Hindi ito yung lugar sa Bulacan, ito ay isang punong kahoy na Pook, Bancuro siguro meron din kayong alam na katulad nito. Eh ano naman kung isang puno ito. Hindi ko alam kong bakit tinawag na Kalumpit ang lugar doon sa Bulacan pero itong kwento ko sa inyo ay puno na malaking tulong ang idinulot sa mga taga Bancuro. Anong puno ito? Ang pagkaka-alam ko ito ay kapamilya ng duhat, na parang lipote ang katulad. Hindi ko rin alam kong ganito rin ang tawag ng ibang lugar sa punong ito. Ang alam ko lang sa mga gubat at bundok ito makikita sapagkat ang alam ko dalawang puno ng kalumpit ang alam ko doon nga sa Bancuro at sa may gubat papunta ng Kalinisan.
Ang kalumpit ay lumalaking puno, mataas at madawag. Ang bunga nito ay maliliit na kasing laki ng buto ng kakaw ang pinaka malaki kapag ito ay hinog na. Kulay berde ang bunga nito kapag hilaw pa at kulay pula na medyo maitim kapag ito’y hinog na hinog na. Kusang nalalaglag ito kapag hinog lalo na kapag malakas ang hangin. Mahirap itong akyatin sapagkat marupok ang mga sanga nito, minsan nga sa hangin pa lang nababali na ang mga sanga nito. Masarap ang bunga nito lalo na kapag hinog na at ginawa mong kulunggo. Ano yung kulunggo? Ito ay ang bunga ng kalumpit na hinog, matapos hugasan ilalagay sa isang lalagyang may takip, lalagyan ng asin tapos kakalugin hanggang magsama yung asin at yung kalupit – tsanayyyyyy meron ka ng kinulunggong kalumpit.
Natatandaan ko ang puno ng kalumpit doon sa Bancuro ay nakatayo malapit sa pritil malapit sa tuklong. Kung hindi ako nagkakamali nasisimulang mamunga ang kalumpit sa buwan ng Pebrero, sapagkat alala ko pa na tuwing may pista ng bulaklak sa buwan ng Mayo marami at ito ang pinagkakaabalahan naming puntahan habang ang mga matatanda naman ay nagdarasal pa. Sa umaga naman paagahan naman ng punta doon sapagkat sabi ko nga kusang nalalaglag ito at tuwing umaga asahan mo maraming laglag na hinog na kalumpit. Sa hapon naman minsan doon na mismo sa may puno nagkakakuwentuhan habang nag-aabang ng laglag na bunga. Pero ako noon lagi akong merong tirador sa leeg na ginagamit sa ibon at sa kalumpit. Minsan naman binabalibang namin ang bunga ng kalumpit, kaya lang dahil sa mataas ito minsan hindi abutin ng balibang.
Tulad ng nasabi ko ang puno ng kalumpit ay puntahan ng mga bata, kanya kayang balibang sa bunga. Minsan isa naming pinsan ang naroon nakikibalibang ng bunga, hindi ko masabi kong kamalasan niya o talagang tatamain siya. Pagbalibang ng isang pinsan namin sa kalumpit ang pamalibang ay bumagsak sa isa sa mga naroon na siyang sanhi ng pagkasugat nito, hindi lang sugat pagkat malaking sugat – iyak ang kasunod na narinig tatakbo pa-uwi upang magsumbong. Ano ang iisipin mong isusumbong niya, diba sasabihin na siya ay binalibang o binato nito. Kaya nagalit ang ama at sugod sa puno ng kalumpit hinanap kung sino ang bumalibang sa anak niya, pero wala siyang nakitang umamin na siya ang bumato – ang ginawa na lang ng tatay pinagalitan lahat kaming naroon at binantaan na ang sinumang gagamit ng pamalibang upang makakuha ng bunga ay siya kong sisingilin sa nangyari sa anak nya. Kaya mula noon wala ng namalibang sa kalumpit – sabi nga hintayin na lang bumagsak.
Pero may bagong edeya kaming ginagawa ang lahat ay sumisipol, bakit? Upang anyayahan ang malakas na hangin para malaglaga ang bunga ng kalumpit. Siguro may tao na likas na yung paggawa ng di maganda sa kapwa, sapagkat minsan sa kawalanghiyaan nilalagyan ng kung anu-ano ang bunga ng kalumpit – minsan nilalagyan ng sili, makabuhay at ang pinaka masakit eh kong dumi ng tao ang ipinahid doon. Kasi kapag nasa puno ka na minsan pagkapulot ng hinog na kalumpit deretso na sa bibig sabay kain. Kaya tabi tabi po sa lahat ng pinupulot natin lalo na sa pagkain kailangan hugasan muna – kasi baka ebak ng iba ang sahog ng kinakain ninyo – he he he. Ang kalumpit bow…

Sa ngayon wala na ang puno ng kalumpit doon pinutol na siya, kaya wala ng kalumpit na makukuha sa ngayon doon. Minsan dumarayo pa kami sa may Kalinisan upang manguha ng kalumpit. Yung puno ng kalumpit ay kasing laki ng 3 tao kabag sila ay dumipa - ganon kalaki ang puno ng kalumpit sa Bancuro noon.
1 komento:
hey your blog design is very nice, clean and fresh and with updated content, make people feel peace and I always enjoy browsing your site.
- Joe
Mag-post ng isang Komento