaan para sa iyong paghinto o pagreretiro.

Alamin ang iyong layunin sa pagreretiro – Ano ba ang ideya mo ng pagreretiro? Ang maupo at panoorin ang iyong mga apo na naglalaro. Sa iba, nais nilang bumiyahe. Ano ba ang layunin mo sa pagreretiro? Kung meron kang plano o ideya kung ano ang mga posibleng gastusin mo sa hinaharap ay maaari mo nang kalkulahin kung magkano ang iyong dapat na naitatabi para doon.
Magkaroon ng “malusog na pamumuhay” – kung maganda ang iyong pangangatawan sa iyong pagreretiro ay maaari mo ma-enjoy ang iyong bawat minuto. Ngayon pa lamang ay sunugin na ang mga taba sa katawan. Magsimula nang mag-ehersisyo o di kaya’y tumigil na sa paninigarilyo. Hindi lamang pera ang dapat na pagtuunan ng pansin kundi ang pagkakaroon ng balansyadong buhay upang hindi ka maratay sa banig sa pagdating ng panahon.
Kausapin ang inyong kompanya upang malaman kung may retirement plan ba para sa mga empleyado. Kung ikaw ay namamasukan sa isang kompanya, alamin kung ito ay naglalaan ng pension o retirement plan sa mga empledayo. Alamin kong ano ang mga nakapaloob sa inyong pension o retirement plan. Hindi lahat ng kompanya ay nagbibigay ng ganitong benepisyo. Kung hindi man nagbibigay ang kompanya, ating responsibilidad na maglaan ng maliit na halaga upang paghandaan ang pagreretiro. Maaari rin tayong magbigay ng rekomendasyon sa ating mga kompanya na magtaguyod ng retirement fund ngunit ito ay isang masalimuot na proseso.
May ilan pa akong nakikitang paraan para mapaghandaan ang pag reretiro, pero sa sunod na natin ito pag-uusapan. Hayaan natin ang naunang apat ay ating limiin at pag-aralan para sa ating sarili. Kaya kayo diyan simulan ang pagpaplano tungkol sa pagreretiro ngayon… hindi doon sa panahon na hindi na natin kaya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento