Noong nakaraang usapin natin nabanggit natin yung apat na paraan ng paghahanda sa panahon ng pagreretiro. Sa nakikita ko ang mga ito ay akma sa lahat ng uri ng pagreretiro ng isang tao. Meron pa akong anim na paraan na sana ito ay makatulong sa ating lahay para maging gabay sa ating mga paghahanda sa pagdating ng panahong makaisip na tayong magretiro.
Kausapin ang inyong asawa ukol sa retirement plan. – kung ikaw ay may asawa, dapat ay pag-usapan ninyo ang kani-kanilang retirement plan upang malaman ninyo ang mga benepisyong maaari ninyong makuha sa pagdating ng panahon. Kailangang intindihin ninyong mabuti ang nakapaloob sa inyong pension o retirement plan. Mahalaga rin na malaman ang mga benepisyong nakapaloob dito ang mga kinakailangang gawin upang makuha ang inyong pension.
Kausapin ang inyong asawa ukol sa retirement plan. – kung ikaw ay may asawa, dapat ay pag-usapan ninyo ang kani-kanilang retirement plan upang malaman ninyo ang mga benepisyong maaari ninyong makuha sa pagdating ng panahon. Kailangang intindihin ninyong mabuti ang nakapaloob sa inyong pension o retirement plan. Mahalaga rin na malaman ang mga benepisyong nakapaloob dito ang mga kinakailangang gawin upang makuha ang inyong pension.
Intindihin at alamin ang inyong mga benepisyo sa SSS/GSIS – mahalagang malaman ang mga benepisyong nakapaloob sa SSS/GSIS, gayundin ang Pag-Ibig. Kahit na gaanong kaliit o kalaki ang maaari nating makuha sa mga institusyong ito, malaking tulong pa rin kung alam nating mayroon tayong maasahan at kung magkano ang maaari nating makuha sa mga institusyong ito. Mahalaga rin na minomonitor natin kung binabayaran sa inyong employer ang karampatang kontribusyon o hindi. Wala namang mawawala sa atin kung magtanong kaysa dumating ang panahon ng pangangailangan pero wala tayong inaasahan.
Pag-usapan sa harap ng asawa at mga anak ang tungkol sa plano – ito ay mahalaga lalo na kung nalalapit na ang inyong pagreretiro. Kadalasan akala ng inyong mga anak na bibigyan ninyo sila ng balato sa inyong pagreretiro. Ipaunawa sa kanila na ito ay inyong inilalaan para hindi kayo umasa sa kanila sa pang araw-araw na pangangailangan. Hindi “instant millionaires” ang mga nagreretiro. Dapat ay may plano na silang handa upang maging sapat ang kanilang retirement package hanggang sa kanilang paglisan sa mundo.
Alamin kung papaano ninyo gagamitin ang inyong oras at panahon – ano nga ba ang pakiramdam ng isang magreretiro? Kung nakasanayan mo na gumising ng maaga at pumasok sa trabaho, dapat ay paghandaan mong mabuti ang iyong gagawin. Isang araw ay gising ka na lamang na wala ka nang gagawin. Kung sanay ka na aktibo ang iyong araw, siguradong maninibago ka sa pagdating ng araw na ito. Kailangang isipin mo na rin kung kukuha ka pa ng trabaho. Isiping mabuti ang iyong nais gawin bago dumating ang umagang wala ka nang trabahong papasukan.
Ang mga ito ay mga maaaring pamamaraan na makakatulong sa inyong makapaghanda sa inyong pagreretiro. Pero hindi talaga magagarantiya kung talagang handa mong harapin ang iyong pagreretiro. Maaari pa ring pwedeng mangyari pero kung napagplanuhan mong mabuti ang panahong ito ay maaari mo itong harapin ng walang pag-aagam-agam.