Magandang araw po sa inyong lahat ng sumusubaybay, nagagalit at nagbabalewala lang sa mga nakasulat dito. Pero alam ko po na hindi lang ninyo aminin ay nababasa rin ninyo ito kapag kayo na lang ang nakatutok sa computer. Heto po meron akong isang kwento na hango lang po sa tabi-tabi at susubukan ko pong magbigay ng payo patungkol dito. Alam ninyo na ang kwentong ito ay posebling mangyari sa totoong buhay o nangyayari na ito sa tabi tabi lang ninyo, heto na po yun..
Ang pangalan ko nga po ay si Insyang. Hindi ko na ibibigay ang buo kong pangalan sapagkat malayo po ang munisipyo dito sa amin at mahal ang pamasahe para lang kunin ang buo kung pangalan sa NSO. Ako po ay 18 anyos (sariwang sariwa pa po) at in love sa aking pinsan sa ama.
Sa totoo niyan, ang tatay ng love/crush ko ay ikalawang pinsan ng aking ama. Nanliligaw na po sa akin ang aking malapit na pinsan pero duda ako sa kalagayan namin.
Sa totoo lang po, mahal ko siya pero hindi ko masabi sa kanya dahil nga magkamag-anak kami na alam ko na magiging malaking problema sa akin at sa pamilya ko. Isa pa po ay masyado kasing malapit ang aming mga pamilya at baka may hindi magandang masabi ang mga pininsan namin. Pero kung ako ang tatanungin gusto ko na pong sagutin ang pinsan ko, pero nagdadalawang isip ako.
Sana po ay matulungan ninyo ako. Ano ang gagawin ko?
Tingnan natin yung sinasabi mo na kaugnayan mo sa tinatawag mong pinsan. Sabi mo, ikawalang pinsan ng tatay mo ang tatay niya. Na ang ibig sabihin ay ikatlong pinsan mo na siya at malayo na ang agwat ng inyong pagkakamag-anak. Tingnan mo ha ikatlong salin ng pagiging pinsan mo siya na tulad ng nasabi ko malayo na yun, parang wala ng problema sa pagkakaroon ng kaugnayan kung sakali.
Ang nakikita kong problema lang ay ‘yung pagiging malapit ng inyong mga pamilya sa bawat isa. Pero sa tingin ko normal lang yun na mga angkan na ganyan, meron nga subra pa kahit walang silang kaugnayan dugo malapit sila sa isat isa. Kahit malayo na ang relasyon ay close pa rin. Ayos sa mga nabasa ko at sa pagkakaalam ko, wala nang legal impediment kung kayo’y magiging mag-on at magpapakasal. Minsan nga yung dalawang nagkakatuluyan pareho pa ang apelyedong ginagamit, meron nga akong nabalitaan parehong apo nagkatuluyan... pero iba na yun.
Heto ang masasabi ko, kung talagang nakatitiyak kayo sa damdamin ng bawat isa ay ihanda ninyo ang inyong mga sarili sa magiging reaksiyon ng bawat pamilya ninyo. Para sa akin at sa tingin ng iba ang pinakamagandang gawin ay ipagtapat ninyo ito, lalo na sa iyong magulang. Dahil ikaw ang babae. Maaaring masaktan sila, pero higit na magiging masakit para sa iyong pamilya kung malalaman nila sa iba ang pagtitinginan ninyo.
Hayan po ang kwento ni Insyang at ang payo ko sa kanya. Kayo po ano po ang inyong masasabi tungkol dito..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento