Marami ang nagtatanong okay lang ba ang mangutang ang isang tao kung may inaasahan naman silang sahod buwan-buwan? Iyan ang karaniwang katanungan siguro lahat na nag-iisip na baka yun ang daan para maiba naman ang takbo ng buhay. Tulad na lang ng mga kababayan nating ginagawa ang lahat para lang maka-alis sa bansa natin. Narito ang isang katutuhanan sa buhay ng isang kababayan natin na nasa ibang bansa… na ganito ang kanyang tanong.
Karamihan daw kasi sa mga kababayan natin ay kinailangang mangutang ng malaki para lang may maipambayad sa agency at makarating sa pinag-applayang agency kung saan may trabahong naghihintay. Partikular sa mga taong pumapasok sa ganitong sitwasyon ay walang makuhang trabaho sa Pilipinas meron man ay hindi sapat sa pang-araw araw na pangangailangan. Sa ganitong tanong nais malaman kung tama ba o hindi na mangutang sila nang pangmatagalan, gaya ng pambili ng bahay mula sa SSS o Pag-Ibig, gayung wala naman daw katiyakan ang kanilang trabaho.
Alam kong marami sa ating mga kababayan ang handang mangutang ng malaki para lang makaalis sa bansa dahil wala silang makuhang maayos na tabaho rito. Wala namang masamang makipag-sapalaran, pero bago nila gawin ito, sana lang ay kuwentahin muna nila kung mababayaran ba ng inaasahan nilang suweldo ang uutangin nila. Kung hindi, bakit pa sila aalis? Maghihirap lang sila nang walang katuturan. Wala rin silang kikitain kundi pambili ng pagkain at upa sa titirhan, sayang lang ang pagod.
Puwera na lang kung gaya sila ng ilan na wala pang mabigat na responsibilidad kundi ang sarili lang, at gusto lang magkaroon ng karanasan sa ibang bansa. Wala akong masasabi kung gayon dahil personal na opinion na ninyo yun.
Pero para sa akin, kung ang lahat ng kikitain ninyo sa pangingibang bansa ay magiging pambayad-utang lang din, mas maigi pa sigurong huwag na lang din, mas maiging wag na lang umalis. Kailangan siguro’y mag-ipon na lang muna kayo at maghintay bago ninyo ipagpatuloy ang plano. Lalo na kung ang uutangin ninyo ay walang hinihinging kolateral – siguradong malaki ang sisingiling patubo niyan at sa huli, halos lahat ng kikitain ninyo ay ipambabayad lang ng patubo at hindi halos nababawasan ang inyong utang. Masasayang lang ang pagsasakripisyong mawalaay sa pamilya nang matagal na panahon.
Kung walang katiyakan ang trabaho, hindi dapat umutang ng pantayo ng bahay. Sa totoo lang hindi talaga kayo dapat bumili ng bahay kung paunang bayad lang ang kayang ibigay at hindi pa sigurado kung regular bang maibibigay ang buwanang hulog. Kapag kasi ganyan, may malaking panganib na maremata lang ang bahay at mauwi lang sa wala ang lahat ng ibinayad. At hindi pa naman basta-basta maibenta ang bahay, lalo na kung hinahabol ng bangko, SSS o Pag-Ibig dahil hindi makabayad ng utang. Mas mabuti pang mag-ipon na lang muna ng pera at kapag sapat na ang perang pabayad sa lahat ng gastusin sa pagbili ng bahay saka na lang dapat kumuha ng housing loan.
Sana maging aral sa makakabasa ito o doon sa mga magbabalak mangutang.

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento