Marami ang agad ay maiisip na pweding mangyari ito na milyon na nagmula sa sampung piso “siempre ang nasa isip agad ay nanalo sa lotto o anumang tinayaang sugal o ano. Pero malayo sa ibig kong ipahatid sa inyo na posebling maganap na yung sampung piso mo ay magiging milyon kung gagamitin lang natin ang utak natin sa pag-iimpok ng pera sa araw araw. Hoyyyy luma na yang style mo hindi epektibo yan, siguro nga hindi epektibo sa mga makikitid ang utak..
Meron akong nabasa na nagtatanong “Magkano ba ang dapat kong itabi? Para maka-ipon ng pera. Narito ang isang panuntunan para dito, pero para sa akin 20% ang kinakailangan ng isang tao na itabi sa oras na magkaroon siya ng hawak na pera. Ganito kasi ang karaniwang ginagawa natin: ANG KINITA MO – MGA GASTUSIN = PERANG DAPAT ITABI (mali ang ganitong panuntunan, meron namang ganito MGA GASTUSIN – KINITA MO = UTANG MO (mas lumala ang sitwasyon) and tamang panuntunan ay ganito: ANG KINITA MO – PERANG DAPAT ITABI = MGA GASTUSIN.
Dapat kang magtabi ng 15-20 % ng iyong buwanang kita bago mo ito gastusin. Malamang sasabihin mong hindi kaya ang ganon kasi kulang ang kinikita. Subalit hindi mo ba napapansin na kapag kumikita ka nang malaki-laki – halimbawa 20,000 sa isang buwan – kadalasay nagagastos mong lahat, ngunit kapag mas maliit ang iyong kinita – halimbawa 15,000 lang – napipilitan kang pagkasyahin ito sa iyong mga pangangailangan? Ang ibig sabihin kaya mo naman talagang magtabi ng 15-20% o higit pa at pagkasyahin na lang ang natitirang 80%. Sa ganitong paraan, mapipilitan kang mamuhay nang nakabatay sa iyong kinikita – mapipilitan kang bawasan ang mga gastusing hindi naman talaga kailangan. Ituring mo na lang itong 15-20% na bayad sa iyong sarili, na gagamitin mo para mapaghandaan ang iyong kinabukasan.
Balik tayo doon sa sampung piso na ating pinag-uusapan, ang maitatabi mong 10 peso kada araw ay lalago ng 300 peso sa isang buwan. Basta kapag ginagawa mo ito huwag na huwag mong itong gagalawin o gagastusin. Kung magagawa mong i-invest ito posibilidad na kumita ito ng 12% sa maayos na paraan. Kung hindi mo ito gagalawin at hahayaan mo lang lumago, magkakaroon ka ng 66,600 sa loob lamang ng 10 taon at maaaring maging milyon kung pananatilihin mo yung nauna mong panuntunan na hindi gagalawin o gagastusin ito.
Subalit ito ang medyo sakit natin kaya hindi maka-ipon nagagastos ang sinasabing iniipon at sabi ibabalik na lang, pero kadalasan hindi na ito nagagawang ibalik. Kaya ang nararapat dito ay yung determinasyon at tiyaga.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento