Quality Coffee

Quality Coffee
Healthy Food

Martes, Hulyo 1, 2014

Malaking Pagbabago Noon At Ngayon

Sa araw na ito medyo maganda ang daloy ng dugo sa utak ko kaya hayaan ninyong kwento ko ang ilang pagbabago sa Bancuro sa aspeto ng pamumuhay, kalalagayang pisikal at marami pang iba. Bakit ko nasabi sapagkat noong huling dalaw ko sa aking mga magulang doon ko lang napansin na malaki na ang pagbabago sa munting tahanan ng aking mga magulang.

Yun nga lang hindi ko maipapakita dito yung lumang larawan sapagkat nangyari ito ng mga panahong wala ako sa lugar na yaon. Dati sa harapan ng bahay ng tatay at inay ay may punong manga (Indian Mango) na tanim pa noong bata pa ako. Inalis na raw sa dahilang nagkaroon ng sakit ang puno. Ito ang nakakapag palakas sa akin ng pag-iisip sapagkat sa kwento ng tatay siya lang mismo ang pumutol noon. Noong una hindi ako makapaniwala kasi malaking puno yun na sa aking palagay kailangan ng katulong upang mapabagsak o maputol yun ng maayos. Subalit mali ako ginawa yun ng mag-isa ng tatay gamit ang pait, itak, lagare at iba pa. Hindi rin naman ako nagtataka sapagkat hindi lang naman yun ang unang nagawa niya marami na siyang nagawa doon na walang sinumang tumulong.

Meron na ring tindahan sa harap ng bahay na pinatatakbo ng aking kapatid. Sa likod bahay malinis at makikita ang maraming puno ng iba't ibang prutas. Ngunit isa lang ang malaking pagbabago na nakita ko ang bahay mismo.. sa kulay at sa mga nadagdag na parte nito. Lumaki ang terasa yun nga lang medyo mababa ang naging bubungan kasi raw hinabol yung dating bubong ng kabahayan. Napalitan din ng makabagong yero ang kabahayan. May makabagong kulay ayon sa kanilang nais. Nagkaroon din ng pintura ang dingding na semento sa buong kabahayan. Naging maganda ang kumbinasyon ng kulay na summer yellow, green and red color.

Alam kong malaking pagbabago subalit kung ikukumpara ang bahay ng mga magulang ko sa ibang bahay ng mga pinsan ko walang sinabi ang sa mga magulang ko. Sapagkat naglalakihan at naggagandahan ang sa kanilang bahay. Mga modernong estraktura, disenyo at kulay. Ilan na lamang ang makikita mong nasa lumang bahay sapagkat lahat ng mga taga roon ay nakaranas na magkaroon ng pera upang ipabago ang kanilang mga bahay. Meron doon na tinatawag na Malakayang na bahay sapagkat malaki at kulay puti di ko alam kung kanino nagmula ang pagpapangalan noon. Meron doon na bahay ng marino siguro tinawag itong ganon sapagkat halos lahat ng kanyang mga anak ay ang ikinabubuhay ay seaman. May bagong tayo doon na kung tawagin ay Katas ng Prutas siguro alam nyo na kung bakit ganon.

Sa mga ninong at sa mga tiya sa unahan ng bahay ng mga magulang ko ay malaki na rin ang naipagbago kumpara sa dati nilang mga bahay, ngayon ay lumaki, gumanda at naging moderno. Hindi ko naman sinasabing ang pagbabagong ito ay ginagawa nila sa dahilan sa INGITAN. Maaari pero sa tingin ko kasama na roon yung kanilang mga pangarap na magkaroon ng ganong mga bahay.

Hayy buhay nga naman di mo inaasahan na marami na palang ipinagbago...

Lunes, Hunyo 9, 2014

OFW 3: NILUMANG BAYANI

Pagpupugay po sa lahat ng dumadaan at nakikisilip sa aking mga sinusulat.. Ang kwento ko po ngayon ay tungkol doon sa ipinabasa sa akin ng kaibigan ko, nagustuhan ko kaya heto.. pasensya kung nabasa na ninyo ito.. nagpapasalamat din ako sa orihinal na sumulat nito si (Written by Bino Rhioma]

Minsan, tinanong ako ng aking anak, "Daddy, ano ibig sabihin ng OFW? ". Sa murang isipan niya, maiintindihan kaya niya kung sasabihin ko'ng OVERSEAS FILIPINO WORKERS? Ngunit ako'y nagulat sa kanyang sumunod na tanong. "Alipin? Alipin ka dati Daddy?" Gusto ko'ng magalit dahil sa di tamang pagkakaintindi ng salitang 'OFW' sa kanyang pag-iisip. Ngunit napag-alaman ko'ng sa kin din nanggaling ang mga katagang yun. "Isa akong Alipin sa Milan! Ako na may pinag-aralan! Kubeta lang pala ang katapat ng Diploma ko!" Isang maling pananaw. Maling Interpretasyon. Maling paniniwala.

Bagong bayani. Yan ang sabi nila. Pero bakit tila nalilimutan ng ating gobyerno? Naikakabit lang ba ang mga salitang yan sa mga OFW sa tuwing dumarating ang mga remittances nila? At biglang mawawala kapag hindi sila nakapagpapadala ng pera sa ating bansa? Nasaan ang embahada sa tuwing mayroong Pinoy na nahaharap sa parusang kamatayan tulad ng yumaon’g si Flor Contemplacion? Hanggang kailan mananatili ang ating mga kababayang nakapiit sa ibang bansa dahil sa kagagawan ng mga illegal recruiters? Kailan sila makakatanggap ng mga tamang benepisyo? At kailan sila makakauwing muli para mabuhay ng matiwasay at may kasiguruhang magagawa silang panindigan ng ating inang bayan? Mga katanungan na hanggang ngayo'y hindi masagot. Isang karamdamang unti-unting pumapatay sa kanila na hanggang ngayo'y wala pa ring natutuklasang gamot. Ang titulong Bagong Bayani ay tila nangangahulugang LIMOT NA BAYANI.

Sa kabila ng lahat ng ito, marami pa rin ang nagtitiis na mangibang bayan at iwan ang kanilang mga minamahal para makipagsapalaran saan man panig ng mundo, hanap-hanap ang isang bansang makapagpapatupad ng kanilang mga pangarap. Titiisin ang pagiging malayo sa kanyang mga supling para mag-alaga ng anak ng iba. Isasakripisyo ang buhay kakabuhat ng mga mabibigat na makinarya, pag-akyat sa matataas na gusali para pinturahan, at pagsuong sa madilim na kuweba para magmina ng ginto, makatapos lamang sa kolehiyo ang kanyang mga anak, guminhawa ang buhay ng kanyang magulang o makapagpundar ng magandang tahanan sa kanyang mga kapatid. May mga ilan na nagtatagumpay. Ngunit marami rin ang nabibigo at umuuwi na nasa loob na ng kahon.

Sa mga sakripisyong nabanggit, batid ko'ng sapat na ang mga ito para muling ibalik ang tunay na kahulugan ng salitang BAGONG BAYANI. Panahon na para mabigyan ang bawat OFW ng kahit konting atensiyon mula sa pamahalaan. Panahon na para silay bigyang-pansin. Ang mga OFW ay hindi dapat maihalintulad sa isang alipin. Bagkus, sa kabila ng kanilang pagiging limot na bayani, karapat-dapat na sila’y ating dakilain. Ang isang malaking katanungan, darating pa kaya ang panahong ito? Posibleng sagot, OO MALAPIT NA!

Linggo, Mayo 18, 2014

Buhay OFW 2: Karanasan ng isang Asawa

Huwag kayong magagalit sa akin kung minsan ang kwento ko rito ay yung tinatawag na second hand na - sapagkat noong mabasa ko ito sa FB biglang naging parang aral sa atin ito kaya naman hayaan nyo na ilimbag ko ulit. Salamat po doon sa original ng kwentong ito sapagkat napaka ganda.. Heto po ang kwento:

“Hon, padalhan mo naman ako, kasi may gusto akong bilhing shoes dito.”

“Sa uwi mo, ‘wag mong kalimutan yung pasalubong nina nanay at tatay ha?”

“Akala ko ba, may padala kang package? Ang tagal naman!”

“Punta tayo sa Cebu sa next vacation mo…”

Ilan lang ito sa mga walang katapusang requests ko sa asawa ko nung nasa abroad siya. At kapag walang favorable response, nagtatampo ako. Nasasabi ko pa na tinitipid o pinagdadamutan niya ako. Dun na pumapasok ang pag-aaway namin, dahil hindi ko daw siya maintindihan. Nabubuwisit ako, kasi alam ko na malaki ang sahod niya, pero bakit ang higpit niya pagdating sa pera? Di ko man masunod luho ko gaya ng sapatos, mga bags, damit at iba pang gadgets? Hayyy nakuuu…

Until dumating yung time na nagdecide kami na sumunod ako sa kanya sa banyagang bansa. At last, makakasama ko na rin siya at maipabibili ko na rin mga gusto ko, bwahahaha! Sa eroplano pa lang, naiisip ko na ang mga bagay na gagawin ko –shopping, bakasyon, dine-out, gala to the max! Paglapag ng eroplano sa Kuwait International Airport, wow! Ang INIT! Humid pa! Sumasakit na ang ulo ko sa biyahe pauwi sa tutuluyan naming flat (kung tawagin ang apartment).

Latang-lata ang pakiramdam ko sa init ng klima, summer daw pala kasi! Naisip ko, huwag na muna ang shopping at gala, pahinga muna… Dumating yung time na lalabas na kami at mamamasyal, excited pa mandin ako. Pagdating namin sa Mall at nakita ko ang mga bagay na gusto kong bilhin…bigla akong nakaramdam ng panghihinayang… Makita ko pa lang ang tag price, gumagana na kaagad utak ko sa Riyal to Philippine Peso conversion! Napansin ako ng asawa ko at tinanong nya kung alin daw ba gusto ko, sabi ko na lang, huwag na, next time na lang…

Dumaan ang mga araw at nagiging malinaw na sa akin ang araw-araw na pamumuhay ng mga OFW. Kay lungkot pala maging malayo sa pamilya, ang hirap mahomesick! Nakakaiyak makita ang mga pictures ng family sa FB tuwing me okasyon. Yung malungkot ka at gusto mo silang makasama kaya lang hindi naman puwede magbus pauwi ng Pinas.

Mas naiiyak ako pag naiisip ko na, kawawa naman pala ang kabiyak ko noong wala pa ako sa piling niya. Sa init at pagod maghapon sa trabaho, wala siyang choice kundi magluto pa rin pagkauwi para me makain, at gawin ang mga bagay mag-isa tulad ng paglalaba.

