kagatin ng aso. Ganyan ang pangkaraniwang mararanasan sa mga baryo o barangay sapagkat sa bawat bahay bibihira ang walang alagang aso, meron 3 o 2 alagang aso. Kaiba sa kabayanan
sa pag-aalaga ng aso, sa baryo ang aso ay hindi nakatali o naka kulong sila'y malayang nasa bakuran - upang mag silbing bantay. Walang pinipiling oras ang pagkahol ng aso habang ito ay nakakaramdam, nakakakita, o nakaka-amoy ng ibang tao o kakaibang bagay na nasa kanyang paligid sa bakuran ng bahay. Kaya nga ang iba mahal nila ang kanilang alagang aso sapagkat ito ay maaasahan magbantay sa kanilang bahay. Totoo naman sapagkat marami ang natatakot sa ganitong uri ng mga taga bantay, lalo na kapag ang aso ay balita na ito ay nakakagat na ng tao.
Mapanganib o dilikado bang makagat ng aso? Kung tutuusing mapanganib ang kagat ng aso sapagkat ito ay malakas ang kamandag na kung hindi maaagapan baka maging sanhi ng kamatayan ng nakagat. Meron bang paraan para maiwasan ang ganitong panganib sa buhay? Doon sa Bancuro naniniwala sila na ang kagat ng aso kapag naagapan ay parang karaniwan lang na sugat. Sa anong paraan? Noon mga dekada 70 and 80 meron at pinaniniwalaan na sapamamagitan ng panggagamot na bulong na may kasamang sipsip sa sugat na nakagat ay ito ay malulunasan. Kaya kapag ang sinuman doon sa Bancuro ang tinatakbuhan nila ay isang tao lamang. Siguro sa kanilang nakikita sa mga nakagat ng aso na gumagaling naniwala nga sila na nagagamot ito sa ganoong paraan.
Ang isa pang paraan ay ang pagpapadugo sa kinagat ng aso tapos nilalagyan ng dahon ng paraiso. Isa itong puno sa mga harap ng bahay, ginagamit din itong panggamot sa ilang uri ng sakit ng tao. Bumubunga ito at ang sabi panggamot din ito. Naalala ko pa ang isang uwi ng panggamot o pangtanggal sa kamandag ng kagat ng aso at ang sungay ng usang walo-walo. Ito raw ay isang matandang usa na meron ng 8 sanga-sangang sungay. Noon naalala ko ng minsan pumunta kami ng lola ko sa bayan ng Naujan (bayan) na doon nakabili ang lola ng maliit na bagahi ng sungay (ayon) sa nagbebenta. Ipinakita rin sa amin kung paanoitop gamitin at kung paano malalaman na wala o naalis na ang kamandag. Dadag pa nila na hindi lang sa kagat ng aso yun mabisa - sa lahat ng kagat ng hayop na makamandag. Sinabi rin ng tindera na ang tao ay may kamandag - upang makuha nya ang aming atenyon idinikit ng tindera ang bato sa kanyang dila at ito ay dumikit, mahirap tanggalin. Sa kagat daw ng hayop na makamandag idikit din ito sa sugat at hayaan hanggang malalag ito ng kusa - yun daw ang palatandaan na natanggal na ang kamandag sa katawan.
Ano ba ang dapat iwasan upang wag kagatin ng aso? Naniniwala ang mga taga Bancuro siguro ganito rin sa ibang lugar na kadalasang nangangagat ang aso sa umaga ang dahilan ay hindi maipaliwanag at sa bandang hapon o nag-aagaw ang dilim at liwanag (wala ring paliwanag kung bakit). At siempre nangangagat ang aso kapag ang taong kinakahulan ay tumakbo o nagpahabol ito - sapagkat sa isip ng aso and tao ay nagpapahabol. Minsan nagiging epektibo rin ito pero hindi mabisa na kapag akmang umaatake ang aso ang dapat gawin ay umupo bigla subalit minsan lalong nag uulol ang aso - kaya hindi ito mabisang payo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento