Hayaan nyong I-share ko ang isang kwento na hango sa post ng kaibigan ko sa FB. Ito ay ini-aalay sa mga hindi pa nababasa at para na rin sa mga magulang at anak.
Huwebes ng hapon noon, galing ako sa isang birthday party… pagkatapos tumunga ng dalawang bote ng beer ay nagpaalam na ako…. mukha kasing uulan, ayokong maabutan ng ulan sa daan. Anak ng pitong kamalasan, tumirik ang kotse ko sa daan… no choice kailangan kong bumaba para ayusin ang
makina. Sobrang malas talaga at naiwan ko ang gamit ko, nag uumpisa ng pumatak ang ulan… kung bakit kasi hindi agad sinauli ng kumpare ko na nanghiram ang mga gamit ko sa pag-aayos ng kotse. May natanaw akong isang bahay, nagbakasakali akong tumawag… lumabas ang isang matandang lalaki, siguro mga 70 yrs old na…
“ Magandang hapon po, ‘tay, nasiraan po kasi ako eh, di ko po nadala ang gamit ko baka po may lyabe kayo at pliers diyan?” ngumiti sya sa akin, maya maya at bumalik at may bitbit na bag at dalawang payong, iniabot sa akin.
Sumama pa sya sa akin sa aking kotse… malaki ang diperensya, mukhang tinamaan nga ako ng napakalaking malas. Inaya ako ng matandang magkape muna sa kanila, medyo malamig nga at basa na rin ako ng ulan kaya sumama ako.
Pagpasok namin ng bahay ay nakita ko na hindi maayos iyon… sabi nya pasensya na daw ako kasi nag-iisa sya. Roman daw ang pangalan nya, dating jeepney driver. Umupo ako sa sala, maalikabok yun… pumunta sa kusina ang matanda siguro magtitimpla ng kape, ayoko na sana kasi iika-ika na sya, hindi na masyadong makalakad pero mapilit si mang Roman. Nakita ko sa dingding ang mga nakakwadrong larawan… siguro family picture nila yun, sa ibaba ay picture ng lalaking nakatoga katabi nito ang isang kwadro rin ng babaeng nakatoga din… siguro mga anak nya. Malinis ang mga kwadro, halatang kapupunas pa lang at parang ayaw maalikabukan man lang.
Tama ako, sabi ni mang Roman anak nga daw nya yun. Inilapag nya ang kape, medyo hindi malinis yung mug pero nakakahiya naman kung tatanggihan ko at isa pa nilalamig na rin ako at malakas ang ulan, gusto ko ring mainitan ang sikmura.
“ kung gusto mo anak… ano nga ba uli pangalan mo? “ tanong nya sa akin, “ Jun po”, sagot ko naman. “ kung gusto mo Jun eh sayo na lang yang mga gamit ko, wala na rin namang gagamit nyan dito… gamit ko dati yan ng driver pa ako ng dyip pero mahina na ako ngayon Jun, di ko na kaya na magdrive pa uli.”
“ naku wag na po, meron po ako may humiram nga lang kaya di ko nadala, asan po mga anak nyo?” tanong ko.
“ Si Danny, Engineer ko yan… may pagmamalaking itinuro ang litrato sa ding-ding… nasa Saudi na ngayon, yan naman babae sa litrato si Juvie yan… nakapag asawa ng taga Davao at doon nananirahan… yun naman asawa ko limang taon na akong iniwan, nag-iisa na lang ako dito eh… kahit nga mahirap kinakaya ko. Itong bahay na ito kasi ang kaisa-isang ala-ala ko sa aking pamilya, dito ko binuhay ang asawa ko at ang dalawa kong anak.
Pinagbili ko na rin yung jeep ko, okay na naman napatapos ko na ang dalawa kong anak at may maganda na silang trabaho, may sarili na rin silang pamilya at bahay, maayos na ang buhay nila”.
“ Hindi po ba sila dumadalaw dito, I mean po… sino pong tumitingin sa iyo dito, mahirap po ang mag-isa lalo na at may edad na kayo?”
“ isang taon na siguro na walang dumadalaw sa akin dito, minsan tumatawag naman sila sa telepono… kahit nga di ko masyado ginagamit yang telepono eh ayaw ko ipaputol ang linya, araw-araw naghihintay ako sa tawag nila… yung kahit boses lang nila masaya na ako, basta maramdaman ko lang na naaalala nila ako. Mababait naman ang mga anak ko, buwan-buwan may natatangap akong pera sa bangko, pero di ko naman ginagalaw… pag-namatay ako kasama yun sa ipapamana ko sa mga apo ko. Yung kapitbahay jan sa kabila, tuwing umaga binibisita nila ako at dinadalhan ng pagkain, nagbibigay na lang ako sa kanila ng konting pera pamalengke”.
“Hindi po ba kayo nahihirapan?”
“ mahirap iho, lalo na pagnakakaramdam ako ng pananakit ng katawan… pero siguro ito ang buhay ko, pag may masakit sa akin iniisip ko na lang na bunga ito ng walang tigil kong pagtratrabaho noon upang mapatapos ko ang mga anak ko tapos mawawala na ang sakit. Yung ala-ala ng masayang buhay namin noon ang gumagamot sa akin, sana nga lang minsan maalala naman nila akong dalawin dito, gustong-gusto ko na rin silang makita lalo na ang mga apo ko. Masarap siguro yung mga araw na kasama ko sila dito, alam mo ba si pareng Kanor diyan sa kabila, hindi nya napag-aral ang mga anak nya kaya hanggang ngayon sa kanya pa rin nakatira… kaya lagi nyang kasama yung mga anak nya at mga apo…. Mahirap yung buhay nila, minsan walang trabaho ang mga anak nya… yun ang ayaw kong mangyari sa mga anak ko, gusto ko maayos ang buhay nila… pero alam mo, Masaya si pareng Kanor, lagi ko syang naririnig na tumatawa kalaro ang mga apo nya… minsan naiingit ako,
iniisip ko na lang na mas masaya ang mga apo ko sa buhay nila ngayon”.
“ paano po pag may sakit kayo, sino po ang tumitingin sa inyo?”
“ kapitbahay Jun, sa kanila na rin ako nagpapabili ng gamot… sapanahon na may sakit ako doon ako nakakaisip ng matinding depresyon at pangungulila, sa totoo lang ay nagtatampo ako sa mga anak ko, pagkatapos ko silang mahalin at bigyan ng magandang buhay ay hindi na nila ako naalala na dalawin dito… kahit dalaw lang o tawag sa telepono, yung marinig ko lang na…. o tatay buhay ka pa ba? masaya na ako nun… pero iniisip ko rin na responsibilidad ko na bigyan sila ng magandang buhay at papagtapusin ng pag-aaral at responsibilidad ko rin na maging mabuting ama sa kanila… alam
ko hindi na magtatagal at magkakasama na rin kami ng asawa ko, hiling ko lang na sana bago mangyari yun ay makasama ko ang mga anak at apo ko.”
“ ayaw nyo po bang tumira sa kanila?”
“ magiging pabigat lang ako sa kanila, ayaw kong bigyan ng isipin ang ang mga anak ko, dito na lang ako sa lumang bahay namin, bibilangin ang mga patak ng ulan, siguro pagkatapos ng isang libong tag-ulan maalala na rin nila akong dalawin dito. Alam mo bang birthday ko ngayon Jun? kaya matyaga akong naghihintay ng tawag nila. Kung hindi naman sila makatawag iisipin ko na lang na siguro ay busy sila sa kanilang buhay… mahirap kumita ngayon at kailangan nilang magtrabaho ng hindi naabala”.
Napalunok ako saa king mga narinig, naawa ako sa kanya…
“ Ikaw Jun, may magulang ka pa ba?
“ Nanay ko na lang po, nasa Bukidnon kasama ng isa niyang kapatid.” “ kailan mo sya huling dinalaw?” tanong nya… hindi ako nakapagsalita, huli akong pumunta sa Bukidnon noong pasko… malapit na naman ang pasko hindi pa uli ako nakakapunta doon.
“ sana madalaw mo uli ang iyong magulang Jun, sigurado ako… gustong-gusto ka na nyang makita katulad ng kagustuhan kong makita ang mga anak at apo ko… subukan mo, alam ko magiging maligaya sya”
Tumila na ang ulan, nagpaalam na ako, nagpasalamat… nagpasalamat din sya sa akin, nakita ko sa mga mata nya na talagang sabik sya sa kausap, sabi nya ay magkwentuhan pa kami habang hinihintay ang tawag ng mga anak nya pero dumating na yung hihila sa kotse ko papunta sa talyer.
Nangako na lang ako na dadalawin ko sya pag may libreng oras ako. Dalawang lingo ang dumaan at naisipan ko uling dalawin si mang Roman pero sarado na ang bahay… nagtanong ako sa kapitbahay nila at nalaman ko na namatay na si mang Roman tatlong araw ang nakakalipas, pagkatapos paglamayan ng dalawang araw ay dinala na ng mga anak nya si mang Roman at pina-cremate. Aalis na sana ako pero pinigilan ako ni mang Kanor, iniabot nya sa akin ang isang bag, yun ang bag na pinahiram sa akin ni mang Roman…
“ bilin ni Roman ay ibigay ko raw sa iyo kung sakaling babalik ka, kakailangan mo daw ito sa pagbalik mo sa Bukidnon, baka ka daw masiraan sa daan”. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko, ramdam na ramdam ko ang pangungulila ni mang Roman sa kanyang mga anak at apo.
Nagdesisyon ako, magfifile ako ng leave… uuwi ako sa Bukidnon para dalawin ang nanay ko, tama si mang Roman tiyak matutuwa yun pag nakita ako.
Mensahe ng isang magulang:
Anak.., kung nasaan ka man sana maalala mo ako
Sana dalawin mo ako kahit minsan lang.
Sabik na akong makasama at makausap kang muli.
Kung may pagkukulang man ako… patawad anak,
Gusto kong malaman mo… mahal kita higit sa pagkakaalam mo...
Sa mga anak n katulad ko:
Pangalan pong nabanggit ay di po alam kung totoong pangalan ng taong gumawa nito ang layunin ko lang po ay maipahatid ang aral na dala nito. Sana po makatulong.
Linggo, Nobyembre 17, 2013
Linggo, Nobyembre 3, 2013
Siguro Nga Ganon
Hango ito sa isang post sa friends ko sa FB..
Sinulat ko 'to, para maintindihan ninyo kaming mga lalaki. Oo, may mga pagkakataon talaga siguro na medyo salbahe na ang mga asta naming mga lalaki. Siguro may mga times na medyo nakakasakit na kami ng damdamin ng iba. Marahil nakaka-panakit na kami sa emosyonal o pisikal na paraan pero para sa'min katuwaan lang. Siguro nga hindi kami maiiyak kapag nagkwento ka ng nakakaiyak. Siguro nga hindi namin maiintindihan kung bakit paminsan-minsan ang moody niyong mga babae. Siguro nga mga manloloko kami. Manggagamit. Manyak. Nagmumura. Maiingay. Magulo. Gago. Tarantado. O kung ano pang mga pang-skwater na katangian.
Pero minsan din naman kasi nasasaktan kami. Lalong lalo na kapag sinabi ng babae na "Pare-pareho
lang ang mga lalaki." Siguro naranasan ninyo na talaga yung feeling na mapagbintangan kahit wala ka namang kasalanan. Pero ibang usapan 'to. Hindi mo naman kasi kilala lahat ng lalaki eh,
ba't mo dinadamay ang mga lalaking tapat at seryoso talaga? Bakit mo dinadamay ang mga dating manloloko na ngayon ay nagbago na. Diba? Think of it, hindi ibig sabihin na niloko ka ng isa,
eh manloloko na ang lahat. Common sense. Hindi magkaka-connect ang mga ugali naming mga lalaki.
Iba iba kami. Inaamin ko. Hindi ko pinagmamalaki na nagkaroon na ako ng girlfriend. Pero
sa lahat ng naging girlfriend ko, siguro kakaunting beses pa lang ako nagseryoso. Kasi alam ko namang hindi ko magiging asawa yung babae dahil bata pa kami kaya ayoko pang ibigay ang
lahat. Pero tulad ngayon na single ako. Masaya kasi walang limitations at magseselos diba. Pero pag nakakakita ako ng mga magkarelasyon na masaya, holding hands at nagtatawanan, lagi na
lang tumatakbo sa isip ko na kailan kaya ako makakakuha ng ganong relasyon?
Nakakahiya mang sabihin, kaming mga lalaki, gusto pa din namin ng mala-fairytale na love life. 'Yung tipong legal kayo sa mga magulang ninyo. 'Yung kahit para lang kayong magbestfriend. 'Yung may magseselos pero pag sinuyo mo, ngingiti na ulit. Hindi yung nagselos lang, break agad. Gusto namin yung sabay na pupunta ng Mall para manood ng sine. Sabay kakain. 'Yung less text at mas madaming pagkakataon magkita. 'Yung wala na kayong hahanapin pang iba, kundi ang isa't isa lang.
'Yung tipong nagkakaintindihan sa mga maliliit na bagay. 'Yung pilit kumakapit. 'Yung perfect. Tandaan ninyo lagi 'to mga girls, ang isang manloloko/playboy, may goodside yan. Kasi once na mahalin ka niyan, siguradong mahal ka niya talaga. At tandaan ninyo din na ang mga manloloko, PWEDENG MAGBAGO
Martes, Oktubre 1, 2013
Sino Si Ben Payat
Hango po sa isang kuwento na ibinigay sa akin ng isang kaibigan... from FB.. REPOST para sa lahat.
Isang anak nang pagkadalaga,na hindi nakayang alagaan ng ina at itoy pinagkatiwala sa kanyang lola at mga tiyahin, Mula pagkamusmos ay dumanas siya ng maltrato mula sa kanila, kahit na sya ay apo, nasa isip nila na kasalann daw niya kaya di nakapagtapos ng pag-aaral ang ina. Lagi siyang napapalo ng lola nito, konting mali ay may parusa sa batang musmos, kahit mga tiyahin, galit sila sa kanya, ang tanging kakampi nya ay ang lolo nito.
Dumating ang pasukan at nagmakaawa siya na pumasok, napilit ng lolo nito ang lola niya na papapasukin siya, ngunit dapat bago pumasok si Ben ay kailangan makaigib at magawa nya ang trabaho sa kusina, dahil sa kagustuhan makapag-aral ginawa ni Ben ang pag igib, paghugas ng pinag kainan, pakainin mga hayop na alaga nila, pasok siya sa paaralan na ang baon ay piso lamang, ang dmit ay nag iisang pares na uniporme at minsan ang tsinelas nito ay magkaiba ang dahon, lahat ay naawa sa kanya kasi alam nila ang buhay niya, naging magkaibigan kami, at dahil mabait siyang bata, lagi namin share sa kanya mga baon na pagkain at makikita talaga ang gutom nito, napakatalino niya, lagi kaming habulan sa bawat exam.
Ganuon ang buhay na umimnog kay Ben. Walang pakialam sila lola at tita niya, tanging ang lolo ang laging nagmamahal sa kanya, natutuwa sa mataas na marka ng apo,
Dahil sa siwasyon nya sa bahay nila, nabuhos ang isip nya sa pag-aaral, sa school niya kasi nakikita ang pagmamahal ng pamilya na wala sa kanya, ngunit kailan man ay di siya nagtanim ng galit sa lola at mga tiyahin,
Dumaan ang pagtatapos ng elementarya at naging salutatorian siya, lalong nakakaiyak kasi wala man lang dumating sa pamilya nito dahil may inasikaso ang lolo niya, ganun paman ay masayang umakyat ng entablado si Ben payat, may ngiti at lahat kami ay nagpalakpakan, lumapit siya sa akin at bumati, sinabi niya na baka di siya makapag high school dahil ayaw ng lola magastos daw kaya papasok siya sa pagawaan ng hallow blocks, nag iyakan kaming dalawa lalo na at ipapadala ako sa UPang para mag aral, linggo magkasama kami pumunta sa gawain sa church(born again)nang kausapin siya ng head pastor na napili siya sa schoolarship ng kongregasyon, ang tuwa sa kanyang mukha, ayaw pumayag ng lola nito, ngunit napilitan din.
Umalis ako at tanging text kami nagkaugnayan, pasok sa highschool, pag hapon ay nasa hallowblock si Ben, para ibigay sa lola na gahaman ang kita, 9 ng gabi nagtitinda ng balot para may pera siya pag may project.
Wala siyang kapaguran, at lalong naging malapit siya sa Dios.
Pag bakasyon umuuwi ako ay di maubos ubos ang kuwento niya. Walang pagbabago sa maltrato ng lola niya sa kanya, at ang ina ay tuluyan na siyang kinalimutan.
Nakapagtapos siya ng high school at dahil matataas ang marka, scholar parin siya sa University sa umaga, pag hapon sa hallowblock, at balot sa gabi para pantustos niya sa mga project nya.
Halos di na siya nagpapahinga.
Mabilis na lumipas ang taon at nakapagtapos siya bilang summa cum laude.
At doon ay nakita ng lola niya kung sino na si Ben, naiyak ang lola nito at nagsisi sa mga ginawa niya sa apo. Year 2011 nang umuwi ako. At siya po ang tinanghal bilang panauhing pandangal ng aming paaralan.
Lahat ay naiyak habang nagsasalita sa taas ng entablado.
Nagpasalamat siya sa lola niya at sa kahirapan na kung saan iyon ang naging lakas niya para iahon ang sarili.
Nagpasalamat siya sa simbahan na kung saan sila ang tumugon sa schoolarship niya. Sinabi niya na walang imposible basta may tiwala ka sa Dios at sarili. Lahat ay umiyak, sino nga ba ang magsasabing siya si Ben, ang batang payat, isang uniporme, naglalako ng balot, at gumgawa ng hallowblocks, minamaltrato ng lola, tsinelas ay magkaiba ang dahon dahil sa wala siyang pambili.
Ngayon isa nang professor sa U.P.
Lahat kaming kaklase niya ay yakapan ng magkita kita, may mga nahihiya sa kanya pero sabi nya ako parin ito, si Ben payat..
Isang batang akala ng marami ay matutulad sa ina, Ngunit lahat ay nagkamali. Mga anak ofw sana mabasa nyo ito. At makita ninyo ang rason kung bakit mga magulang ay nandito ngayon sa ibang bansa.

Martes, Setyembre 10, 2013
Ang Drama Ng Isang OFW
Sa may asawa, kapatid, anak, kaibigan, at kamag-anak na OFW.At lalo na sa mga gustong mangibang-bansa...Nais ko rin ibahagi sa inyo, ang natanggap kong email na ito.Maaaring makatulong ito upang lalong maintindihan ng bawa't isa ang tunay na ibig sabihin ng pagiging isang OFW (Isa ako sa milyun-milyong kababayan natin). Tiyak na may mapupulot tayong aral dito.
Hindi mayaman ang OFW - We have this notion na 'pag OFW o nasa abroad ay mayaman na. Hindi totoo yun. A regular OFW might earn from P20K-P30K per month depende sa lokasyon. Yung mga taga-Saudi or US siguro ay mas malaki ang sweldo, but to say that they're rich is a fallacy (Amen!).Malaki ang pangangailangan kaya karamihan sa amin ay nag-a-abroad. Maraming bunganga ang kailangang pakainin kaya umaalis kami sa Pinas. Madalas, 3/4 o kalahati ng sweldo ay napupunta sa tuition ng anak at gastusin ng pamilya.
Mahirap maging OFW - Kailangan namin magtipid hangga't kaya. Oo, masarap ang pagkain sa abroad pero madalas na paksiw o adobo (hindi kc agad nasisira ito) at itlog lang tinitira para makaipon. Pagdating ng kinsenas o katapusan, ang unang tinitingnan eh ang conversion ng peso sa dollar o rial o euro. Mas okay na kami na lang ang magutom kaysa gutumin ang pamilya.
Kapag umuuwi kami, kailangan may baon/pasalubong kahit konti, kasi maraming kamag-anak ang sumusundo sa airport o naghihintay sa probinsya. Alam nyo naman 'pag Pinoy, yung tsismis na OFW ka eh surely attracts a lot of kin. Kapag hindi mo nabigyan ng pasalubong eh magtatampo na yun at sisiraan ka na.
Well, hindi naman lahat pero I'm sure sa mga OFW dito eh may mga pangyayaring ganun.
Magtatrabaho ka sa bansang iba ang tingin at trato sa gaya nating mga Pinoy, kahit na masipag at mas may utak tayo kaysa sa kanila. Malamang marami ang naka-experience na nang pang-gugulang o discrimination to their various workplaces. Sige lang, tiis lang, iiiyak na lang namin kasi kawawa naman pamilya 'pag umuwi kami sa pinas.
Besides, wala ka naman talagang maasahang trabaho sa Philippines ngayon. Mahal ang bigas, ang gatas, ang sardinas, ang upa sa apartment. Tiis lang kahit maraming pasaway sa trabaho, kahit may sakit at walang nag-aalaga, kahit hindi masarap ang tsibog, kahit pangit ang working conditions, kahit delikado, kahit mahirap. Kapag nakapag-padala na kami, okay na yun, tawag lang, "hello! kumusta na kayo?".
Hindi bato kaming mga OFW - Tao rin ang OFW, hindi kami money o cash machine. Napapagod rin, nalulungkot (madalas), nagkakasakit (na-endoscopy ako), nag-iisip (nakapag-adjust na) at nagugutom (palagi). Kailangan din ang suporta, kundi man physically, emotionally o spiritually (especially ito) man lang.
Tumatanda rin kaming mga OFW - Sa mga nakausap at nakita ko, marami ang panot at kalbo na. Most of them have signs and symptoms of hypertension, coronary artery disease and arthritis. Yet, they continue to work thinking about the family they left behind.
Marami ang nasa abroad, 20-30 years na, pero wala pa ring ipon. Kahit anong pagpapakahirap, sablay pa rin. Masakit pa kung olats rin ang sinusuportahang pamilya sa Pinas - ang anak adik o nabuntis/nakabuntis; ang asawa/gf/bf may kinakasamang iba; ang kapatid nakuntento na lang na umasa at tumambay. Naalala ko tuloy ang sikat na kanta dati, "NAPAKASAKIT KUYA EDDIE!"
Bayani kaming mga OFW - Totoo yun! Ngayon ko lang na-realize na bayani ang OFW sa maraming bagay. Hindi bayani na tulad ni Nora Aunor o Flor Contemplacion. Bayani in the truest sense of the word. Hindi katulad ni Rizal o Bonifacio na kalayaan ang ipinaglaban. Mas higit pa dun, mas maraming giyera at gulo ang pinapasok ng OFW para lang mabuhay.
Mas maraming pulitika ang kailangang suungin para lang tumagal sa trabaho lalo na't parang mga ahas at parang mga amag ang mga kasama sa trabaho. Mas mahaba ang pasensya namin kaysa sa mga ordinaryong kongresista o senador sa Philippines dahil sa takot namin na mawalan ng trabaho at sweldo.
Matindi kaming mga OFW - Matindi ang pinoy. Matindi pa sa daga, o cockroaches which survived the cataclysmic evolution.
Maraming sakripisyo pero walang makitang tangible solutions or consequences.
Malas naming mga OFW, swerte ng mga buwayang pulitiko - Hindi umuupo ang OFW para magbigay ng autograph o interbyuhin ng media (unless nakidnap o na-maltrato). Madalas nasa sidelines lang ang OFW.
Kapag lilisan ng bansa, malungkot and on the verge of tears; Kapag dumadating, swerte 'pag may sundo (madalas naman meron); Kapag naubos na ang ipon at wala nang maibigay, wala na rin ang kamag-anak. Sana sikat kaming mga OFW para may boses kami sa Kamara.
Ang swerte ng mga buwayang pulitiko nakaupo lang sila at ginagastusan ng pera ng Filipino. Hindi nga sila naiinitan ng matinding araw o napapaso ng langis; napagagalitan at nasasampal ng amo; kumakain ng paksiw para makatipid; nakatira sa compound with conditions less than favorable; nakikisama sa ibang lahi para mabuhay. Ang swerte ninyong mga buwayang pulitiko kayo, sobrang swerte ninyo.
Matatag kaming mga OFW - Matatag ang OFW, mas matatag pa sa sundalo o kung ano pang grupo na alam nyo. Magaling sa reverse psychology, negotiations at counter-attacks.
Tatagal ba ang OFW? - Tatagal at dadami pa kami hangga't hindi pa natin alam kung kailan magbabago ang Philippines , kailan nga kaya?... o may tsansa pa ba?
Masarap isipin na kasama mo ang pamilya mo araw-araw. Nakikita mo mga anak mong lumalaki at naaalagaan ng maayos na kasama ka.
Masarap kumain ng sitaw, ng bagoong, lechon, inihaw na isda, taba ng talangka.
Masarap manood ng pelikulang Pinoy, luma man o bago.
Iba pa rin ang pakiramdam kung kilala mo at nakakakuwenttuhan mo ang kapitbahay mo. Iba pa rin sa Philippines; iba pa rin kapag Pinoy ang kasama mo except ('pag hambog at utak-talangka); Iba pa rin 'pag nagkukwento ka at naiintindihan ng iba ang sinasabi mo; Iba pa rin ang tunog ng "mahal kita!", "day, ginahigugma tika"," "Mingaw na ko nimo ba, kalagot!", " Inday, diin ka na subong haw? ganahan guid ko simo ba".
Iba pa rin talaga.
Sige lang, tiis lang, saan ba't darating din ang pag-asa.
Kung may kamag-anak kang OFW mapalad ka at wala ka d2 sa kinalalagyan namin at anjan ka kasama mo ang mga mahal mo sa buhay.
Kung OFW ka at binabasa mo ito, mabuhay ka dahil ikaw ang tunay na
BAYANI ng Lahing PILIPINO!!!

Huwebes, Hunyo 27, 2013
Martes, Hunyo 11, 2013
IKA-50 TAON KAARAWAN NG KASAL (Tatay & Inay)
Bihira lang maka-abot ang isang mag-asawa sa 50 taon ng kaarawan ng kasal sa mga panahong ganito, subalit isa ang mga magulang ko sa biniyayaan ng ganitong pagkakataon. Usapan na nilang mag-asawa na tuwing malalampasan nila ang 5 taon sa kanilang kasal, ito ay kanilang inaalala o pinagdiriwang sa punto na baka daw hindi na nila abutin ang 50 taong kasal.
Subalit sa awa ng Diyos isang taon bago ang kaarawan nagkaroon na sila ng plano at usapan kasama kaming mga anak nila, kasama sa pinag-usapan ang petsa at ang lugar at kung paano ito gaganapin. Dahil ako ang panganay at nag-tatrabaho sa Saudi kinailangan kong baguhin ang petsa ng uwi ko upang makarating sa takdang panahon.
Dalawang lingo bago ang petsa ng kaarawan dumating ako sa Pilipinas dala ang katuwaang makadalo sa pagdiriwang na yaon, kasama ang aking mag-iina. Subalit hindi ganon kadali makuha ang schedule ng aking mga anak sapagkat nagkataon na may training at review ang aking bunso, kaya ang nangyari kami ng panganay ko ang naunang pumunta sa Bancuro dala ang sasakyan. Ang misis ko at ang bunso ko ay susunod na lang matapos ang naiwang schedule ng bunso ko.
May 4 ang napag-usapang petsa ng kaarawan bagamat ang saktong petsa ng kanilang kaarawan ay Hulyo 12 - subalit hindi ito naging hadlang sabi nga kapag napagkasunduan walang problema. Umalis kami ng May 1 sa Bulacan upang maging maaga ang dating sa Mindoro kasama nito yung alalahaning ang sasakyan ay hindi 100% running condition. Sa awa ng Diyos nakarating kami ng matiwasan at walang aberya sa daan.
May 2 ng hapon naihanda na ang mga silya, lamesa at iba pang mga gamit. Dumating na rin ang baka na may halagang 35,000 pesos. May 3, ng umaga, maaga naming pinuntahan ang kakataying mga baboy na may orihinal na bilang na 4 subalit ng makarating at Makita namin ang mga baboy malaki sila at mabibigat malayo sa inaasahan at hawak na pera, kaya ang nangyari 3 baboy na lang ang kinuha sa halagang P35,000 (214 kilos). Sinimulan ng katayin ang mga handing baboy at baka, tulad ng inaasahan marami ang nakitulong upang mapadali ang gagawing paghahanda. May kanya kanyang ginagawa ang lahat ng tumulong na kung mapapasin mo ay lahat pinsan namin.
May 3 ng gabi nakatakdang sunduin ko ang mag-ina ko sa pier ng Calapan, kasama ang isa kong pinsan sakay ng aking sasakyan pinuntahan namin ang mag-ina ko, dumating kami ng 7pm sa pier tamang tama sa dating ng barko. Umalis na kami pabalik sa Bancuro subalit nasa may Barsenaga pa lang kami ang tumirik na ang sasakyan, hindi namin alam ang gagawin. Tumawag na lang kami ng tulong sa Bancuro upang hilahin ang sasakyan sapagkat mahigit 2 oras na kaming nakahinto.
May 4 ang araw ng kaarawan pakiramdam ko nanghihina ako kasi kulang sa tulog subalit kailangan ko ng lakas sa araw na yaon. Maaga ang lahat sa pagbibihis nakahanda ng lahat ang simbahan, ang sibe ang mga pagkain nakahanda na rin. Naging masaya ang nagging kabuuan ng pagdiriwang at masasabi ko na makikita sa mga mukha ng tatay at inay ang kagalakan at pasasalamat sa lahat. Halos lahat ng kamag-anakan at kapatid ay nag sipagdatingan nakisalo sa kasiyahan.
Maligayang kaarawan Inay at Tatay... More blessing to come.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)