Bigla akong nahiya sa sarili ko…naalala ko bigla yung mga araw na nagtatampo ako sa kanya kasi hindi niya ako mapadalhan ng pera para mabili yung gusto ko. Yung mga araw na natitiis ko siya dahil sa aking walang kabuluhang pagtatampo, natitiis ko na hindi tumawag o magtext man lang…

Yung mga araw na wala akong ginawa kundi planuhin kung ano ang mga bagay na ipabibili ko sa kanya pagdating ko dito. Dahil pala bawat text na mabasa niya, ay laksang tuwa na ang dulot sa kanya. Bawat tawag at dinig pa lang sa boses ay ibayong lakas ang bigay sa kanya…dahil sa bawat baryang kinikita niya, wala siyang naiisip kundi ikaw na pamilya niya…

Ang hirap palang maging OFW…pag nakikita ko sa mga pictures yung ngiti nila, mga magagandang lugar na pinapasyalan nila, mga pagkaing nakahain sa harapan nila, sa likod ng mga ito, nakakubli ang ‘di masukat na lungkot at pangungulila.

Marahil ayaw nila na tayong mga kaanak nila ay mag-alala kaya tunay na sitwasyon at nararamdam ay itinatago nila. Nakakaya nilang malayo at magtiis, mabigyan lang ng magandang bukas ang kanilang pamilya.

SA IBA KUNG BLOG: FOLLOW THIS

Huwebes, Pebrero 13, 2014

Kwentong Komiks: Ang Baog Daw

Huwag kayong magagalit sa akin kung minsan ang kwento ko rito ay yung tinatawag na second hand na - sapagkat noong mabasa ko ito biglang naging parang aral sa atin ito kaya naman hayaan nyo na ilimbag ko ulit. Salamat po doon sa original ng kwentong ito sapagkat napaka ganda.. Heto po ang kwento:

“I'm sorry andrew, hindi pa ako handang magpakasal sayo, siguro after 3 years hintayin mo na lang ang pagbabalik ko, gusto ko pa ng karagdagang progress sa aking career marami pa akong gustong gawin, tatanggapin ko ang offer sa London, 3 taon lang namn yun, sana mahintay mo ako..

Yan ang mga salitang binitiwan ni Lorraine, na hanggang ngayon ay nakatatak sa isip ko... 6 years kaming steady at sucessful kami sa aming mga career dito sa Pilipinas. Isa akong inhinyero, ang  aking nobya ay nakapagtapos ng mesidina..kahit masyado siyang workaholic at wala siyang oras sa akin ay inunawa ko ito, mahal nya ang kanyang trabho at matalino siyang babae alam niya ang kanyang mga priorities at hindi makitid ang utak ko para hindi maintindhan yon, pero dumating sa puntong sobra na sya,ang katwiran ko, pwede nya namang ipagpatuloy ang trabaho nya at ang pag-unlad nyang ninanais pag magasawa na kmi, maraming pwedeng mangyari sa 3 taon at ayaw kong umasa , ayaw kong maghintay sa wala...ako na mismo ang nakipagkalas.. Kung magkikita kami ng tatlong taon at malaya pa sya at ganon ako baka sakaling kami nga..alam nya kung gaano ko sya kamahal pero this time hindi ko kaya ang mga kundisyon nya..maluwag nyang tinanggap ang pakikipagkalas ko, tila nga nabunutan pa sya ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag...hindi ko alam kung hadlang ako sa pangarap nya o hindi basta ang alam ko ngayon malaya na uli ako pero nasasaktan..

Natagpuan ko ang aking sarili sa isang nightclub, gusto kong magpakalasing, gusto kong paggising ko ay malimutan ko na ang lahat ng sakit,gusto kong malimutan si Lorraine kahit sandali lang..kahit ngayon lang muna..

“Beer po sir? May babae po kami bago po at bata..wika ng baklang floor manager na tila nagaalok ng isang paninda
“Cge bigyan mo ko ng apat,magkano ang labas ng babae nyo..”
 “3000 sir sa inyo po lahat... Wika nito
 Alam nya ang patakaran sa club pwede niyang ilabas ang babae magdamag sa halagang iyon
“Cge, pero gusto ko muna siyang makita at makausap papuntahin mo sya dito”
Kaagad tumalima ang bakla at pagblik nito may kasama na ito...

Napatda sya sa nakita, magandang babae ang nasa kanyang harapan, bata pa tantiya na 18 anyos lang ito..matangkad ito at balingkinitan morena ang kutis nito at matangos ang ilong, kahawig ito ni Mikee Cojuangco pero parang tingin nya ay mas maganda pa ito sa actress, mukhang hindi ito nagtatrabaho sa club, kiming kimi itong umupo sa harap nya..

“Anong gusto mong inumin”beer?
 Juice na lang po..sir wika nito
“Wag mo na akong tawaging sir, nkakatanda nmn! Hehehe ako nga pala si Andrew..ikaw anong pangalan mo.
 Sa wakas ay napangiti ito, napakaganda talaga nito may matang nangungusap at may dimple sa pisngi,
“Lena po, sssir este Andrew pala..
“Alam mo hindi ka bgay dito Lena, maganda ka first time mo bang magtrabaho sa ganito?

“Oo andrew, wala naman akong pagpipilian..gipit na gipit kasi kami..wala na akong magulang hindi ako nakapagtapos kahit high school, may kapatid ako pero malayo sa akin maatgal na kaming hindi nagkikita at maysakit sya...

 Labis akong nahabag sa magandang babaeng kaharap ko..sayang talaga..habang tumatagal ang paguusap namin ay nagkapalagayang loob kami..tumatwa na sya sa mga joke ko at ganon din ako masaya syang kausap nalaman ko ng ilang araw pa lang sya sa club na iyon, at hindi pa sya pumapayag magpalabas,..subalit ng araw na yn napapayag kong sumama sya sa kin, alam ko natatakot sya kitang kita ko yon sa kanyang mga mata pero sumama pa din sya sa kin siguro dala ng pangangailangan at siguro naisip na wala syang choice trabaho nya yon...

“Bakit dito mo ako dinala akala ko... Akala ko... Nagtataka nyang wika..ng nasa loob kami ng isang mamahaling resto..

“Hindi naman porket ilalabas ay magmomotel na? Hehehe... Wala namang ganong patakaran ang club nyo di ba?  Napangiti lang si Lena, at humahangang tinitigan ako, bakas na bakas sa mukha nya ang pasasalamat sa akin..

 Sige umorder kana ng gusto mo masarap ang mga yan.. Wika ko habang binigay ko ang menu
 Nakita kong napakunot ang kanyang noo at pilit na iniintindi kung anong mga klaseng pagkain ang nasusulat dito...para hindi sya mapahiya sinabi ko sa kanya ang specialty ng lugar na yun at nag-offer ako na yun na lang ang orderin namin, masaya akong kasama sya.. At natutuwa akong pagmasdan ang pagkainosente nya sa lahat ng bagay..

Masaya kaming kumain ni Lena , pakiramdam ko ay may GF ako uli.. Inaasikaso nya ako pinupunasan nya ang bibig ko damang dama ko ang pagka-caring nya na natural na natural, pansamantala kong nalimutan si Lorraine ng gabing yon... Inihatid ko sya sa kanyang inuupahan bed spacer lang pala sya don kaya bawal akong papasukin ganunpaman masaya syang nagpaalam sa kin nangako ako na babalik ako sa club na pinagtatrabhuhan nya...

 Isa, dalawa, tatlo, at nasundan pa ng maraming beses ang pagdalaw ko kay Lena, minsan sinusundo ko sya sa kanyang boarding house at namamasyal kmi, hindi na din sya nagkakaroon ng customer na iba sapagkat andon ako palagi, naging matalik kaming magkaibigan at nagkapalagayan kami ng loob..may mahiwagang damdamin akong nararamdaman pero ayaw ko pang bigyan ng kahulugan ito, bakas din sa kanyang mukha ang tiwala at kislap ng mata pag magkasama kami alam ko masaya din sya pagkasama ako, at ako naman hindi pwedeng hindi ko sya makikita isang beses isang araw...

“Ano kayat umalis kana diyan sa pinagtatrabahuhan mo, ihahanap kita ng disenteng trabaho.. Wika ko ng minsang dalawin ko cya sa club. Tinitigan nya ako, pa rang may gusto syang sabihin na hindi nya masabi nangilid ang luha nya pero kaagad nyang pinalis ito..

“Saka na lang Andrew, bigyan mo muna ako ng panahon nahihiya na ako sayo.. Hayaan mo at pagiisipan ko, salamat ha wika nito at pinisil ang aking kamay.  Nagtaka ako sa kanyang inasal, sumidhi ang nararamdamn ko na ma-ialis sya sa club na yun, hindi ko kayang makita maitable sya ng iba, .. Hindi ko alam kung bakit pero iniisip ko pa lang bumibigat na ang aking pakiramdam marahil tuluyan ng nahulog ang loob ko sa kanya..

Nalaman ko na ipinagbili pala si Lena ng umampon sa kanya sa club na iyon kaya napilitan syang magtrabaho at hindi makaalis, kinausap ko ang mayari at binayadan ko ang perang pinambili sa kanya..ayaw pa nitong pumayag kaya dinoble ko ang pera at tinakot kong ipapatigil ko ang pagooperate ng club nila sinabi kong madami akong kuneksyon sa pulisya at kayang kaya ko silang gawan ng problema, natakot naman ang may ari at kaagad na pumayag, masaya akong umuwi ng hapong iyon, kinausap ko ang kaibigan kong dentista at ipinasok kong sekretarya si Lena sa klinika nito.. kumuha na rin ako ng disenteng tirahan para sa kanya, at bumili ng pangangailangan, hindi ko maintindihan pero ganito sya kahalaga sa akin...

“Hindi kana babalik sa club na yun Lena, titira kana din sa bago mong bahay at magtatrabaho ka ng maayos.. At disente.. Wika ko ng sya ay aking sunduin wala siyang kaalam alam sa mga ginawa ko.. “Iwan mo na lahat ng gamit mo at bibili tayo ng mga bago mong damit at sapatos at mga gmit mo sa bago mong bahay”. Ha? Nabigla nyang naisatinig punong puno ng pagtataka ang kanyang mukha...
“Mahal kita Lena... At gusto kong maging maayos ang buhay mo gagawin ko ang lahat maging ayos ka lang... Nakausap ko na ang amo mo, at binayadan ko na lahat ng perang ibinayad nya sa umampon sayo, aalis kan don Lena... Malaya kana..

Titig na titig syang tumingin sa sakin habang nagmamaneho ako kitang kita kong titig na titig sya habang tumutulo ang luha... Hindi sya nagsasalita pero walang kakurap kurap nya akong tinitigan pagkatapos ay bigla nya akong niyakap at humagulhol..

Nagulat ako muntik na kaming mabangga kaya itinabi ko ang sasakyan... Napatawa syang nagso-sorry sakin sobrang saya daw nya at dumating ako sa buhay nya... Napakswerte daw nya at mahal sya ng Panginoo at ibinigay ako sa kanya, mahal din daw nya ako matagal na kaso ay natatakot syang masamain ko ito, at hindi ko na sya puntahan... Nagyakapan kami at naghalikan..

Matuling lumipas ang tatlong taon, nagpakasal na kmi ni Lena konting handaan lang at ilang piling bisita lang ang inimbitahan ko ayaw nya ng magarbong kasal sobrang simple at ang bait ng asawa ko,.. masayang masaya kami sa mga buhay namin ang tanging kulang samin ay anak.. maalaga at napakamaasikso ng aking may bahay, hindi ko na din sya pinagtrabho sapagkat sobra sobra pa ng kinikita ko sa aming dalawa..

“Congrats Andrew!”Wika ng isang pamilyar na tinig sa aking likuran. “Lorraine? Kelan ka pa dumating? Salamat... Nakangiti kong wika.. Lalong gumanda ang dati kong nobya.. Pingmasdan ko sya bakas sa katatayuan nya ngayon ang isang matagumpay na manggagamot... Subalit wala na sa akin yun masaya ako sa piling ng aking asawa at kahit kelan ay di ko sya ipagpapalit...

“Nung isang linggo lang, nagasawa kana pala.. Di ka man lang nagpasabi..kunway nagtatampong wika nito.  Ngumiti lang ako.. Bakas na bakas sa mukha nito pait at sakit alam ko may nararamdaman pa din sya sakin kasi nalaman ko na wala pa din syang nagiging asawa, subalit para sakin matagal ng tapos ang aming kabanata...

Masaya akong umuwi sa bahay nilambing ang aking asawa at kinewento ang naganap , hindi kababakasan ng kahit konting pagseselos si Lena, may tiwala sya sa kin ... At gnon din ako, hindi ako marunong maglihim sa kanya..

 Lumipas ang mga buwan, nais ko ng magkaanak ipinasya kong magpatingin sa doktor at nabigla ako na ang doktor palang titingin sa akin ay walang iba kundi si Lorraine..

I'm sorry Andrew pero impotent ka... Yan ang mga salitang namutawi sa bibig ng dati kong katipan matapos ang aking ikalawang pagsusuri, napatiim bagang ako, para makasigurado nag punta ako sa isa ko pang kilalang doctor ang kaibigan namin ni Lorraine na si Joel subalit tulad ng naunang pagsusuri wala akong kakayahang magkaanak.. Isa akong baog, ganunpaman hindi ako kinabakasan ng sobrang pagkadepressed alam ko maiintindihan ako ng aking asawa mahal nya ako at matatanggap nya ako ..pwede naman kaming umampon ng bata kaya walang puwang ang kalungkutan...tulad ng normal na araw umuwi ako sa bahay namin, ipagtatapat ko sa kanya ang lahat,ang sakit ko alam ko naman na di ako iiwan ng aking asawa..

Gabi na ng akoy makauwi, sumalubong sakin ang mabangong niluluto ni Lena, nakita ko din ang aking asawa na seksing seksi at bagong ligo tila may espesyal na okasyon ngayong araw.. makahulugan din ang kislap ng kanyang mga mata...napangiti ako niyakap sya, siguradong nasa mood ang aking asawa ngayon..magandang pagkakataon para sabihin ko ang aking natuklasan..sabay kaming nag-dinner.. At ngkwentuhan.. “Andrew mahal ko may sorpresa sana ako.. Nakangiti nyang wika...at iniabot sa akin ang pregnancy test.

Para akong natuka ng ahas! Hindi ako makahinga! Panong mabubuntis ang aking asawa gayong isa akong baog! Putang ina niloloko ako. Ng aking mahal na asawa iniiputan nya ako sa ulo!! Hindi akin ang dinadala nya at yon ang matibay na katunayan ng kanyang pagtataksil...

Hindi ako nakapagsalita gusto ko syang saktan pero hindi ako marunong manakit ng babae, nabigla si Lena ng bigla kong itinaob ang lamesang aming kinakainan...

Tila isa itong inosente sa ginawa nyang kabalbalan, matapos ang lahat ng ginawa ko ito ang igaganti nya.. putang ina! Hindi nakapagsalita si Lena ng sabihin kong hindi ako ang ama ng batang yan!!! Taksil ka!! Pano mo nagawa sakin ito!!! Wika ko at iniwan ko syang tulala at di makapaniwala nanginginig sya sa takot.

Pero Andrew.. bakit wika nya habang pilit akong niyayakap, tinulak ko sya sumadsad sya sa sahig pero wala akong pakialam!! Dapat lang sa kanya yon poot na poot kong nilisan ang bahay na yon.. Nagpakasasa ako sa alak, umaga na ng bumalik ako sa bahay namin, nakita kong tulog sa sala ang aking asawa..halatang hinintay ang aking pagdating..

“Gumising ka nagugutom ako! Kakain ako!! Singhal ko sa kanya wala na ang lambing sobrang lamig ng pakikitungo ko gusto kong maramdaman nya ang sakit ng maiputan!! Dali dali namang tumalima si Lena pingsilbihan nya ako, hinubad ko ang damit ko at itinapon ko sa kanya.. Sabay nahiga sa sofa
“Akala ko kakain ka nagluto na ako kumain kan habang mainit pa mahal.. Wika ni Lena naglalambing ito. “Kakain ako kung kelan ko gusto wala kang pakialam!!!bwisit ka umalis ka sa harap ko. Tumutulo ang luhang iniwan ako ni Lena... Paggising ko handa na ang mga damit ko tulad ng dati kahit galit ako sa kanya ay di sya nagsasawang asikasuhin ako hindi nya ako kinokompronta, guilty marahil at inuusig na kunsensya!!

Habng naglalakad ako ay narinig ko ang tsismis ng mga kapitbhay may lalaki daw na pumunta samin nung wala ako nagyakapan daw sila ni Lena..at umiiyak pa, putang ina ito siguro ang kabit nya... Inaahas nya ako sa sarili kong pamamahay, sa halip na umuwi ay dumiretso ako sa beerhaus nagpasasa sa alak baka sakaling malimutan ko lahat..umuwi ako sa bahay ng hatinggabi na nadatnan ko na namang tulog ang aking asawa sa kahihinty sakin malaki na ang kanyang tyan subalit sa tuwing makikita ko to lalo lamang akong namumuhi sa kanya, gusto ko syang iwan pero wala pa akong lakas ng loob mahal ko pa din sya at galit na glit ako sa sarili ko ...

Gumising ka! Tang ina mo..ikuha mo ko ng beer sa ref!!!singhal ko dali dali namang tumalima ang aking aswa..

Sumayaw ka!! Maghubad ka at sayawan mo ako!!! Wika ko, may paga alinlangan ang aking asawa subalit gusto ko syang bastusin !!! Para maramdaman nya ang sakit ng pagtaksilan, sa nakita nyang poot sa mata ko at sa takot na saktan ko sumayaw ang aking asawa kahit malaki na ang tyan nito ay sumayaw ito habang tumutulo ang luha, kagat labi nito sa hiya at takot sa kin .

Ako namay uminom ng beer humahagulhol habang pingmamasdan sya..ilang ulit ko pang ginawa yon lahat ng pangiinsulto at panunumbat natikman nya sakin.. Subalit hindi nagbabago lahat ng pagsisilibing ginawa nya..hindi sya nagsasawang mahalin ako sa kabila ng mga pangiinsulto ko
Itinulak ako ng aking paa sa condo ni Lorraine.. Inilabas ko ang aking problema.. Iyak ako ng iyak sa dati kong katipan.. Pilit nyang sinasbi sakin na iwan ko si Lena at magsama kami uli tatanggapin daw nya ako dahil hanggang ngayon ako pa din daw ang mahal nya... Hindi ko alam kung bakit kumabog ang dibdib ko sa mga salita nya antagpuan ko na lang ulit ang sarili ko sa isang ospital..

Para sa ikatlong opinyon.. At nabigla ako sa resulta!!! Hindi ako baog!! Pumunta ako uli sa isa pang ospital at ganon din ang lumabas hindi ako impotent, kinompronta ko si Lorraine at napilitan syang aminin na gusto daw nyang gumanti sakin di daw nya matanggap na ipagpapalit ko sya kay Lena labis ang poot ko muntik ko ng malimutang babae sya hinamon ko na magkita kami sa korte!!!

Muntik ng masira ang pagsasama namin dahil sa mga walang kwenta at makasarili na tao, ganundin ang ginawa ko kay Joel dalawang magasawang suntok ang binigay ko sa kanya, napakahayop nyo mula ngayon hindi ko na kayo kilala magkita kita tayo sa korte sisiguraduhin kong matatanggalan kayo ng lisensya!!! Banta ko...

Dali dali akong umuwi ng bahay, gusto kong humingi ng tawad kay Lena napakalaki ng kasalanan ko sa kanya babawi ako s mahal ko... Hindi ko dapat pinagdudahan ang pagmamahal nya sakin.. Halos palipadin ko ang sasakyan makarating lang!!

LeNa!!! Lena!!!! Wika ko hinanap ko sya sa buong kabahayan subalit wala sya!! Lena!!! Dyos ko iniwan na nya ako marahil nagsawa na sa mga pangiinsulto at panunumbat araw araw!!!  Lena!!!! Mahaba kong sigaw.. Iniwan na ako ng asawa ko, ang sakit sakit ng nararamdaman ko noon sising sisi ako nawala na sa buhay ko si Lena... nanghihina akong napaupo sa sofa nakasiklop sa mukha ko ang dalawa kong palad, patuloy akong lumuluha...

“Andrew?...

Buong kagalakan kong tiningnan ang aking asawa, may dala dala itong basket na tila kakapamalengke lang bakas sa mukha nito ang takot sa akin narinig siguro nito mula sa labas ang aking sigaw.. awang awa ako sa aking asawa takot na takot ito at nangangatal pa ang labi. “San ka galing? Mahina kong wika non palang ay gusto ko na syang yakapin. Namalengke kasi ako, wag kang magagalit sakin .. Wala na kasi tayong stock utal utal nitong sabi...

“Galit kaba sakin mahal ko, buong pagmamahal ko syang tiningnan nabigla sya sa tanong ko pagkakuway biglang napahikbi.. Umiling sya.. Hindi nako nakatiis niyakap ko ang aking asawa “sorry mahal ko patawarin mo ako... Huhuhu patawarin mo ako yakap yakap ito...

Sinabi ko sa kanya lahat ng ginawa nina Lorraine at Joel at nangako ako pananagutin ko ang dalawa... Tinanong ko sya kung bakit hindi nya ako iniwan ang sabi nya kulang pa ang buhay ko para mabayadan ka sa lahat ng ginawa mo sakin at isa pa alam ko babalik din ang dating Andrew oras na mailuwal ko ang ating anak.

Mahal na mahal daw nya ako at kahit kelan ay hindi nya kayang magalit sa akin... Handa syang magtiis at alam nya sa sarili nyang wala syang kasalanan tinanong ko din sya tungkol don sa lalaking nakikita ng mga kapitbhay namin.. Nalamn ko na ito pala ay ang kanyang kapatid balak nya itong ipakilala sa akin masaya sya at muli na itong nakita ...dangan na lang at nagkaron kami ng problema kaya ipinagpaliban nya muna... Labis labis ang paghingi ko ng tawad sa aking kasalanan sa kanya
“Sorry mahal ko? Mapapatawad mo ba ko? Wika ko.

“Di naman ako galit sayo .. Babalik kana sa dati ha... Tila bata itong humihikbi hinalikan ko din ang kanyang tiyan at sinabi kong sorry din baby... Awang awa ako sa sinapit ng aking magina at hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may nangyari sa kanila... Hindi ko na idinemanda si Lorraine at Joel sa kagustuhan na din ng aking asawa intindihin ko na lang din daw si Lorraine na labis akong minahal at si Joel na nooy may gusto lang kay Lorraine...labis nya akong napahanga, napakaswerte ko at paulit ulit akong nagpapasalamt at ibinigay sya ng Diyos sa akin, na walang kasing bait, maunawain at dakilang may bahay na kahit kelan ay hindi ko kayang ipagpalit sa kahit anong bagay sa mundong ito... wakas

Lunes, Enero 13, 2014

Ugaling Pilipino Daw: Walang Magagalit

Hango po ito sa FB post na akin namang -REPOST dito para sa mga tagabasa ko na hindi nilang nabasa ito... kunin na lang natin yung aral nitong kwento.
 
Kaya bihira kang makakakita ng mayayaman na maluho. Nagbubuhay mahirap sila kaya magugulat ka na lang kung anong meron sila. Kung meron man, malamang kurot lang sa kanila yun. Very realistic story. Please read. You might want to share this after reading it. KUROT PRINCIPLE Ano yung Kurot Principle? Ay, ang ganda nitong Kurot Principle na ito. To better understand this, I will tell you a story of a person na balak bumili ng cellphone worth P1,000. Nagkataong mayroon siyang P100,000 na savings. Puwede ba siyang bumili ng cellphone? Puwede, kasi yung P1,000, KUROT lang ‘yon sa kanyang savings. May pangalawang taong balak bumili ng cellphone.
 
Ang bibilhin niya ay worth P1,000 din. Mayroon siyang savings sa bangko na P1,000. Bumili siya ng cellphone. Anong tawag dun? DAKOT na ‘yun! Dinakot lahat ang pera niya! May pangatlong tao, balak bumili ng cellphone, pero walang savings. P1,000 lang naman ‘yung bibilhin niya. Bumili siya. Anong tawag ‘dun? UTANG na ‘yun! Ang tanong: ano’ng prinsipyo ang ginagamit mo sa buhay mo? KUROT, DAKOT, o UTANG? Magtataka pa ba tayo kung bakit tayo naghihirap o baon sa utang? Ang gagaling nating dumakot! Ang gagaling nating umutang! Gusto mong yumaman? Starting today, matutong kumurot. Kapag may bibilhin, dapat kinukurot lang! Nagkakaintindihan ba tayo? Kapag ginawa mo ito, pangako, yayaman ka. Pag-aralan nating muli ang mga pinakamayayaman sa Pilipinas, ang Chinoy.
 
Again, bakit sila mayayaman? Ang gagaling nilang… kumurot! Tayo ang gagaling nating… dumakot! Sasampolan kita… PINOY VS. CHINOY BUSINESSMAN May dalawang negosyanteng nagsimula ng kanilang negosyo, isang Pinoy at isang Chinoy. Ang capital nila pareho ay P100,000. Sa unang buwan, si Pinoy, kumita ng P10,000. Ano ang iniisip bilhin? Cellphone. Si Chinoy, kumita rin ng P10,000. Ano ang gagawin niya? Idadagdag niya sa puhunan. So magkano na ngayon ang puhunan ni Chinoy? P110,000! Si Pinoy, P100,000 pa rin, pero may bago siyang cellphone. Ang ganda! Ituloy natin. After a few months, maganda ang takbo ng negosyo. Si Pinoy kumita ng P50,000. Ang Pilipinong may P50,000, ano ang balak bilhin? Bibili siya ng home theater, DVD, at LCD TV! Si Chinoy, kumita rin ng P50,000. Anong gagawin niya? Idadagdag uli sa puhunan niya. Magkano na ang puhunan niya? P160,000 na! A few months later pa, ang Pinoy kumita ng P150,000!
 
Ang Pilipinong mayroong P150,000, ano ang balak bilhin? Second-hand na kotse o pang-downpayment sa bagong kotse. Ang Chinoy, may P150,000. Ano’ng gagawin niya? Idadagdag sa puhunan! Magkano na ang puhunan niya? P310,000! Buwan-buwan, si Pinoy kumikita. Dagdag siya ng dagdag ng gamit. Magkano ang puhunan niya? P100,000! Si Chinoy, buwan-buwan kumikita. Ano ang ginagawa niya? Dagdag ng dagdag sa puhunan niya. One day, Chinoy was able to save P1 million! So ginawa niya, he approached one supplier and said, “Supplier, kung bibili ako sa‘yo ng worth P1 million, bibigyan mo ba ako ng discount?” Hulaan mo kung ano ang sasabihin ng supplier. “Of course, ang dami mong bibilhin, kaya bibigyan kita ng additional 5% discount!” Ngunit naisip ni Chinoy, “Hindi naman yata maganda na sa akin lahat ang 5%. Ang gagawin ko, bibigyan ko ang customers ko ng 3% discount at sa akin na lang ‘yung 2%.” Ibig sabihin, bababa ang presyo ng kanyang mga ibinebentang produkto. It just so happened na magkatabi ang tindahan ni Chinoy at ni Pinoy. Pareho sila ng mga produktong ibinebenta. Given the situation, kanino kayo bibili?
 
Kay Chinoy, because it’s cheaper. Ano ang mangyayari sa negosyo ni Pinoy? Malulugi na. Kasi mas mahal ang kaniyang produkto. Ano ang gagawin niya? Ibebenta niya ‘yung kotseng nabili niya ng P150,000. Sino ang bibili? Siyempre, ang maraming pera, si Chinoy. Tatawaran pa ni Chinoy ang kotse ng P80,000. Dahil gipit na si Pinoy, kahit palugi ay ibebenta na rin niya. Si Chinoy ngayon ay nagkaroon ng kotse na murang-mura lang! After a few months, mauubos din ang P80,000 ni Pinoy. Ano ang susunod na gagawin ni Pinoy? Ang home entertainment niya ay ibebenta na rin. Magkano? P20,000 na lang. Sino ang bibili? Si Chinoy. Darating ang araw na pati ang cellphone ni Pinoy ay ibebenta na niya. Magkano niya ibebenta? P2,000 na lang! Isang araw, magsasara na ang negosyo ni Pinoy.
 
Ano ang gagawin niya? Malamang, magtatrabaho na lang siya kay Chinoy. Ito ang kuwento ng bansang Pilipinas! Naalala mo pa ba noong araw, mas mayayaman ang mga Pinoy kaysa sa mga Chinese. Bakit nagbago? Ano ba ang problema natin? Dakot kasi tayo ng dakot! Sila, kurot lang ng kurot! Mayroon kaming naging participant before na nagsabi, “Sir, hindi naman totoo ‘yan! I know a Chinoy, he drives a BMW. That’s a P5 million car! Kurot ba ‘yun?” Malamang kurot ‘yun! Noong binili niya ‘yun, mayroon na siyang P100 million na savings! So kurot lang ‘yun! Nandiyan ka pa ba? ISANG KAHIG, ISANG TUKA Saan ka makakakita ng mga taong isang kahig, isang tuka? Saan? Sa squatters area? Magtigil ka! Gusto mo’ng makakita ng mga taong isang kahig, isang-tuka?
 
Sa Ortigas, sa Makati, may makikita ka. What do I mean? Kapag hindi ka sumuweldo ng isang buwan, mabubuhay ba ang pamilya mo? Kung wala kang credit card, kung mawalan ka ng trabaho ngayon, ilang araw ang aabutin para mabuhay ng matino ang pamilya mo? Kapag nawalan ka ng suweldo, patay ka! Ang mga Chinoy, kahit hindi muna kumita o magnegosyo, mabubuhay ng maganda. Bakit po? Kasi many years ago, kumahig sila ng kumahig at tumuka lang konti. Kaya marami sa kanila ngayon, tuka na lang ng tuka. Maraming Pinoy, kapag hindi tayo kumahig, wala tayong tutukain. Ito ang masakit–sometimes, kahit matanda na tayo, kahig pa rin tayo ng kahig. Gaano karaming Pilipino ang 60 years old na ay trabaho pa rin ng trabaho? Puwede ba, simula ngayon, kumahig ka nang kumahig at iwasan munang tumuka. I-deprive ang sarili ng kaunti. Ang pinakamasakit sa lahat ay ito–one day, you want to work, but you cannot work. You are already old.
 
Why? Nagpakasasa ka kasi noong bata ka pa. Inubos mo na lahat ng lakas at kalusugan mo sa bisyo. Tanong: Masama ba’ng bumili ng mahal? Sagot: Hindi! Basta kinukurot lang! Kapag nakakita ka ng kasamahan mong naka- Nike shoes, huwag mong husgahan kaagad iyong tao! Malay mo, kinurot lang niya iyon. At the end of the day, what is happening to other people is not important. What’s more important is what is happening to you. (Excerpted from Vic and Avelynn Garcia’s book entitled Kuntento Ka Na Ba Sa KaPERAhan Mo?)