Sa Bancuro kapag sasapit ang buwan ng Marso at April noon kung saan tatapat ang Mahal na Araw may isang kaugalian na namana na ng mga taga-roon ang pabasa. Ano ba itong pabasa o sulbutan? Ang pabasa ay ang pagbasa ng buong pasyon mula sa simula hanggang katapusan ng aklat na ito. Kung tutuusin ito ay binabasa ng may himig na paawit at ang bawat lugar o probinsya ay may kanya kanyang himig o tuno kung paano ito basahin ng paawit. Ang kaugaliang ito ay namana sa mga Kastila na kung saan sila rin ang nagdala ng relihiyong Katoliko. Masasabing kaakibat na ng Katolisismo ang pagbasa ng pasyon.
Ang pasyon ay ang buhay ng ating Panginoong Hesu Kristo mula ng siya ay bata pa hanggang sa pagkabuhay na muli mula sa mga patay kasama ang kanyang pagbabata ng hirap sa krus ng kalbaryo. Balikan natin ang pabasa sa Bancuro sapagkat hindi basta-basta ang mag-pabasa ng pasyon doon. Kinakailangang handa sapagkat kailangan dito ang pera, oras at iba pa. Sa mga taga-roon ang pabasa ay ginagawang panata na nila taon taon o pangako ika nga ng isang pamilya o pasasalamat sa isang bagay na nangyari sa kanilang buhay. Sa ibang probinsya o lugar nagkakaroon sila ng pabasa pero ginaganap nila ito sa kapilya o simbahan lamang, subalit sa Bancuro ito’y ginaganap sa bahay mismo ng pamilyang nagpa-unlak sa pasulbot.
Ang pabasa ay sinisimulan, karaniwan na sa bandang hapon sa araw na itinakdang magpabasa ng isang pamilya. Ito’y matatapos sa kinabukas ng bago mananghalian depende sa bilis ng mga mambabasa. Ito’y walang tigil na pagbasa ng paawit na kung pakikinggan mo ay maganda lalo na kung sagutan ang lalake at babae sa pagbasa. Sa Bancuro karaniwang mga matatanda ang nagsasagawa ng ganitong pagbabasa, iba nga sa kanila ay kabisado na ang pasyon. Hindi naman kailangan maganda ang boses mo sa pagbasa ng paawit ng pasyon ang mahalaga nasa puso mo at naaayon sa tuno na isinasagawa ng karamihan.
Aasahan mo na maraming handa ang may pabasa sapagkat tulad ng sabi ko ito ay pinapaghandaan malayo pa ang pabasa. Nariyan ang kape, salabat (luyang nilaga), minsan may juice, alak at siempre may tinapay din. Ang mga mambabasa ay doon na maghahapunan, almusal at tanghalian kung kaya karaniwang nagkakatay ng baboy, kambing, manok ang may pabasa. Meron din naman na naghahanda ng isda tulad ng dalag, hito, gurami, biya, buwan buwan, hipon, also, tilapia at ibang isda. Hindi lang naman mga mambabasa ang pwede sa pagkain, ito ay bukas para sa lahat, kaya nga dumarami ang mga naroon ay dahil sa pagkain, at minsan pagkakain nawawala na ulit sila lalo na kung magmamadaling araw na.
Naalala ko pa nga ang ilang linya sa pasyon – “ano pa nga at iisa ang loob nilang dalawa, mahusay ang kanilang pagsasama”. Yan yung linya sa pasyon na hanggang ngayon ay naaalala ko pa. Marunong din naman akong bumasa ng pasyon sapagkat nakakasama minsan ako sa Inay sa pagbasa ng pasyon. Ang Inay talaga ang batikan sa pagbasa ng pasyon sapagkat idinarayo pa nga sila ng iba ko pang mga tiyahin. Aasahan noon sa Bancuro na kapag sumapit na ang semana santa medyo gasgas na ang boses ng Inay sapagkat lagi nga siyang nakukumbida sa pabasa. Sabi ng lola ko sila daw ay nagpapabasa rin noon ng pasyon. Natatandaan ko rin na kapag nagbabasa ako ng pasyon kapag sinimulan ko ang isang talata kabisado na ng lola ang mga kasunod na talata hanggang matapos ang bakanata. Ganyan ang mga matatanda noon sa Bancuro kabisado nila ang pasyon.
Subalit minsan kung iisipin mo at aalalahanin mo ang mga nakalipas tungkol sa pagbasa ng pasyon tanging mga ala-ala na lang ang natitira sapagkat iilan o masasabing nawawala na ang ganitong kaugalian. Siguro unti unti ng nauubos ang mga matatanda na naroon yung kanilang pagpupursige na ipagpatuloy ang ganitong kaugalian. Sa ngayon makabagong panahon, ang pagbasa ng pasyon ay sa mga simbahan na lamang mo maririnig, meron man sa radyo na lamang. Masasabi rin natin na nawawala ang mga ganitong kaugalian sa dahilang mahirap ang buhay, unti unting napapalitan ang ilang ugaling pang simbahan sa mga naglalabasang mga ibat ibang simbahan.
Malaki rin ang nai-ambag ng pagbasa ng pasyon sa kultura ng ating bayan, hindi lamang sa mga probinsya ganon din sa mga bayan. Sa Bancuro ang alam ko madalang na madalang na lang ang nag papasulbot o nagpapabasa sa kanilang bahay. Aasahan sa mga susunod na panahon na tuluyan ng mawawala ang ganitong kaugalian o tanging Diyos na lamang ang nakaka-alam kung mananatili o mawawala na talaga ito.

3 komento:
Ano Ang pamagat Ng kuwento,bakit
Sino sino Ang pinag usapan sa kuwento
Ano Ang nilalaman Ng kuwentong binasa
Mag-post ng isang Komento