Ano nga ba ang mga pinagdaanan bago ang kaganapang ito. Sa awa at tulong ng Diyos nabigyan ng kakaibang kaisipan ang aking panganay naroong siya ay naging valedectorian sa high school. Masasabi kong hindi naman kakikitaan ng mga palatandaan ng pagiging matalino - subalit naroon sa kanya ang pagiging masipag, matiyaga at desiplina sa sarili at siempre naroon din ang mahalagang dalangin sa araw araw ng kanilang buhay.
Noong una nalagay sa isip ko na noong matapos ang high school nakakasigurado na akong makakapasok siya sa UP Diliman na isang scholar subalit hindi nangyari ang ganon. Nakapasa siya sa UP at kinuha ang nararapat na kursong ECE. Noong simula medyo nakita ko na ang magiging problema sapagkat kung ang kinikita ko sa buwanan ang tatanungin hindi ito sapat sa isang college na araw araw ay namamasahe. Idagdag pa rito ang pagkain at iba pang gastusin.
Subalit nabigyan ako ng pagkakataon at ng medyo magandang resulta sa aking pagtitiyaga at hilig sa pag-gawa ng mga e-books. Noong una sabi ko paano kaya ako kikita rito samantalang wala naman akong kakayahan at kaalaman tungkol sa internet marketing. Naroon pa ang nakapalibot na iba't ibang parunggit na nag-aaksaya lang daw ako ng panahon. Subalit naroon pa rin ang aking positibong kaisipan na balang araw kikita rin ako kahit papaano sa aking mga ginagawa. Pinag-aralan ko ang mga bagay na naka-lakip sa aking ginagawa hanggang natutunan ko unti-unti ito.
Sa ngayon masasabi kong malaki na ang naitulong ng aking mga ginawa noon at ito ay nakatulong na ng malaki sa pag-aaral ng aking dalawang anak. Bakit kamo. Noong unang enrollment sa college nakapag-ambag ang mga ginawa ko ng Php:10,000 na sa awa ng Diyos maganda ang naging result sapagkat matataas ang grado ng anak ko. Sa ikalawang pagkakataon makatutulong din ulit ito sapagkat nakapagpadala na ako ng Php17,000 na kung makikita ay lumaki ng kaunti kumpara sa dati.
Sa aking kaisipan at patuloy na ginagawa kaugnay dito, patuloy kong pasisikapang mapaganda pa ang aking mga ebooks na makikita sa https://www.tripleclicks.com/ECA/ECAMyStore.php?id=2916 kaya kayo inaanyayahan ko kayong bumisita dito.
Sa mga susunod na paglalarawan ko ay ang tungkol naman sa iba't ibang naging balakid sa aking mga ginagawa..
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento