Huwag kayong magagalit sa akin kung minsan ang kwento ko rito ay yung tinatawag na second hand na - sapagkat noong mabasa ko ito sa FB biglang naging parang aral sa atin ito kaya naman hayaan nyo na ilimbag ko ulit. Salamat po doon sa original ng kwentong ito sapagkat napaka ganda.. Heto po ang kwento:
“Hon, padalhan mo naman ako, kasi may gusto akong bilhing shoes dito.”
“Sa uwi mo, ‘wag mong kalimutan yung pasalubong nina nanay at tatay ha?”
“Akala ko ba, may padala kang package? Ang tagal naman!”
“Punta tayo sa Cebu sa next vacation mo…”
Ilan lang ito sa mga walang katapusang requests ko sa asawa ko nung nasa abroad siya. At kapag walang favorable response, nagtatampo ako. Nasasabi ko pa na tinitipid o pinagdadamutan niya ako. Dun na pumapasok ang pag-aaway namin, dahil hindi ko daw siya maintindihan. Nabubuwisit ako, kasi alam ko na malaki ang sahod niya, pero bakit ang higpit niya pagdating sa pera? Di ko man masunod luho ko gaya ng sapatos, mga bags, damit at iba pang gadgets? Hayyy nakuuu…
Until dumating yung time na nagdecide kami na sumunod ako sa kanya sa banyagang bansa. At last, makakasama ko na rin siya at maipabibili ko na rin mga gusto ko, bwahahaha! Sa eroplano pa lang, naiisip ko na ang mga bagay na gagawin ko –shopping, bakasyon, dine-out, gala to the max! Paglapag ng eroplano sa Kuwait International Airport, wow! Ang INIT! Humid pa! Sumasakit na ang ulo ko sa biyahe pauwi sa tutuluyan naming flat (kung tawagin ang apartment).
Latang-lata ang pakiramdam ko sa init ng klima, summer daw pala kasi! Naisip ko, huwag na muna ang shopping at gala, pahinga muna… Dumating yung time na lalabas na kami at mamamasyal, excited pa mandin ako. Pagdating namin sa Mall at nakita ko ang mga bagay na gusto kong bilhin…bigla akong nakaramdam ng panghihinayang… Makita ko pa lang ang tag price, gumagana na kaagad utak ko sa Riyal to Philippine Peso conversion! Napansin ako ng asawa ko at tinanong nya kung alin daw ba gusto ko, sabi ko na lang, huwag na, next time na lang…
Dumaan ang mga araw at nagiging malinaw na sa akin ang araw-araw na pamumuhay ng mga OFW. Kay lungkot pala maging malayo sa pamilya, ang hirap mahomesick! Nakakaiyak makita ang mga pictures ng family sa FB tuwing me okasyon. Yung malungkot ka at gusto mo silang makasama kaya lang hindi naman puwede magbus pauwi ng Pinas.
Mas naiiyak ako pag naiisip ko na, kawawa naman pala ang kabiyak ko noong wala pa ako sa piling niya. Sa init at pagod maghapon sa trabaho, wala siyang choice kundi magluto pa rin pagkauwi para me makain, at gawin ang mga bagay mag-isa tulad ng paglalaba.
Bigla akong nahiya sa sarili ko…naalala ko bigla yung mga araw na nagtatampo ako sa kanya kasi hindi niya ako mapadalhan ng pera para mabili yung gusto ko. Yung mga araw na natitiis ko siya dahil sa aking walang kabuluhang pagtatampo, natitiis ko na hindi tumawag o magtext man lang…
Yung mga araw na wala akong ginawa kundi planuhin kung ano ang mga bagay na ipabibili ko sa kanya pagdating ko dito. Dahil pala bawat text na mabasa niya, ay laksang tuwa na ang dulot sa kanya. Bawat tawag at dinig pa lang sa boses ay ibayong lakas ang bigay sa kanya…dahil sa bawat baryang kinikita niya, wala siyang naiisip kundi ikaw na pamilya niya…
Ang hirap palang maging OFW…pag nakikita ko sa mga pictures yung ngiti nila, mga magagandang lugar na pinapasyalan nila, mga pagkaing nakahain sa harapan nila, sa likod ng mga ito, nakakubli ang ‘di masukat na lungkot at pangungulila.
Marahil ayaw nila na tayong mga kaanak nila ay mag-alala kaya tunay na sitwasyon at nararamdam ay itinatago nila. Nakakaya nilang malayo at magtiis, mabigyan lang ng magandang bukas ang kanilang pamilya.
SA IBA KUNG BLOG: FOLLOW THIS