Martes, Oktubre 1, 2013
Sino Si Ben Payat
Isang anak nang pagkadalaga,na hindi nakayang alagaan ng ina at itoy pinagkatiwala sa kanyang lola at mga tiyahin, Mula pagkamusmos ay dumanas siya ng maltrato mula sa kanila, kahit na sya ay apo, nasa isip nila na kasalann daw niya kaya di nakapagtapos ng pag-aaral ang ina. Lagi siyang napapalo ng lola nito, konting mali ay may parusa sa batang musmos, kahit mga tiyahin, galit sila sa kanya, ang tanging kakampi nya ay ang lolo nito.
Dumating ang pasukan at nagmakaawa siya na pumasok, napilit ng lolo nito ang lola niya na papapasukin siya, ngunit dapat bago pumasok si Ben ay kailangan makaigib at magawa nya ang trabaho sa kusina, dahil sa kagustuhan makapag-aral ginawa ni Ben ang pag igib, paghugas ng pinag kainan, pakainin mga hayop na alaga nila, pasok siya sa paaralan na ang baon ay piso lamang, ang dmit ay nag iisang pares na uniporme at minsan ang tsinelas nito ay magkaiba ang dahon, lahat ay naawa sa kanya kasi alam nila ang buhay niya, naging magkaibigan kami, at dahil mabait siyang bata, lagi namin share sa kanya mga baon na pagkain at makikita talaga ang gutom nito, napakatalino niya, lagi kaming habulan sa bawat exam.
Ganuon ang buhay na umimnog kay Ben. Walang pakialam sila lola at tita niya, tanging ang lolo ang laging nagmamahal sa kanya, natutuwa sa mataas na marka ng apo,
Dahil sa siwasyon nya sa bahay nila, nabuhos ang isip nya sa pag-aaral, sa school niya kasi nakikita ang pagmamahal ng pamilya na wala sa kanya, ngunit kailan man ay di siya nagtanim ng galit sa lola at mga tiyahin,
Dumaan ang pagtatapos ng elementarya at naging salutatorian siya, lalong nakakaiyak kasi wala man lang dumating sa pamilya nito dahil may inasikaso ang lolo niya, ganun paman ay masayang umakyat ng entablado si Ben payat, may ngiti at lahat kami ay nagpalakpakan, lumapit siya sa akin at bumati, sinabi niya na baka di siya makapag high school dahil ayaw ng lola magastos daw kaya papasok siya sa pagawaan ng hallow blocks, nag iyakan kaming dalawa lalo na at ipapadala ako sa UPang para mag aral, linggo magkasama kami pumunta sa gawain sa church(born again)nang kausapin siya ng head pastor na napili siya sa schoolarship ng kongregasyon, ang tuwa sa kanyang mukha, ayaw pumayag ng lola nito, ngunit napilitan din.
Umalis ako at tanging text kami nagkaugnayan, pasok sa highschool, pag hapon ay nasa hallowblock si Ben, para ibigay sa lola na gahaman ang kita, 9 ng gabi nagtitinda ng balot para may pera siya pag may project.
Wala siyang kapaguran, at lalong naging malapit siya sa Dios.
Pag bakasyon umuuwi ako ay di maubos ubos ang kuwento niya. Walang pagbabago sa maltrato ng lola niya sa kanya, at ang ina ay tuluyan na siyang kinalimutan.
Nakapagtapos siya ng high school at dahil matataas ang marka, scholar parin siya sa University sa umaga, pag hapon sa hallowblock, at balot sa gabi para pantustos niya sa mga project nya.
Halos di na siya nagpapahinga.
Mabilis na lumipas ang taon at nakapagtapos siya bilang summa cum laude.
At doon ay nakita ng lola niya kung sino na si Ben, naiyak ang lola nito at nagsisi sa mga ginawa niya sa apo. Year 2011 nang umuwi ako. At siya po ang tinanghal bilang panauhing pandangal ng aming paaralan.
Lahat ay naiyak habang nagsasalita sa taas ng entablado.
Nagpasalamat siya sa lola niya at sa kahirapan na kung saan iyon ang naging lakas niya para iahon ang sarili.
Nagpasalamat siya sa simbahan na kung saan sila ang tumugon sa schoolarship niya. Sinabi niya na walang imposible basta may tiwala ka sa Dios at sarili. Lahat ay umiyak, sino nga ba ang magsasabing siya si Ben, ang batang payat, isang uniporme, naglalako ng balot, at gumgawa ng hallowblocks, minamaltrato ng lola, tsinelas ay magkaiba ang dahon dahil sa wala siyang pambili.
Ngayon isa nang professor sa U.P.
Lahat kaming kaklase niya ay yakapan ng magkita kita, may mga nahihiya sa kanya pero sabi nya ako parin ito, si Ben payat..
Isang batang akala ng marami ay matutulad sa ina, Ngunit lahat ay nagkamali. Mga anak ofw sana mabasa nyo ito. At makita ninyo ang rason kung bakit mga magulang ay nandito ngayon sa ibang bansa.
Huwebes, Abril 24, 2008
Buhay Eskwela (Tatapusin na)
Simulan natin sa ika-apat na baitang ang guro namin noon ay si Mr. Davis, siya yung asawa ng guro namin sa unang baitang. Ang apat na baitang ay binubuo dalawang seksyon ang 4A at 4B, muli magkasama kami ni Kuya Tony, pareng Pogi, Divina, Cristy, lahat ng mga ito ay mga pinsan buo ko at lahat kami ay nakatira sa Pook. Sa totoo lang naging madali lang ang buhay ko rito sapagkat nagkaroon ako ng karangalan dito, bilang pinaka masipag sa aming klase sapagkat ang guro namin at may alagang kambing na kami ni Kuya Tony ang haliling nag-aalam nito. Minsan naman pinag-lilinis kami ng bakuran nila. Siempre hindi lang naman yun, sa klase medyo nakakasagot din naman ako. Noong mga panahong yaon hindi pa uso yung mga medal kundi ribbon lang at nakalagay doon kung saan ka naging mataas ang grado. Dito nagsimula yung medyo nagiging magulang na ako sa mga ginagawa.
Martes, Abril 22, 2008
Buhay Eskwela (Ikatlong Bahagi)
isang karanasan na sabi ng iba hindi maiiwasan. Bakit ko malilimutan eh talaga namang nakakahiya ang nangyari. Bago pa mag-ikapito ng umaga naroon na kami ni Kuya Tony sa eskwelahan, maayos kaming nakarating, kasi naman maganda ang umaga, nag-almusal, naligo ayon sa araw-araw na kasanayan ng isang eskwela. Ang panahon naman ay napaka ganda ng sikat ng araw hindi masakit sa balat ang tama nito sa balat. Natapos ang umagang laging ginagawa bago pumasok sa silid-aralan, ganap na 10:30AM doon nagsimula ang bagay na yaon. Naramdaman ko na biglang sumakit ang aking tiyan, talaga namang di ko matiis ang sakit, kinalabit ko si Kuya Tony para ipa-alam ang aking nararamdaman, sabi niya tiisin ko raw muna, pero di ko na matiis, kinalabit ko ulit siya, sabi niya punta raw ako sa CR.Lunes, Abril 21, 2008
Buhay Eskwela (Ikalawang Bahagi)
Dito sa ikalawang baitang naging pang-lima ulit ako sa pamumuno ng
Sabado, Abril 19, 2008
Buhay Eskwela (Unang Bahagi)
eksited ba ga, kasi magkakapera na dahil ng baon - yun ang unang obligasyon ng magulang sa isang eskwela. Sa panahon namin hindi pa nau-uso yung dadaan ang bata sa kinder-garten, preparatory ewan ko lang baka sa baryo lang namin wala o siguro nakalimutan ko lang kasi nalibang ako sa kakalaro. Ako talaga, hinintay ko ang maging 7 taon ako bago nagsimulang mag-aral siguro dahil ako'y bansot o maliit tignan, bakit ko nasabi kasi yung tito ko si Kuya Tony at ibang mga pinsan ko 6 na taon lang sila abay tinanggap na kasi malalaking bulas sila.Sa unang araw pala hindi agad mag-tuturo ang guro patungkol sa aralin, pinapila kami sa labas upang umawit ng "bayang magiliw" ay mali pala "lupang hinirang", sensya na eksited eh. Ang problema nito di ko kabisado ang lupang hinirang ito pala yung dapat unang malaman ng isang eskwela at isang Pilipino, kaya sumabay na lang ako upang di ako mahalata. Pagkatapos nito may isa pa palang gagawin ito yung pagsasabi ng "panatang makabayan" sa totoo lang walang nag-sabi sa akin nito kaya tameme na naman ako. Akala ko pagkatapos noon punta na kami sa silid aralan kasi eksited na ako, pero mali na naman ang akala ko, nanatili kami sa labas ng harap ng silid aralan at narinig ko ang boses ng guro umupo lahat at mag-bunot ng damo. Sa isip ko natanong ko nasaan ba ako?, sa bukid o eskwelahan, ganito ba talaga ang maging eskwela kasi ang pagkaka-alam ko aral lang gagawin ko dito. Tumagal kami roon ng dalawang oras ibig sabihin medyo mainit na ang sikat ng araw, muli narinig ko ang boses ng guro nagsasabing pumasok na sa silid aralan. Napabuntong hininga ako, ay salamat natapos din sa bukid...
Kung titingnan ko ang oras ay wala pala akong orasan sa kamay noon kasi bata pa ako. Mga alas 7:30 nagsimula ang plag seremoni tapos dalawang oras na nagdamo ibig sabihin 10:00 na kami mag-sisimula ng aralin. At ganon nga ang nangyari nagsimula kami sa pagtawag ng mga atendans siguro nakaka-upo pa lang ako at katutuyo pa lang ng pawis ko sa likod at katatapos lang ding magtawag ng guro sa atendans nag-bel na ulit para sa tapusan ng klase sa umaga yun pala 11:30 na. Hinanap ko ang pinag-aralan namin, wala pa.. Siguro ganito lang kasi umpisa pa lang....
