Quality Coffee

Quality Coffee
Healthy Food

Linggo, Enero 3, 2010

Bagong Taon Saan Nagsimula?

Pagdating sa pagsasaya, hindi pahuhuli ang mga pinoy sa lahat ng dako ng mundo, krisis man o hindi. Kaisa sila palagi sa pagdiriwang ng bagong taon na siyang pinakamatandang pagdiriwang kumapara sa iba pang mga tradisyon. Nagsimula kasi ang mga pagsasaya nito noon pang kapanahunan ng matandang Babylon – mga 4000 taon na ang nakalilipas.

Ang pagsisimula na iyon ng bagong taon eksakto sa kapanahunan ng tagsibol ay lohikal at karapat dapat lamang. Dahil kung tutuusin iyon nga ang oras ng panganganak, ng pag-usbong, ng pagtatanim ng mga bagong halaman, prutas o gulay, at kapanahunan ng pamumukadkad. Ang buwan ng Enero, sa isang banda, ay walang anumang kahalagahan sa agrikultura o maging sa astronomiya.

Para sa mga taga-Babylon, ang pagdiriwang ng kanilang bagong taon ay nagaganap sa loob ng labing-isang araw. At sa bawat araw na dumarating, may kaniya-kaniya itong uri ng pagsasaya, na malayung-malayo sa mga nakagawian sa kasalukuyang panahon.

Ang mga Romano sa isa pang banda, ay patuloy na nagdiriwang ng kanilang bagong taon hanggang sa buwan ng Marso, na kinalauna’y nagpabagu-bago din depende sa naluluklok nilang emperador. Bunga niyon, ang kanilang kalendaryo kinalaunan ay nawala na sa tamang galaw ng mga araw.

Upang maitumpak ang pagkakamaling iyon, ang senado ng mga Romano ay nagpasya na ang Enero 1 ang siyang gawing simula ng bagong taon. Idineklara nila ito noong 153 BC, ngunit sa kasamaang palad nagpatuloy pa rin ang kaguluhan sa kanilang kalendaryo hanggang sumapit ang 46 BC. Sa eksaktong taon na iyon pinagtibay ni Julius Caesar ang kaniyang nakilala at ngayo’y ginagamit na Julian calendar, na muling nagtakda sa Enero 1 bilang pagsisimula ng bagong taon ng kalendaryo ayon sa galaw ng araw, kinailaangan ni Caesar na pahabain ang nauang taon noon hanggang sa 445 na mga araw.

Bagamat nagpatuloy ang mga Romano sa pagdiriwang ng bagong taon sa mga unang siglo ng AD (Anno Domini), iyon ay tinuligsa ng simbahan sa pagpapaliwanag na ang mga kasihayang kaakibat ng bagong taon ng mga Romano ay naka-ugat sa paganismo. Datapuwa’t nang lumaon, sa paglaganap pa ng nasasakupan at kontrol ng simbahan, maging ito ay nagdaos din ng mga ritwal at pagsasaya na maikukumpara rin sa mga kasiyahang pagano, kabilang ang Bagong Taon. Hanggang sa ngayon, may ilan pa ring mga samahan sa buong mundo na nagtatakda sa Bagong Taon bilang araw ng pagtutuli.

Pagsapit naman ng Middle Ages, nanatili pa ring hindi sangayon ang simbahan sa ilang mga tradisyon o kaugaliang pagano. Sa isa pang banda sa loob ng 400 taon, pinanatili ng mga bansa sa kanluran ang pagpapahalaga sa Enero 1 bilang simula ng kanilang bagong taon.

Walang komento: