Kung ang pag-uusapan ay ang kanya kanyang lugar na pinangalingan dati hindi ko siya ipinagsasabi o pinagyayabang sapagkat wala naman akong mapapala kung gawin ko yun. Pero bakit ngayon ay isinasama ko pa sa aking blog na ito, ibig bang sabihin na may napapala na ako sa ginagawa ko. Ganon pa rin ang tangi kong maisasagot - wala namang gaanong mapapala. Subalit noon yun makaraan ng ilang taon marami na ang pagbabago sa lugar, pero naroon pa rin ang tahimik at maayos na pamumuhay ng mga tao.
Tulad ng sabi ko makaraan ng ilang mahahabang taon makikita na ang malaking pagbabago sa paligid - dati ilan pa lang ang magagandang bahay sa buong kabuuan ng barangay. Ito ay binubuo ng tatlong bahagi ang Purok 1, Purok 2, at ang Purok 3. Kilala naman ang Bancuro sapagkat dito matatagpuan ang Simbahang Bato (sa Purok 3). Sa mga nakaraan kong salaysay nabanggit ko na ang tungkol sa Simbahang Bato.
Sa pagpasok mo pa lang sa Barangay Bancuro makikita mo na agad ang bulwagan ng Benilda Resort sa bandang kaliwa at sa bandang kanan naman ay ang isa pang resort na pag-aari ng isa ring mayaman sa lugar.
Ang Benilda Resort ay pag-aari ng isang pamilya na tubong Bancuro. Ang pangalang Benilda ay hango mismo sa pangalan ng may-ari ng resort. ilan sa mga pwedeng pakinabang sa pagpunta sa Benilda Resort ay ang mga sumusunod:
- Kung ang gusto ay buong pamilyang kasayahan bukas ito para sa mababang halaga lang.
- Mga pagpupulong pangkabuhayan o pampulitika - meron silang lugar para dito
- Kung swimming pool maganda at maayos na kapaligiran
- Pahingahan kung pribado o public
- Kainan na magbibigay ng mga pagkaing inyong maibigan
- Palaruan para sa indoor at outdoor sport.
- Horse riding or Kalesa riding
- Butterfly Sanctuary
- At maraming pang iba
Iyan ilan lamang sa maidudulot ng Benilda Resort Bancuro, Naujan Oriental Mindoro. Sa may nagnanais na maranasan ang bago sa makabagong lugar ng Bancuro,mag email lang sa marloeva@gmail.com, upang kayo ay aking matulungan. Sa totoo lang ako po ay taga roon bale kabilang bakod lang ang tahanan ng aking mga magulang.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento