Quality Coffee

Quality Coffee
Healthy Food

Lunes, Enero 12, 2009

Bancuro after 5-10 years

Lahat ng tao kahit saang sulok ng mundo gusto ang pagbabago. Anong pagbabago ba ang gusto lagi ng tao? Pagbabago sa kalalagayan sa buhay, kinalalagyan, kanaroroonan, gusto sa buhay, kapaligiran at maraming pang pagbabago ang hindi na halos mabilang sa daliri ng kamay at paa. Kapag may nabago naman sa buhay ayon sa gusto asahan mong sa ilang panahon panibagong pagbabago ang ipinaghihimutok, ganyan na ata ang tao walang kasiyahan sa buhay. Pero matanong ko kayo - natanong na ba ninyo sa sarili ninyo ang ganito: Ano kaya ang kalalagayan o mangyayari sa akin makalipas ang 5-10 taon?

Sa isang lugar tulad ng Bancuro ano ang makikita o masasabi nating mababago sa kapaligiran, sa mga tao at sa kalalagayan ng lugar. Sasabihin na madali lang yung 5-10 taon hindi mo aakalain na tapos na yun sa ilang panahon. Ang natitiyak ko sa inyo ang Bancuro ay di tulad na ng dati may mga henerasyon na magbabalik na sa kanilang pinagmulan, meron namang hihina ng mga henerasyon at may mga bagong henerasyon na tutubo o lalabas. Dito sa mga bagong henerasyon matatanong - kapakinabangan kaya ito ng lugar o magiging sakit ito ng lugar?


Magpapasalin salin o may darating at may aalis sa lugar subalit ang lugar ay mananatiling nakabukas sa anumang pangyayari sa kapaligiran ito man ay maganda o pangit. Mga kwento ng iba't ibang tao, lugar o pangyayari sa lugar ang magaganap. Mayroon sisikat, may masasaktan, may tatawa at may-iiyak. Ito ay tulad ng araw na hindi mapipigilan sa pagsikat sa umaga at paglubog sa gabi. Makasaysayan na ang lugar bago pa man tayo dumating, may mga kwento ng nangyari na tanging ala-ala na lang ang natitira. Mga taong napamahal na sa kanila ang lugar sapagkat doon sila ipinanganak, namuhay at namatay. Mga taong hungkag sa pananalapi subalit kakikitaan mo ng tiyaga, sipag at pagmamahal sa lugar, mga taong dugo at pawis ang ibinuwis upang manatili lamang sa katahimikan ng lugar.


Maaalala ang malaking pagbabago mula sa ilawang gamit na aandap-andap, mga kalye na baku- bako, mga bahay na gawa sa pawid at kugon, mga bata na makalumang laruan ang gamit, mga tahanang walang awitan, panoorin, nga kalsadang walang sasakyan. Mula doon nadagdagan ng mga telebisyon, karaoke, kamera, radyo, trisikel, jeep, cell phone ang mga bahay ay naging yari sa bato at semento naroon ang ibat ibang colay ng ilawan na pinaandar ng elektrisidad. Makabagong kagamitan ang makikita sa bahay, damit, sapatos at iba pa. Pagbabagong kasama ang mga tao tungo ba ito sa pabuti o pasama?


Pero isa lang ang tiyak ako kahit anong malaki, maraming pagbabago sa paligid, ang Bancuro ay mananatiling isang lugar na tatanggap ng kahit anong pagbabago, ito man ay paganda o pasama. Lugar na masasabing tahimik, sagana at kasiya siya... Kita tayo after 10 years...... yahooooooo.

Sabado, Enero 3, 2009

Mga Ala-ala ng Nakaraan…

Sa buhay ng tao may mga bagay na laging umuukikil sa ating kaisipan, naroon yung mga bagay na maganda pero mas nakakasakit ng ulo eh yung mga bagay na masama o nakakalungkot at mga problema na siyang kukurta sa ating isipan. Kahit sino nakakaranas niyan, hindi pwedeng sabihin ninuman na wala silang nararanasang mga bagay na maganda o masama sa kanilang buhay. Ano nga ba ang isang malaking kaisipan na laging gugulo sa ating mga isipan kahit na sabihin mo na ikaw ay nasa isang lugar na masasabing tahimik at simple lang na buhay. Di ba “PROBLEMA”

Siempre naman problema ang siyang kaagapay ng isang tao mayaman, mahirap, pangit, maganda o mabuti man, tiyak na merong problema kahit papaano ika nga. Sabi nga kapag ang tao ay walang daw problema delikado daw yun baka nasisiraan na ng isip o di kaya baka hindi siya tao. Totoo yun kahit anong tamis mong ngumiti tiyak ako na meron ka ring problema sa kabila nito..

Alam nyo ba na minsan ang Bancuro ay binalot din ng matinding problema hindi lang yung mga pampamilyang problema kundi pangkalahatang suliranin. Ito yung nagkaroon ng napaka laking krimen na naganap at hindi lang isa kundi ilang beses din ito nangyari sa ibat ibang parte ng lugar. Naging batik ito sa imahe ng Bancuro, pero kailangang harapin ito at malampasan sapagkat ang bawat isa ay sangkot sa problema.

Unang krimen na aking natatandaan ay ang napabalitang patayan sa bandang sityo Butas kung saan dalawang katao ang pinatay ng kapwa kainuman, kapitbahay at kapinsan pa. Ano ang dahilan? Wala lang inuman na hindi nagka-intindihan na nagtapos sa malagim na kamatayan. Ang sabi nagkaroon ng usapang barakuhan, hayun dedo. Dito parang lumalabas na ang buhay ng tao ay parang buhay ng manok na pwedeng kitlin o kunin kahit anong oras. Nawawala yung kataasan at halaga ng buhay ng tao.

Natatandaan ninyo na kwento ko yung nangyari ding krimen sa sityo Pook naman na pinatay sa pamamagitan ng palo ng dos 4 dos na kahoy sa ulo, magkumpare sila, inuman din ang dahilan na hindi nagkaintindihan at bago pa yun matagal na rin nangyari kwento ko rin ang buhay ni Elino na nag-amok na nakapatay ng dalawang katao. Problema din ang nagbunsod sa kanila upang pumatay at magsisi sa bandang huli. Talaga ata na nasa huli lagi ang pagsisisi.

Isa pang krimen ay ang balitang pang-aabuso ng isang medyo matanda na sa isang menor de edad na may kulang ang pag-iisip. Ito medyo para sa akin mabigat na nagawa kasi wala sa katinuan ang inabuso, malaking pagsasamantala ito. Isipin ninyo ang lalaking ito ay may mga anak na babae rin, pero nagawa niya iyon. Nasaan ang kaniyang konsenya ika nga. At ito ang masakit noon – ang mga magulang ng bata ay kamag-anak ng asawa ng lalaki, ibig sabihin merong dugong nag-uugnay sa kanila.

Iyan yung ilang mga pangyayaring problema na ang naging ugat ng kasalanan at krimen. Subalit meron din namang mga magagandang pangyayari naganap, nagaganap at magaganap doon, naniniwala ako. Darating ang panahon sa laki na ng pinagbago ng lugar. Pero masakit alalahanin ang mga bagay na ganon tanging mga ala-ala na lang ang natitira sa ating kaisipan. Minsan naroon lagi yung katanungan sa kaisipan na bakit nila ito nagagawa.