Bihira lang maka-abot ang isang mag-asawa sa 50 taon ng kaarawan ng kasal sa mga panahong ganito, subalit isa ang mga magulang ko sa biniyayaan ng ganitong pagkakataon. Usapan na nilang mag-asawa na tuwing malalampasan nila ang 5 taon sa kanilang kasal, ito ay kanilang inaalala o pinagdiriwang sa punto na baka daw hindi na nila abutin ang 50 taong kasal.
Subalit sa awa ng Diyos isang taon bago ang kaarawan nagkaroon na sila ng plano at usapan kasama kaming mga anak nila, kasama sa pinag-usapan ang petsa at ang lugar at kung paano ito gaganapin. Dahil ako ang panganay at nag-tatrabaho sa Saudi kinailangan kong baguhin ang petsa ng uwi ko upang makarating sa takdang panahon.
Dalawang lingo bago ang petsa ng kaarawan dumating ako sa Pilipinas dala ang katuwaang makadalo sa pagdiriwang na yaon, kasama ang aking mag-iina. Subalit hindi ganon kadali makuha ang schedule ng aking mga anak sapagkat nagkataon na may training at review ang aking bunso, kaya ang nangyari kami ng panganay ko ang naunang pumunta sa Bancuro dala ang sasakyan. Ang misis ko at ang bunso ko ay susunod na lang matapos ang naiwang schedule ng bunso ko.
May 4 ang napag-usapang petsa ng kaarawan bagamat ang saktong petsa ng kanilang kaarawan ay Hulyo 12 - subalit hindi ito naging hadlang sabi nga kapag napagkasunduan walang problema. Umalis kami ng May 1 sa Bulacan upang maging maaga ang dating sa Mindoro kasama nito yung alalahaning ang sasakyan ay hindi 100% running condition. Sa awa ng Diyos nakarating kami ng matiwasan at walang aberya sa daan.
May 2 ng hapon naihanda na ang mga silya, lamesa at iba pang mga gamit. Dumating na rin ang baka na may halagang 35,000 pesos. May 3, ng umaga, maaga naming pinuntahan ang kakataying mga baboy na may orihinal na bilang na 4 subalit ng makarating at Makita namin ang mga baboy malaki sila at mabibigat malayo sa inaasahan at hawak na pera, kaya ang nangyari 3 baboy na lang ang kinuha sa halagang P35,000 (214 kilos). Sinimulan ng katayin ang mga handing baboy at baka, tulad ng inaasahan marami ang nakitulong upang mapadali ang gagawing paghahanda. May kanya kanyang ginagawa ang lahat ng tumulong na kung mapapasin mo ay lahat pinsan namin.
May 3 ng gabi nakatakdang sunduin ko ang mag-ina ko sa pier ng Calapan, kasama ang isa kong pinsan sakay ng aking sasakyan pinuntahan namin ang mag-ina ko, dumating kami ng 7pm sa pier tamang tama sa dating ng barko. Umalis na kami pabalik sa Bancuro subalit nasa may Barsenaga pa lang kami ang tumirik na ang sasakyan, hindi namin alam ang gagawin. Tumawag na lang kami ng tulong sa Bancuro upang hilahin ang sasakyan sapagkat mahigit 2 oras na kaming nakahinto.
May 4 ang araw ng kaarawan pakiramdam ko nanghihina ako kasi kulang sa tulog subalit kailangan ko ng lakas sa araw na yaon. Maaga ang lahat sa pagbibihis nakahanda ng lahat ang simbahan, ang sibe ang mga pagkain nakahanda na rin. Naging masaya ang nagging kabuuan ng pagdiriwang at masasabi ko na makikita sa mga mukha ng tatay at inay ang kagalakan at pasasalamat sa lahat. Halos lahat ng kamag-anakan at kapatid ay nag sipagdatingan nakisalo sa kasiyahan.
Maligayang kaarawan Inay at Tatay... More blessing to come.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento