Kumusta na.. sigurado ako na medyo magugulat kayo at baka nga iisipin pa ninyo na "ano naman ito galing kay papa ang haba". Wala lang medyo miss ko lang kayong dalawa hindi na nga ako nasanay samantalang marami ng taon ang lumipas na malayo ako sa inyo, siguro ganon lang talaga ako para naman maibahagi ko yung mga ilang bagay bagay sa karanasan ko na pwedeng kapulutan ng aral ninyo. Sa totoo lang natutuwa ako kasama ang mama ninyo kasi mababait, masunurin, hindi sakit ng ulo di tulad ng ibang anak, masisipag mag-aral, matatalino, pogi at maganda siempre. Lagi ko nga kayong ipinagmamalaki kahit kanino na maka-usap ko na mapag-uuasapan ang mga anak. Parang kailan lang pareho na kayo ngayong binata at dalaga na, pero wag naman kayong makukulitan sa amin ni mama ninyo sa paulit-ulit at walang hanggang pagsasabi ng mag-aral ng mabuti, gawing priority ang pag-aaral kasi yun lang ang aming maibibigay sa inyo. Nakikita naman ninyo yung pagsisikap namin ni mama para lang makapag-aral kayo.
Tulad ngayon binata at dalaga na kayo batid namin ni mama na may mga bagay na kayong mararanasan, ito man ay tagumpay o kabiguan. Pero ang sinisigurado namin sa inyo nasa likod ninyo lagi kami umaalalay, dumadalangin sa Diyos, mag-aadvice at tumutulong. Kahit anong bagay, ito man ay personal na damdamin or panlabas na pangyayari - maaasahan ninyo kami na laging nakikinig at hindi kami magiging hadlang subalit hayaan naman ninyo na maging kabahagi kami ni mama at pakinggan naman sana ninyo yung side namin malay mo tama pala kami ng payo. Kung nabasa ninyo sa bible sinasabi roon na "mga anak igalang at sundin ang mga utos at payo ng magulang para humaba ang inyong buhay".
Alam din namin na mararanasan o nararanasan ninyo yung sinasabing puppy love, crash, love and true love. Pero hindi kami ni mama ang magiging hadlang sa ganong sitwasyon ang sa amin lang payo, paalala na unahin ang pag-aaral. Kasi yan din yung pangaral na tinanggap ko sa Inay at Tatay noong nag-aaral pa ako, ipinakita nila sa akin yung mga bagay na ikasasama kung hindi magiging tama at padalos dalos na pasya dahil lang sa kapusukan at kung ano yung nararamdaman. Unang una kong nakita noon sa inay at tatay noong nag-aaral ako yung kanilang pag-hihirap at tiyaga para lang matugunan yung aking pag-aaral, kaya yun ang naging sandigan ko para magsikap na matapos sa pag-aaral. At naging panuntunan ko na hindi magiging hadlang yung damdamin ko kung iibig din lang ako, kailangang matapos muna ako bago ang lahat. Pero mali ako kasi sa murang edad nakaramdam na rin ako ng pag-hanga sa babae yun yung puppy love (elementary yun) tuksuhan, hanggang doon lang yun kasi nga lagi kong naaalala yung pangako ko sa sarili ko na kailangang matapos ako sa pag-aaral. Sa high school 1st & 2nd year sinubukan kong manligaw busted ako masakit mabigo kaya doon ako natuto na kailangan pala wag buhos yung damdamin sa ganong bagay naapektuhan ang pag-aaral ko pero naalala ko ulit yung sinabi ko sa sarili ko na pag-aaral muna.

Tapos unang girlfriend ko noong 3rd year ako nasabi ko sa sarili na kakaiba yung nararamdaman ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganito - gusto ko lagi ko siyang nakikita, lagi kaming magkasama, nag-uusap, at natanong ko sa sarili ko ito na ba yung true love? Pero hindi pala noong matapos yung high school nagkahiwa hiwalay na kami ng papasukang school, mga unang 3 buwan naroon yung communication sa sulat hindi pwedeng dumalaw kasi nasa Maynila ako siya ay nasa Batangas. Hanggang parang kusang nawawala na lang siguro malayo tapos ibang environment at karanasan ang aking kinakaharap. yung sa college bago na lang ulit yun.....
Kaya ngayon ang masasabi at payo ko lang sa inyong dalawa nakakaramdam o nararanasan ninyo yung tinatawag na puppy love, crush, love or sa tingin ninyo ay true love - huwag na huwag kayong padadala sa inyong damdamin, hinay hinay lang magkamali kayo ng pasya bagsak lahat ang pangarap ninyo. Kaya nga sa panahon ngayon marami ang nasisira ang pag-aaral dahil sa maling pasya nagpapadala sa tuksuhan, kahiyahaan, napasubo - hindi iniisip yung mga pangako at priority sa buhay. Wag kayong magmamadali lalo na sa pag-ibig minsan sinungaling ang puso akala mo yun na yung totoo pero hindi pala. At sa pakikipag-relasyon - dapat maging maunawain, matalino sa pagpapasya, dapat alam ng babae at lalaki kung ano ang limitasyon, ano yung bawal, ano yung dapat unahin at nagkaka-isa ng gusto para tumagal yung pagsasama ng dalawa. Hindi pwede yung subrang higpit na parang hinahawakan ng lalaki sa leeg si babae at masyado namang selosa ni babae - sabi nga give and take. Wag masyadong showy na kahit nasa loob ng school kahit na ipinagbabawal eh naroon yung lampungan, igalang dapat ang lugar.
Hindi kami ni mama nagagalit o hadlang sa ganon, magagalit lang kami kung napabayaan na ninyo yung pag-aaral na dati matataas yung grades ng dahil lang doon bumaba. Magagalit kami kung yun ang naging priority ninyo, na yun ang makikita naming naging sanhi ng pagbaba ng inyong mga grades. Pero tandaan ninyo "you cannot serve two masters, one you love and other you hate" - Ibig kung sabihin kapag sinabi nyo na kaya nyong pagsabayin yung pag-aaral at pag-ibig medyo mali yung pasya ninyo kasi hindi nyo sila mapagsasabay isa sa kanila ang mag-sasuffer. Pwede nyong pagsabayin yun pero mas priority yung pag-aaral, sabi nga kailangang maging inspiration lang yung pag-ibig kung percentage naman kailangang 10% lang yung pag-ibig and the balance 100% sa pag-aaral. Mataas ang expectation namin sa inyong dalawa na makakatapos kayong dalawa sa inyong respective school and year with honors kasi alam namin na kaya ninyo yun kung pagtutuunan lang ninyo ng priority at pansin.
Salamat sa inyong magtitiyaga sa pag-aaral yan din naman ang nagiging kalakasan ko dito kahit malayo ako kasi kapag nalalaman ko na nagsisikap kayo at matataas ang mga grades ninyo praud ako bilang ama. Kaya kung tiisin ang anumang hirap, bigat ng trabaho at lungkot makita ko lang na yung ginagawa ko ay may magandang resulta. Pasensya na kayo kung minsan nag bibiro ako ng hindi maganda or minsan hindi ninyo ma carry.
Sana kahit mahaba ito at boring basahin at bigyan ninyo ng kaunting pansin at sana may mapulot kayong mahalagang aral.

2 komento:
I would like to exchange links with your site visavis-kabulastugan.blogspot.com
Is this possible?
ok no problem
Mag-post ng isang Komento