Kung may lubos na napabantog na gawain kaakibat ng pagdiriwang ng bagong taon, iyon ay ang paggawa ng tinatawag na “new year resolution. Ito iyong paglilista o pagsasabi ng mga inaasam na pagbabago sa sarili o ang pagdating ng magandang kapalaran. Maging ang tradisyong ito ay mai-uugat din sa mga sinaunang Babylonians. Sa kasalukuyan, ang isang new year resolution ay maaaring isang pangako na huminto na sa bisyo o baguhin ang pag-uugali. Lubha itong kakaiba sa pinaka-sikat na resolution ng mga Babylonians noon na nagsasaad ng pagnanais na nawa’y mabalik ang hiniram nilang mga gamit sa bukid o iyong mga farming equipment.
Ang Tournament for Roses Parade sa Amerika, na isang parada ng mga bulaklak, ay isa pa ring nakagisnang tradisyon na nagsimula pa noong 1886. Noong panahong iyon, ang mga miyembro ng Valley Hunt Club ay abalang-abala sa pagpapaganda ng kanilang mga karwahe gamit ang mga bulaklak. Iyon ang naging kaparaanan nila sa pagdiriwang ng pag-aani at paghinog ng mga tanim na orange sa California, USA.
Bukod pa sa parada ng mga roses, umusbong din, kaakibat ng pagsasayang iyon, ang pagdaraos ng Rose Bowl Football Game. Pagsapit ng 1902, ang larong iyon ay saglit na napalitan ng paligsahan ng karera ng mga Roman chariots. Pagdating ng 1916, muling nabalik ang paglalaro ng football bilang sentro ng pagdiriwang ng mga bulaklak.
Kinalaunan may sumikat pa at lubhang nakilala na simbolo ng pagdiriwang ng bagong taon – at iyon ay ang larawan o dibuho ng isang bagong sanggol. Ito iyong kadalasa’y makikita maging sa mga greeting cards na larawan ng isang sanggol na karaniwa’y naka-diaper pa, at may ribbon na may nakasulat na mga numero ng bagong taon na kaniyang isinisimbolo.
Ang paggamit na iyon ng sanggol bilang simbolo ng bagong taon ay nagsimula naman sa mga Griyego noon pang 600BC. Iyon ay tradisyon nilang kaugnay kay Dionysus, na siya nilang diyos-diyusan para sa alak o inuming nakakalasing. Sa pagsasayang iyon, ipinaparada nila si Dionysus bilang isang sanggol na nasa loob ng isang basket, upang ipakita ang muli niyang pagsilang espiritu ng fertility o panibagong pagbubuo, panganganak o pagbabagong bihis. Maging ang mga sinaunang Egyptians ay gumagamit din ng sanggol bilang simbolo ng muling kapanganakan.
Bagama’t malinaw na nagsimula bilang gawain ng mga pagano ayon sa simbahan, nagpatuloy pa rin ang ganoong pag-uugnay ng isang sanggol sa pagdiriwang ng bagong taon. Nang lumaon, napilitan ang simbahan na tanggapin ang ganong uri ng tradisyon; ayon nga lang sa kanilang bersiyon, ang sanggol sa bagong taon ay binigyan na nila ng pangalan, na walang iba kung hindi si Hesus daw nang siya’y ipinanganak.
At kaugnay pa rin ng sanggol, nadagdagan pa ang pagpapahalaga dito nang ito ay kabitan pa nga ng banner o ribbon ng bagong taon. Ang ganitong bagong anyo ng sanggol ay dinala ng mga Germans sa Amerika sa mga unang taon ng pagiging bansa nitong huli. Gamit nila ang ganoong simbolismo mag-mula pa nang ika-labing apat na siglo.
Ayon sa nakasanayan na, marami ang naniniwala na dumating ang magandang kapalaran ng isang tao depende sa kung ano ang kaniyang ginagawa o kinakain sa unang araw ng bawa’t bagong taon. Dahil diyan, naging kaugalian na ng nakararami na simulan ang mga unang minuto ng bagong taon kasama ng kanilang mga pamilya, kaibigan o mga mahal sa buhay. Ayon dito, ang kasiyahan ay kanilang pinapa-abot hanggang sa hatinggabi o sa paghihiwalay ng luma at bagong taon. Bukod pa riyan, pinaniniwalaan ding ang unang magiging bisita sa pamamahay sa unang araw ng bagong taon ang siyang puwede na magdala ng maganda o pangit na kapalaran para sa buong taon. At mas-mapalad daw, kung ang bisita ay isang matangkad na tao na may maitim na buhok!
Maging sa mga pagkain sa unang araw ng bagong taon ay may kaakibat din dawn na kapalaran. Maraming kultura sa buong daigdig ang naniniwala na ang pagkain o pagtikim ng anumang pagkain na bilog ay masuwerte, dahil ito raw ay sumisimbulo ng pagkakabuo ng ikot ng isang buong taon. Dahil diyan ang mga Dutch ay bumibilib sa pagkain ng donuts sa unang araw ng bagong taon pabuwenas sa magandang kapalaran na kanilang inaasahan.
May kakaibang pagpapahalaga rin sa pagkain ang maraming Amerikano sa ibat-ibang panig ng kanilang bansa. Marami sa kanila ang kumakain ng black-eyed peas bilang pabuwenas, sa pagsapit ng bagong taon. Kayo meron din bang kakaibang kaugalian patungkol sa pagsapit ng bagong taon. Pero isa lamang ang masasabi ko ilan mang bagong taon ang dumaan, lumipas sa buhay ng tao – pero ang kapalaran ay hindi pwedeng idepende sa kung anong bilog, black-eye-peas o anumang bagay sapagkat tayo ay dapat dumepende lang sa Diyos na nakaka-alam ng ating kapalaran….